2 consecutive updates, sana makapag vote kayo at magcomment. Ayoko ng magtrending ang #Update sa commentbox haha. I need 80 votes and 35 comments. Hindi naman mahirap yan. Readers Check!
Tinamaan ako ng pagka bad mood and some sort of negativity dahil sa sorpresang sabi sa ‘min ni Loane na may kino-court na girl si Kentot. Para talagang nawasak ang puso ko nang pinong pino nang marinig ko ito. Wala pa kaming isang buwan pero ganun ‘yung impact sa ‘kin. Nagdahilan na lang ako na masakit ang tiyan para makaalis ng Carinderia ‘coz ayoko na silang magkwento about their hidden agenda. I know na worried si Ken sa inasal ko, which is very obivious naman dahil gusto kong ma-feel niya kung gaano kasama ang loob ko sa kanya na niloloko lang niya ako.
Instead na umuwi akong Condo ay naisipan kong umuwi na lang muna ng bahay kahit hindi pa weekend. I feel weightless na parang bulak sa sobrang sama ng loob. Para tuloy bumalik sa alaala ko ang nangyaring break up namin ni Athena, pero kakaiba ito. It doesn’t mean na pareho kaming lalaki e may license na siyang manligaw pa rin ng babae. Nakakawalang gana lang na nag-invest ako ng emotion para sa kumplikadong feelings ko for him na ang ending e ako ang kawawa. Umasa ako sa hangin. ‘Yun ang dating.
“Anyare my beloved twin? Nakabusangot na naman ang mukha mo? Sinasabi ko na nga ba ‘pag alanganin ang dating mo rito e may problema ka,” sabi sa ‘kin ng ever mausisa kong kambal habang binibigyan niya ako ng dessert na Lemon Blueberry Bars na gawa sa Graham.
Hiniwa ko gamit ng fork ang parte ng dessert na ginawa ni Ate na ngayon ko palang matitikman. “Hmmmmm.... sarap nito ah? Saan mo natutunan?”
“Sa internet,” mabilis niyang reply. “Sagutin mo tanong ko. May problema ka ano?”
Ayoko talagang sagutin si Ate kaya umakto akong pumunta ng living room at buksan ang TV. I sat in our comfy Sofa at binuksan ang TV to watch HBO. Good to know na “Shawshank Redemption” ang palabas which is my all-time favourite film.
“Hindi naman nauubusan ng problema ang tao,” I said wittily. Umupo si Ate sa tabi ko na ang kaliwang siko ay nakapatong sa ulunan ng sofa focusing on my sitting position.
I scooped another dessert in my fork pero Ate snatched it away from my mouth and eat it. “Nag-away ba kayo ng mga kaibigan mo? Kamusta na nga pala sila?”
“Ganun pa rin naman......” I said. “Ate ‘wag ka na ngang magtanong. Gusto ko lang namang umuwi dito TAPOS! Tuwing uuwi na lang ba ako ng wala sa oras kelangan talaga may problema ako?” pairita kong sabi.
“Tantanan mo nga ako Arjay ha? Naggagaganyan ka lang kase may kino-cover up kang secret sa ‘kin,” padikta niyang sabi.
“Ayan ka nanaman Ate. Masyado kang nag-ooveranalize ng situation. Wala akong kailangang sabihin sayo dahil wala naman akong problema talaga. Trip ko lang umuwi dito, yun na ‘yun okay?” pilit kong pagkubli. Alangan namang sabihin ko sa pakialamera kong Ate na may tampuhan kami ng boypren kong si Kentot? Naku baka maloka ‘yun at tuluyan nang maidala sa Mental Hospital.
“’Wag ka kaseng magpa-obvious na may problema ka. Hindi mo man sabihin sa ‘kin mahal kong kambal, malalaman at malalaman ko rin ‘yang tinatago mo. ‘Wag ka lang magpahuli.”
BINABASA MO ANG
Condo Boys (A Journey to Remember) [Boyxboy-Completed]
RomanceCondo Boys (A Journey to Remember) is inspired by a true story of Mr. Arman James (arjaykentot) A story of friendship, unexpected romance and life's reality. Four College students made a decision to temporarily live in a Condo Unit near their Unive...