Chapter 1: Hany

79.3K 857 45
                                    

Intro Song: The Days by Avicci.

Arjay's POV



"I think it's beautiful," I said habang pinagmamasdan ang kabuuan ng kwarto namin ni Ken. Napakaaliwalas sa mata at malinis tingnan ang silid dahil 'cream' ang kulay ng mga dingding. May dalawang katamtaman lamang ang laki na kama sa magkabilang ding-ding na tig-isang study table na malapit sa may bintana.  It was not as impressive as my real room but I liked its simplicity. Pwede na rin. 

We decided to rent a Two-Bedroom Condo here in City of San Juan, near Greenhills which is walk away lang from the University, mainly to stay away from the headaches of traffic. Mula pa Cavite itong si Ken while the two reside somewhere North. I'm a native of Makati City so aprub sa 'kin to have a nearer location to our school.  

"Salamat! Sa hinaba-haba ng prusisyon, sa Condo rin ang tuloy," sambit ni Ken habang tinatanggal ang kanyang Polo Shirt. Tinapon nya ito sa may study table na parang nagbabasketball at bigla siyang tumalon sa kanyang kama patalikod. Sa kasamaang palad ay nagkamali siya ng bagsak kaya't tumama ang kanyang likod sa may matigas na parte nito.

"Aray ko!!" daing niya habang hawak-hawak ng kanyang kamay ang tumamang parte ng kanyang katawan. 'Yung mukha niya'y parang nilukot na papel.

"Buti nga!" pagbiro ko. Napangiti na lamang ako sa reaksyon niya habang namimilipit sa sakit.

"Gago Pre ang sakit!"

"Ba't mo ba naisipang tumalon dyan? Wala ka na sa bahay mo na mas malambot pa sa bulak ang kama mo!" nangingisi kong hirit.

"Tang-ina Pre! Kaya nga ako umalis ng bahay para makatakas sa bunganga ng Mama ko tapos ikaw pala ang papalit?!" reklamo niya na contorted pa rin ang mukha sa sakit.

"O siya!" bumunot ako sa aking bulsa ng "Hany Chocolate". Adik ako sa tsokolateng ito na mabibili sa kahit saang tindahan dito sa Pilipinas. Nalaman ko rin na bisyo nitong si Ken ang kumain ng Cheap na tsokolateng ito. Hindi mo aakalain dahil anak mayaman siya, wala sa hitsura niya ang kumain ng mga ordinaryong tsokolate. Ang akala ko'y kumakain lang siya ng mga imported chocolates, di ko akalaing kumakain rin pala ng local goodies.

 Ang akala ko'y kumakain lang siya ng mga imported chocolates, di ko akalaing kumakain rin pala ng local goodies

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"O eto!" bigla kong binato sa may kama niya ang tsokolate. Maya-maya'y bigla na lamang itong napatayo nang tuwid at umunat nang hindi makita kung saan ko naibato ang Hany. Tila ba nawalang bigla ang sakit nang pagkakabagsak nya.

"Nasaan na?" takang tanong niya nang hindi matunton ang Hany na ibinato ko.

"Ayun o sa may paanan mo?!" turo ko.

Binuksan nya ito nang makita at kinain nang isang subuan. Adik talaga!

"Hany lang pala ang gamot mo e?" ngisi ko habang nakaupo naman sa aking higaan.

Condo Boys (A Journey to Remember) [Boyxboy-Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon