DMWNT 29

146 8 4
                                    

DMWNT 29: Who's next?

[Trece]

Nagpatuloy ang komosyon, nagpatuloy ang bulungan, ngunit nanatili ako sa upuan ko. Anyone who cares to question my reaction would only assume that I am too cowardly to check out whatever horrendous sight is set in the school's flagpole.

Sanay ang St. Benedict sa gulo. Sanay silang ipagsigawan ang pagiging bayolente. They love to boast how dominant they are.

But how would they deal with a faceless fiend? How would they deal with stealthy attacks?

That, I thought with a secret smile, would be interesting to watch.

My classmates started going back to their seats, I assumed someone had already taken care of the bodies. Those two would need hospitals, and maybe a surgeon, if Rami wanted his banana back in one piece.

Sa gilid ng mga mata ko ay nakita ko ang pagbalik ni Markus sa upuan niya. Nanlalaki ang mga mata nito, halatang nanginginig at tila nasusuka.

He caught me staring at him. Binasa niya ang ibabang labi. "N-Nakita mo din?"

Umiling ako, may pagtatanong sa mga mata. "Narinig ko ang mga sinasabi nila. Was it true? Midas and Rami..." I trailed off hesitantly.

Markus covered his mouth, as if he's about to throw up. "Mas mabuting 'di mo na makita. I've never seen anything like it. I've seen brutal," he shut his eyes briefly, as if trying to erase the image, "but that was sick. Whoever did it was sick."

Hindi na ako umimik, inabala ang sarili sa pagkakalikot sa cellphone, manaka-nakang nakikinig sa nababahalang bulungan ng iba.

Wala pang limang minuto ay isang humahangos na Terra ang biglang pumasok sa room namin. Kaagad itong tumakbo sa gawi ko. "Are you okay? Narinig niyo ba ang nangyari kina Midas at Rami?" Sinipat nito ang kabuuan ko, para bang hinahanapan ako ng sugat sa kasulok-sulukan ng katawan ko.

"We're fine," si Markus. "Dinala na ba sila sa ospital?"

Tila lantang gulay na naupo si Terra sa upuang nasa harapan namin. "Oo. Malubha ang lagay nila. Tangina nakita ko pa kung paano lumabas 'yung duguang daga sa pantalon ni Rami!"

"Shut up!" Markus looked at me in alarm. Tila ba takot na marinig ko ang sinasabi ni Terra.

"Sorry." Napahilamos si Terra sa mukha niya. "Alam niyong 'di na papasok ang mga guro ngayon, gusto niyong manatili dito?"

"Wala naman tayong ibang pwedeng puntahan," ani Markus.

"What are they going to do about what happened?" I asked.

"Mukhang mag-aasign ang principal natin ng mga gwardiya para mas higpitan ang pagbabantay sa school at para mag-imbistiga sa nangyari."

Tumango ako. "How about the queens? Or the kings?"

Nagkibit-balikat si Terra. "Mukhang wala naman silang pakialam eh. Nagtatago din ako kay Lily dahil siguradong bwisit pa 'yun sa'kin pero narinig ko mula sa mga kaklase namin na baka prank lang ang nangyari, isa pa, maraming galit kay Rami dahil kung sino-sino ang nilalagay no'n sa detention center, baka isa doon ang gumawa no'n."

"I don't think it's a prank."

Pareho kaming napasulyap kay Markus. He was nervously drumming his fingers on his desk.

"The message scribbled on Midas... Kung sino man ang gumawa n'on, hindi siya nagbibiro. He is serious, he would strike again. I can feel it." Bumilis ang galaw ng daliri niya, tila sinasabayan niyon ang bilis ng kalabog ng dibdib niya.

Don't Mess with Numero Trece (PDN Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon