DMWNT 18: Trece, The bothered
[Trece]
I know I was making things hard for Caspian kaya nga sinubukan kong tumulong. Regrettably, lalo yatang lumaki ang trabaho niya dahil sa ginawa ko. If anything, he has an admirable patience. Isa sa mga ugaling gusto ko sa kan'ya.
Pero may isa akong problema. Napakakulit niya at istorbo siya sa pagbabasa ko. Hindi pa nga ako nangangalahati sa librong binabasa ko gayong tatlong araw ko na 'tong nasimulan. All because Caspian keeps randomly popping around me.
Naibaba ko ang hawak na libro. The guy is at it again. Sitting close to me, staring at me, and distracting me to no end.
"Wala ka bang ibang gagawin?" I asked wearily.
"Wala," at ngumisi.
"Hindi ka ba sasali sa tournament?"
"Hindi."
"Hindi mo ba bibisitahin ang mga kaibigan mo?"
"Hindi din."
"Hindi mo ba nagegets na kanina pa kita tinataboy?"
Lumawak ang ngisi niya. Lalo siyang gumugwapo 'pag ganoon, at lalo ring nakakainis. He leaned back. "Hindi."
My brow twitched. It seems like there's no way I could finish the five books I brought within this two weeks.
I uncrossed my legs. Bahagya kong inilapit ang mukha ko kay Caspian. "Why do you keep bothering me?"
Ipinatong niya ang isang braso sa likod ng sofa at bahagya ring inilapit ang mukha sa akin. "Dahil gusto ko." May paghahamon sa mga mata niya. Iniengganyo ako niyong lumaban.
I inched my face closer, binabaan ang tono ng boses, "Yun lang ba ang gusto mo?"
I blinked in surprise when he suddenly came closer, immediately closing the gap between us, the tip of our noses almost touching.
He tilt his head a little to the right and muttered, "Sigurado ka bang handa kang marinig ang iba pang gusto kong gawin?"
Agad akong napaatras. "Are you always this flirtatious?" Pinulot ko ang libro ko kahit na wala akong naiintindihan sa mga letrang bumungad sa akin. That's a first.
"You started it, and no. Ikaw ang first time ko."
Nag-angat ako ng tingin at nginisihan niya ako. "You are my first girlfriend, after all."
"Inangkin mo lang ako na nobya mo, I didn't really agreed to it," I pointed out, inaalala kung paano nito ianunsyo sa library noon na nobya ako nito.
"Tinanong kita kung ano ako sa buhay mo, at hindi ba ang sinagot mo ay boyfriend?"
Bahagyang humigpit ang hawak ko sa libro. "Pinilit mo ako."
Nagkibit-balikat siya. "Nagpapilit ka naman."
Because you made it impossible to say otherwise! Huminga ako ng malalim, kailangan kong kumalma. There's only one way to do that, focus on the book. Bago iyon ay seryoso ko munang tinapunan ng tingin ang kaharap ko.
"Caspian..."
"Trece..."
I smiled faintly. "Don't talk to me." I brought my legs up the sofa, crossed them, and laid the book in the center, determined to put my attention on it.
I was a bit surprised when Caspian stood up. Akala ko ay mananatili ito at maghahanap ng ibang paraan para makuha ang atensyon ko. Buti naman naisipan nitong mas magiging productive ito kung sa iba itutuon ang bakanteng oras.
BINABASA MO ANG
Don't Mess with Numero Trece (PDN Series #1)
Teen Fiction[PAMILYA DE NUMERO SERIES #1] "Did you know that when a dormant volcano erupts it's a hundred times deadlier?" -Trece ** Trece Cleverine is a calm, unassuming girl who only wants...