DMWNT 21

130 8 2
                                    

DMWNT 21: Visitors

[Trece]

Nitong nakaraang mga araw na magkasama kami sa iisang silid ay nagkaroon kami ng routine ni Caspian. Ala-sais hanggang ala-siyete ang oras ko sa banyo, lalabas ako at siya naman ang maliligo at magbibihis. Habang nagluluto siya ay magbabasa ako ng libro sa sala pagkatapos ay sabay kaming mag-aalmusal. Dahil puro disgrasya ang nangyayari kapag ako ang kumikilos sa kusina ay inako na ni Caspian mula pagliligpit hanggang paghuhugas ng pinggan.

Then he'd start pestering me while I try to read my book. Kapag nararamdaman niyang sukdulan na ang inis ko sa kanya ay titigil siya at kukuha ng makakain sa ref. Imbis na mang-istorbo, panonoorin niya na lang ako habang nagbabasa.

That's how it's always been for the first five days, until the other day, yesterday, and today. Hindi na siya dito naliligo, matapos akong ipagluto ay iba't iba ang dahilan nito para makalabas, miminsan na lang din ako nito kausapin.

Obviously, he's avoiding me like the plague. It all started after that kiss. Hindi ko talaga siya maintindihan. I know he liked that kiss as much as I did. I could feel him responding to it. So what in hell is his problem?

Ayokong mangapa. Ayoko ng ginugulo ang utak ko dahil hindi ko nagagawa ng maayos ang iba ko pang kailangang gawin. For instance, hindi ko matapos tapos ang librong dala ganoong lampas isang linggo na akong narito.

We need to talk.

Ngunit mukhang imposibling mangyari iyon dahil nang bumalik si Caspian sa silid namin ay may kasama na itong isang nakasimangot na tigre, isang nahihiyang kwagong may apat na mata at isang nakangiting chihuahua na nakatakas yata sa bantay niya.

"Robotttt!! You're safe!"

I jumped away before Maddilyn could put her arms around me in what I thought was a hug.

Binigyan ko ng nagtatakang tingin si Caspian, he looked more relaxed than he had been this past days. May bitbit itong laptop at nag-inat inat pa bago naupo sa sofa at nagsimula iyong kalikutin.

"Caspian, what's happening?"

Nag-angat siya ng tingin at napakamot  sa batok. "They were asking about you so I brought them here."

Why would they be asking about me? Hindi na ako nakapagtanong dahil kanya kanyang trip na agad ang mga ito.

I carefully sat on the vacant sofa, watching Terra and Markus looking over what Caspian is doing. Mukhang ilag ang mga ito kay Caspian pero hindi rin mapigilan ang mga sariling sumali sa pagpipili ng palabas na panonoorin daw nila.

"Yung horror!" Suhestiyon ni Terra.

"Fantasy nalang kaya? Umagang umaga horror ka dyan." Si Markus na nabatukan ni Terra.

"Manahimik ka nga d'yan bwisit. Mas maganda manood ng horror 'pag umaga."

"Manood nalang kaya tayo ng barbie and the floating cottage?" Nakisali na si Maddilyn na sa wakas ay tumigil na sa pagtitig sa akin.

Pumunta lang yata sila dito para manggulo.

"Dami niyong sinasabi, spongebob movie lang ang nasa USB ko," pagputol ni Caspian sa argumento nila.

Wala na silang naiungot nang magsimula ang palabas. Nilagay 'yung laptop sa mesa at naupo kaming lahat sa sahig, nakatunganga. Hindi dapat ako sasali pero bigla nalang akong hinila ni Maddilyn at pinaupo sa tabi niya.

To be perfectly honest, I don't get what the movie was about. Buong atensyon ko kasi ay napupunta sa malalakas nilang boses na kung ano ano lang ang napupuna.

Don't Mess with Numero Trece (PDN Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon