DMWNT 24

131 7 0
                                    

DMWNT 24:
Start of the Tournament

[Trece]

"Mawawala ako ng ilang araw, may aasikasuhin lang." He smiled at me. "Pwede ka ng bumalik sa dorm mo, I'm unkidnapping you, Trece."

"Okay. Take care, I guess," I told him. "Kailan ka aalis?"

"Ngayon na, pagkatapos nating mag-usap." Ngumisi siya. "Mamimiss mo ako kaagad 'no?"

I merely raised my brow,  trying to hide a smile, mahirap simangutan ang isang nakangising Caspian Lazarus.

"Just go," ani ko.

"Hindi mo man lang ba ako pababaunan ng yakap?" Aniya sa nagtatampong tuno.

"Ewan ko sa'yo." Nagsimula akong tumalikod pero bigla niya na lang na hinigit ang kamay ko at kinabig ako palapit sa kanya. Napakurap-kurap ako dahil sa gulat habang nakadikit sa dibdib niya ang pisngi ko at naririnig ang tibok ng puso niya.

"Mamimiss kita," bulong niya. Ramdam ko ang lungkot sa kanyang boses. Para bang sinasabi niya na ito na ang huling pagkakataon na magkikita kami. He pat my head then turned around as he said "Goodbye, Trece".

My chest feels heavy. "Caspian..."

Huminto siya pero hindi niya ako nilingon.

"...ngayon pa lang namimiss na kita."

I heard him chuckle, before raising his hand for a wave of goodbye.

"Trece! Oi Trece!"

I blinked and focused on the face of Markus.

"Natulala ka na d'yan, ano bang iniisip mo?"

"Nothing, may naalala lang," I murmured, my chest feeling weirdly heavy again as I remembered that conversation with Caspian two days ago. Pagkatapos niyon ay hindi na kami nakapag-usap, sinubukan ko siyang i-text pero hindi din siya nagrereply. Hindi ko na alam kung anong nangyayari sa kan'ya.

"Saan mo gustong pumwesto?" Tanong ni Markus at nilibot ang paningin sa gym. "Mas maganda kung sa gitna tayo, sa bandang kanan para malapit sa court, machicheer natin ng maayos si Terra mamaya!"

"Ikaw ang bahala," sagot ko habang inoobserbahan ang nangyayari sa paligid.

St. Benedict's gymnasium is huge, it could house a thousand audience. May malaking stage sa unahan kung saan may rectangular na mesa na pupwestuhan ng kinatawan ng organisasyon,  on three sides of the gym were ascending stairs where the students could sit without getting blocked by the other student's body. Lahat masasaksihan ang mga nangyayari sa baba.

Markus told me that the fight would be happening at the center of the gym, madalas itong paglaruan ng basketball pero sa ngayon it was transformed to a mini-boxing ring barred with metal up to the waist. Maaaring tumalon para makapasok sa ring.

Unti-onti nang napupuno ang gym at nakapwesto na rin kami ni Markus sa kanan, sa pinakagitna ng hagdanan. He had fetched me in my dorm-room this morning asking me to accompany him. Safe naman daw dahil magiging busy ang mga gangster students na labanan ang isa't isa kaya wala silang oras na i-bully kami.

Kahit hindi niya sabihin, talaga namang dadalo ako.

Matapos ang halos kalahating oras ay tuluyan nang napuno ang gym. All three stairs were occupied by a sea of tough looking students. Karamihan sa kanila ay merong mga pasa, mukhang frustrated at maririnig ang malalakas na reklamo.

Don't Mess with Numero Trece (PDN Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon