DMWNT 6: A slap of reality
Trece
My brother laughed. And laughed some more.
"At bakit mo naman naisip 'yan?" Aniya nang matigil sa pagtawa.
Muli akong nagpakawala ng hangin sa bibig ko. "Hindi ba't ideya mo na i-enroll ako sa eskwelahang nasa gitna ng kawalan? You said this school is safe and is focused on academics. Well, I have news for you, brother, it's only my first day and everyone is already trying to kill me."
"So?"
Pumikit ako at bumuntunghininga. Dealing with Doce always ticks me off.
"Do you really want me to die?"
Saglit na namayani ang katahimikan. When my brother spoke again, his voice sounded strangely calm and light. "If you let a bunch of amateurs kill you in that sinkhole, I will personally dig up your grave and peel off the number inked on your back. Huwag mong ipahiya ang numerong 'yan, Trece."
I let out a breath. Sinadya niya 'to. Alam niya ang sistema sa eskwelahang ito at sinadya niya na ipasok ako dito. Pinlano niya ba ito sa simula pa lang? Siya ba ang nag-utos na ikulong ako sa isang silid noon sa Arelle Academy para mapapayag ako na lumipat ng eskwelahan? Humigpit ang hawak ko sa cellphone. "Pinaglalaruan mo ba ako?" bigkas ko.
"Who knows?"
The tone of his voice is all the confirmation that I need. Pinaglalaruan niya nga ako.
"This is not fair," anas ko.
"T's the way of the world, Trece. Get used to it." Matapos ang dalawang beep ay namatay na ang tawag. Binabaan niya na ako.
Bumuntunghininga ulit ako at kahit na mabigat ang mga braso ay pinilit kong inayos ang pagkakatali ng buhok ko. Ayaw ko ng gulo. Gusto ko lang makagraduate sa junior high ng matiwasay. Mahirap ba iyong intindihin? Why do they have to do this to me?
Nag-angat ako ng tingin nang bumukas ang pinto at iniluwa niyon ang babae kanina.
"Okay na, pwede ka ng umalis. Kailangan nating bilisan at baka may makakita pa sa atin."
Hindi ako kumilos mula sa pagkakaupo ko at tiningala ko lang ang babae. I remembered that she was called Terra. She's one of that Cooper's underlings, so why is she doing this now?
"Bakit mo 'to ginagawa?"
She gave me a look of disbelief. "Seryoso? Huwag ka nang maraming tanong! Kailangan na nating umalis!" She keeps glancing at the door nervously.
"Hindi ako aalis dito hangga't hindi mo ako binibigyan ng matinong sagot," pinal kong pahayag. I would rather get the hundred bones in my body crushed than be played by these people.
Napabuga ito ng hangin dulot ng prustrasyon. "Pusang gala naman o, why am I even helping you? Tangina oo na! Mag-eexplain ako pero pwede ba kapag nakaalis na tayo dito? Babalian ako ni Lily ng buto 'pag naabutan niya ang ginagawa natin!"
I studied her once more. She genuinely looks nervous, no one can be that good of an actress.
"Okay."
"Anong okay? Tumayo ka na kaya diyan?!" Gigil niyang bulalas.
"I can't," simple kong sagot. "Bugbog sarado ako."
Natawa siya. Tawa ng taong malapit nang maiyak dahil sa kabwisitan. I didn't ask her to help me. I would have been fine here all on my own. Kailangan ko lang makabawi ng kaunting lakas at sigurado akong makakagawa ako ng paraan para makalabas dito. After all, I can't afford to be late for my classes tomorrow.
BINABASA MO ANG
Don't Mess with Numero Trece (PDN Series #1)
Teen Fiction[PAMILYA DE NUMERO SERIES #1] "Did you know that when a dormant volcano erupts it's a hundred times deadlier?" -Trece ** Trece Cleverine is a calm, unassuming girl who only wants...