“Are you both okay?” Ate asked us while giving us a plate of Italian spaghetti. Nandito kami ngayon sa katatayong Restaurant na minamanage ng family namin. Siya of course ang naatasan mag-manage since she refused to go back to school at dahil na rin sa passion niya for our business.
“Hindi maganda ang kinalabasan Ate,” I said. Si Ken nama’y bakas na bakas ang kalungkutan sa hindi pagtanggap ng kanyang Mother sa relationship namin. Kaharap ko siya sa table na kinauupuan ko ngayon.
“Ok?!” paalangang tugon ni Ate na nasa tabi kong umupo. “Ganun talaga mga tsong, hindi talaga ganun kadaling tanggapin. Sana intindihin niyo na lang muna, darating ang araw matatanggap din ng family mo Ken ang relationship niyong dalawa ni Arjay,” pagpapakalma sa ‘min ni Ate. She’s one of the promoters of this kaya pinupursige niya kami na if we liked our relationship to last, kelangan both parties ng family e makaalam instead na magkulong kami sa hawla forever.
Napapansin ko na sobrang lungkot ng pigura ng mukha ni Ken. ‘Yung tipong hindi nagrerespond kung ano mang reaksyon ang ginagawa namin ni Ate. Nakatingin lang siya sa kawalan na para bang hindi kami nakikita sa harapan niya.
“Kentot ko okay ka lang?” I asked him. Bigla siyang napalingon sa ‘min at hinawakang bigla ang tinidor to get a twist of spaghetti na binibilog bilog lang niya.
“Okay lang,” walang gana niyang sagot kahit opposing ang sinasbi niya sa hitsura niya.
“Bespren ‘wag ka nang malungkot. Everything’s gonna be okay the next time,” pakalmang sabi ni Ate. She and Ken were considering themselves as bestfriends, akalain mo ‘yun diba? Nag-away kami niyan ni Ate dahil akala ko’y pinagtataksilan niya ako by being close to Ken. Mabuti na lang talaga at grumaduate na ako sa stage ng pagiging paranoid na iniisip na meron silang relasyon. Friends nga lang talaga sila dahil napatunayan sa ‘kin ni Kentot ang pagiging faithful niya. Well, hindi na ako naaapektuhan dahil pinanatag ni Ate ang kalooban ko dahil meron siyang foreigner fiancée na saksakan ng gwapo. Far cry sa naging ama ng una niyang anak na si Cedric.
“I doubt Chiqui,” di pagsang-ayon ni Ken. “I’m confident pa naman na matatanggap kaagad ni Mama ‘yung relationship namin ni Arjay kaso....” pagputol niya sa kanyang sinasabi.
“Kaso ano Ken?” Ate quizzically asked.
“Kaso...... wala... never mind!” pagbawi ni Ken. Nakaramdam ako ng something na kakaiba sa sinabi niya. Parang may tinatago siya na hindi ko pa nalalaman. Why is he even confident na matatanggap kaagad kami ng Mama niya though on my end e feeling ko normal lang ‘yung nangyaring scenario sa pagitan naming tatlo.?
“Your Mother was shocked, parang ako nun. Kung hindi lang kayo malapit sa ‘kin e malamang matinding parusa ang ipapataw ko sa inyo. Your mother is your mother Ken, I know sometimes mother doesn’t know best pero mananatili pa rin silang may puso sa kung anuman ang gustong gawin ng anak nila. Believe me, time will come Kentot matatanggap ka rin ng Mama at ng family mo.”
“Lakas mong makasabi ng words of wisdom ano Chiqui?” pabirong sambit ni Kentot. “Sana magkatotoo ang sinabi mo kaso..... I doubt. I really doubt.”
Nakakalungkot isipin na tila nawawalan na ng pag-asa si Ken. Naiisip ko na para bang sumusuko na siya dahil sa pagpapakita niya ng katamlayan sa mga nangyari sa ‘min. It’s really not the Ken that I know. Palaban siya. Hindi sumusoko. Sana ganun pa rin siya dahil napatunayan ko na he’s not a quitter at kahit secret pa lang ang relasyon namin e he was able to love and fight for it.
BINABASA MO ANG
Condo Boys (A Journey to Remember) [Boyxboy-Completed]
RomanceCondo Boys (A Journey to Remember) is inspired by a true story of Mr. Arman James (arjaykentot) A story of friendship, unexpected romance and life's reality. Four College students made a decision to temporarily live in a Condo Unit near their Unive...