"Bye Chiqui!"- Loane.
"Bye"- Arsi.
"Ingat ka Chiqui"- Ken
"Salamat sa inyo ha? I'll see you tomorrow. Ikaw Arjay magbehave ka ha?" payo ni Ate habang isinusuot ang seatbelt ng aming company car.
"Kilala mo 'ko Ate," sabay kindat sa kanya.
"O siya. Thank you so much guys. Bye!"
Isinara na niya ang car window at mabilis na umandar ang sasakyan palayo. Agad akong nilapitan ni Ken at tinapik-tapik sa balikat na medyo may kalakasan.
"Pare ang cool ng kakambal mo ha?"
"Sabi ko na sa 'yo e. Mukhang strikto lang 'yun pero once you know her, you'll like her," I said with assurance.
"Masarap ata maging tropa itong Ate mo. Mukhang makakasundo namin," Loane noted.
"Tama!" pagsang-ayon ni Arsi.
Pumanik na kami sa aming Condo at nagpahinga. Mahaba-haba rin ang naging usapan nila ni Ate na part of it is too personal for her. Ganyan talaga si Ate, kahit hindi pa tipong kilala ang tao as long as she felt na makakasundo rin naman in the long run, e nagkukwento siya about her personal life.
I tried to contact Athena for our gathering tomorrow, she said yes immediately. Talaga 'tong girlfriend ko basta request ko hindi siya humihindi. She's studious at naka-focus siya 80 percent sa kanyang pag-aaral. I understood that our relationship was not her priority as of the moment, ang totoo mas magugulat ako kung ako ang priority niya. Pareho kaming scholar kaya kailangan ng patience in terms of handling a relationship, kahit may kaya naman ang family namin, we can't afford to lose our scholarships 'coz it served as our self-esteem na rin.
"Okay na kayo ni Andrea diba Ken? Ba't parang nag-aalangan kang 'di siya makapunta?" tanong ko while changing my clothes.
"She's busy tomorrow dahil may pictorial siya for a magazine shoot daw."
"Mukhang indemand 'yang Jowa mo sa mga magazines ha? Pareho kayo," I said.
"Part-time lang naman kung may mag-offer. Puyatan bukas, tsk tsk tsk. Sa isang araw kase meron kaming rehearsal for Bench Fashion show sa MOA kaya kelangan kong gumising ng maaga."
"Oo nga no? 11pm magstart ang dinner e. Ako rin naman may pasok ng 9am the other day so malamang kung sa malamang puyatan talaga."
"You know bro, kelangan ko lang talaga sundin 'yung pinapagawa sa 'kin ng Doctor ko, na bawal magpuyat. Bawal na ang sobrang pagod...."
"Oo nga pala....."
"Isang araw lang naman Pre kaya oks lang."
I know his condition is not stable as of the moment kaya very critical para sa kanya ang hindi sundin ang instructions ng doctor niya.
"Sabihin ko kay Ate na agahan na lang ang Dinner. Let's say 9pm. Are you good with that Ken?"
"That would be great!"
Medyo naging anxious ako sa health condition ni Ken. Hindi ko man alam 100 percent ng development ng sakit niya, he still needed to religiously take his medication and continue his healthy lifestyle.
Ken was really brave enough to handle this impending misery. Kung ako nasa posisyon niya, I'd rather tell it to someone close to me rather than telling it to someone na kakakilala pa lang niya.
Done deal! I called back my Ate to change the time of our dinner. She agreed instantly to give way for Ken's request but of course hindi ko sinabi 'yung tunay na reason behind that.
**
Kinabukasan, everything went perfunctory. Nothing new happened but something will happen when clock strikes at 9pm. I advised Athena to wear her perfect dress because alam ko na ang mangyayari, patalbugan ng Girlfriends ang magaganap sa Dinner Date. Gusto kong magstand out ang Girlfriend ko sa lahat. Syempre, girlfriend ko 'yun e!
7pm nang ako'y umuwi ng Condo after class para mag-ayos ng gagamitin. I cleaned and beautify our room para hindi naman nakakahiyang makita ng mga visitors namin, baka sabihing burara kami sa gamit, sapat nang si Ate ang makakit 'wag lang ang mga girlfriends namin. Pagkatapos kong linisin ang room ay nagvolunteer na rin akong linisin ang kwarto nina Loane without asking their permission. Ako pa lang ang nasa Condo while they were finishing their last subject for tonight. It took me an hour and a half para maglinis ng bahay, ayusin ang lamesa pati na rin mga utensils na gagamitin.
Dumating na rin ang mga Dishes na ipinangako ni Ate. Pinapasok ko ang mga lalaking dala-dala ang mga pagkaing pagsasaluhan namin mamaya.
"Pakilagay na lang po dun sa isang lamesa sa gilid ng kitchen," pag-instruct ko kina Kuya nang magtanong sila kung saan ilalagay ang mga pagkain.
Wow, as in wow lang talaga. Lalong bumango ang Condo namin sa napakabangong Dishes na malamang ay niluto ng Ate ko. Amoy na amoy kong pinaghandaan niya ang pagsasalong ito. Sinilip ko ang mga potahe, unang binuksan ko sa isang stainless food container ang napakabangong "Chicken Scallopini" na isang Italian food. OMG, I missed this food. Huli ko siyang natikman was last year pa kaya halos tumulo ang laway ko nang maamoy ang sobrang bangong food.
Natakam din ako sa "Seafood Paella" from Spain na may nakapatong na naglalakihang mga hipon. Ate really knew how to make my mouth watery. I saw another Seafood dish which is "Chilli Crab" and I believe it's a dish coming from Singapore. Ohlalala, natikman ko na 'yan and I loved the spicy taste in it. Another dish that I saw was "Massaman Curry" originally came from Thailand. Oh really Ate? This is the King of all curries. It's named pa nga as CNN's #1 Best Tasting Food in the World. OMG! Gusto ko nang kumain? Nakaka-tempt ang pucha.
Nakita ko ring merong Creamy Spinach and Cheese Green Chile Enchiladas, Pineapple Meatballs at Pork Carnittas Burritos. Meron ding Caesar Pasta Salad that looked tasty kahit hindi ko pa siya natitikman. Andiyan din ang Chocolate Graham ni Ate na super duper sarap. Andiyan din ang Chicken Salad with Apples and Cashews na madalas naming kainin specially 'pag Christmas.
Gumawa rin si Ate ng Courgette Carbonara na favourite ko din pati Spaghetti with Meatballs. Meron din syempreng Filipino Dishes like "Adobong Baboy with a Twist" na specialty rin ni Ate pati na rin Mangga with Bagoong. Oh so delicious!
Aba meron pa? nandiyan ang napakasarap na "Barbecue Vegetable Pizza" pati ang family size "Hawaiian Style Pizza". Grabeng dami ng food! I never expected that Ate will have those for us since tuwing super special gathering lang siya nagluluto ng ganitong klaseng mga potahe. I thought she considered this gathering as super special. Iba talaga 'tong kakambal ko kaya mahal na mahal ko siya.
Nagpasok din ng different types of wine ang mga tauhan ni Ate. I'm not that good in naming those wines kaya clueless ako kung anu-ano ang mga uri nun. May dalawang case din ng San Mig light ang ipinasok nila, na tingin ko'y for ladies drink.
This gathering will be super special dahil sa food. Akala ko'y simpleng potahe lang ang lulutuin ng Ate ko pero nagtravel pa siya around the world sa mga niluto niya ha? I so loved it at sigurado akong tutulo ang laway ng mga mokong na ang paborito lang kaini'y 'yung makikita sa mga fast food chains.
Thirty minutes left na lang kaya nag-ayos na ako ng sarili ko. Sige pa rin ang kulit ko kay Athena na 'wag ma-late pero mukhang male-late siya because of the heavy traffic sa may Magallanes. After akong magshower at magpapogi e wala pa ring dumadating na tao. Five minutes before nine na pero wala pa ring ni isang kumakatok sa pinto. Ano 'to Filipino time? Hayyz nothing beats this kind of time na sobra kong kinaiinisan because ayokong maghintay nang napakatagal.
BINABASA MO ANG
Condo Boys (A Journey to Remember) [Boyxboy-Completed]
Storie d'amoreCondo Boys (A Journey to Remember) is inspired by a true story of Mr. Arman James (arjaykentot) A story of friendship, unexpected romance and life's reality. Four College students made a decision to temporarily live in a Condo Unit near their Unive...