KEN's POV
Kakaibang saya ang nararamdaman ko ngayon. Tila nabiyayaan ako ng panandaliang milagro galing sa TAAS dahil ako'y nananatiling malakas na hindi iniinda ang karamdaman. Birthday Gift ni GOD? 'Di ko na Birthday dahil expired na ng two hours, madaling araw na ng kinabukasan pero heto ako ngayon, sa Resthouse namin dito sa Antipolo habang masayang pinagmamasdan ang mga nagkikislapang bituin sa kalangitan kasabay ng mga iba't ibang kulay na liwanag ng kamaynilaan. Mas masarap sana kung andito si Arjay habang ngumangatngat kami ng Hany. 'Di ko mapigilang mangiti 'pag naaalala ko ang mga moments naming 'yun. Kaya lang naman ako nagpunta rito'y dahil may lihim akong gagawin na hindi niya kailangang malaman kaya okay lang na wala siya rito.
Arjay taught me something that changed everything in me. We helped and bestowed gifts to less fortunate people that served as an eye opener to me. He made me realize how selfish I am to present him a fancy gift instead of helping others. Nabuhay ako sa luho at sa pansariling kaginhawahan habang bulag-bulagan akong makita ang nangyayari sa ibang dako ng mundo. He made me see what seems to be invisible in my eyes. Nang makita kong he's talking to a beggar and offered food, bigla kong naisip kung bakit tinatanggihan niya ang mamahalin kong alok. There's more to life than luxury. Naniniwala akong ganito ang paniniwala ni Arjay kaya naman instead of giving him the watch that I bought worth 1.5 Million pesos, I spent my savings to make less fortunate people happy. And that's the most memorable and fullfiling Birthdays I've ever had.
It's now time to burry this expensive watch that I'm holding. Makinang na makintab na mamahalin. Ang ganda pa naman.....
"Para sana sayo 'to Arjay. Sayang... tsk tsk tsk " pabiro kong bulong sa sarili.
I planned na ibaon ito sa tabi ng Puno ng Narra. Madalas kami sa punong ito nakasandal dahil dito ang pinakamagandang view ng kamaynilaan 'pag nakaupo ka. Gamit ang maliit na pala, naghukay ako ng lupa para maibaon ito. 'Di mababaw ngunit 'di naman ganun kalalim.
Before kong permanently na maibaon ang relong tinatakpan ng metal box ay nagsilid ako ng maikling sulat. Hindi naman masyadong madrama pero punumpuno naman iyon ng pasasalamat kay Arjay, at kung paano ko naappreciate 'yung kabutihang loob niya sa 'kin. I have different ways of expressing my love to my friends and families, but he's special because he's my weird love.
Luck na lang ang makakapagsabi kung makita pa niya 'to. I doubt kung mawala na ako sa mundong ito'y maisipan pa niyang pumunta rito? At makita sa ilalim ng lupa ang kahiya-hiyang regalo ko dapat sa kanya? Hindi naman makapal ang mukha ko para hindi makaramdam ng kahihiyan na binili ko ang mamahaling bagay na pilit niyang tinanggihan, kahit na he made bawi sa huli na gusto na niyang makita ang present ko sa kanya for me not to feel bad.
"Whoooo," I sucked some air nang matabunan ko na ng lupa ang ibinaon ko. Tumagaktak ang pawis ko kahit hindi naman ganun kalalim ang hinukay ko.
It's very impossibe na makita ito ni Arjay without any clue kaya umukit ako sa puno ng narra ng palatandaan....
Arjay
-love-
Kentot
with arrow na naka-point sa pinagbaunan ng relo.
Di ako magaling sa pag-ukit kaya parang kinahig ng Manok ang mga pangalan namin at hindi pa masyadong straight ang arrow paturong pababa.
Medyo vague pa rin 'yung clue kaya baka hindi ma-gets ni Arjay 'yung signs. Malay ba niyang may nakabaon dun? Bahala na, siguro love lang talaga niya para sa 'kin ang magdidikta kung madidiscover niya ang undiscovered part of me o hindi.
Napahiga ako sa kalupaan focusing my eyes sa kalangitan. 'Di ko namalayang may tumulo ng luha sa mga mata ko na kumikiliti sa pisngi ko. I closed my eyes and spoke with my mind. All I'm saying is Thank you. Thank you for everything. Thank you for this life that I borrowed. Thank you for making me rich. Thank you for my friends. Thank you for my parents. And thank you for letting me love Arjay.
"I'm ready"
*******************
This is the rare POV of KEN before his death.
TRIVIA: There are THREE sentimental things/place in Condo Boys that had been told twice or more. It has different symbolism in the story. THOSE THREE are present in the ENDING chronologically.
1. Hany- Happiness
2. Antipolo's view of Manila- The Beauty of Life
3. Watch- TimeTo be happy, to see the beauty of the world and to treasure time are life's essences.
But the purpose of Life is how we change other people's lives and have FAITH.
Your gender preference doesn't make you less of a person, and lesser version of human in the eyes of the Lord.
BINABASA MO ANG
Condo Boys (A Journey to Remember) [Boyxboy-Completed]
RomanceCondo Boys (A Journey to Remember) is inspired by a true story of Mr. Arman James (arjaykentot) A story of friendship, unexpected romance and life's reality. Four College students made a decision to temporarily live in a Condo Unit near their Unive...