DMWNT 17

132 7 0
                                    

DMWNT 17: His Hell Days (2)

[Caspian]

Hindi sa pagmamayabang pero galing ako sa mayamang pamilya. Bagama't lumaki sa karangyaan ay hindi ako kailanman nang-alipin ng iba o nagbigay ng hindi resonableng pag-uutos.

So why the hell am I being ordered around like a fcking slave?!

Matapos niyang ipalinis ang lahat ng kasulok-sulokan ng silid na 'to kahapon ay may bago na naman siyang utos sakin. Umagang-umaga o!Nananakit pa 'yung batok ko, bwisit naman.

"Caspian!"

Mukhang galing sa banyo ang boses niya.

"Bakit?" I said around a yawn.

"Can you come inside the room? Nakakapagod sumigaw," aniya sa boses na mas malakas sa nakasanayan.

Walang imik kong sinunod ang sinasabi niya. Pumasok ako at isinandal ang noo sa pinto ng CR. Inaantok pa talaga ako. "May problema ba?"

"Meron," she told me in a quieter voice.

Nawala ang antok ko dahil sa sinabi niya. Alerto akong napatuwid ng tayo.

"Are you okay?!" Nadulas ba siya? Nabagok ang ulo? Shit. Hindi ko matatapos ang misyon ko 'pag nangyari 'yun!

"I'm fine."

Tumaas ang isa kong kilay. She sounded almost embarrassed.

"It's the water. Namatay. And I'm still in bubbles so you better do something before I freeze to death."

Huminga ako ng malalim. Bigla ay gusto kong atakehin ang lahat ng tubo sa building na 'to. Magkakakumbolsyon ang utak ko kapag hindi ko kinontrol ang biglang pagragasa ng inis sa sistema ko.

"Iabot mo sakin 'yang balde sa loob. Ipag-iigib kita."

Mabilis kong kinuha ang balde nang bahagya niyang buksan ang banyo. I carefully averted my gaze to prevent myself from seeing anything. Anything at all.

I stormed out of the bedroom, out of the door and locked it. Mahirap na at baka may biglang maligaw dito habang mag-isa lang si Trece.

Malalaki ang hakbang at madilim ang mukha na binagtas ko ang daan papunta sa banyo ng mga lalaki bitbit ang balde sa kanan kong kamay. T-shirt, shorts at tsinelas lang ang suot ko. Kahit pa sabihing nasa dorm kami at kahit pa sabihing maayos naman akong tignan kahit ano ang isuot ko ramdam ko pa rin na hindi ako presentable.

It's barely seven in the morning and I'm already out here feeling like crap.

Hindi ko man lang binagalan ang paglalakad kahit nang makita kong may limang lalaking nakaharang sa pasilyo at nagbubugbugan. The sight of them didn't improve my mood.

"Umalis kayo sa dinadaanan ko kung ayaw niyong paghahampasin ko kayo ng balde," wika ko sa mababang boses nang sa wakas ay bigyan nila ako ng pansin. Nagkatinginan ang mga ito, saglit na nakalimutan na magkaaway sila ilang segundo lang ang nakararaan.

Training day is like a holiday from the school's hierarchy of powers. You can challenge anyone, and beat the crap out of anyone as long as you have the guts and as long as that anyone isn't me.

Especially me in a bad mood.

"Well?" Pinilig ko ang ulo ko, iniisip kung saan ako makakakuha ng baldeng ipangpapalit kung sakaling mabasag ko 'tong hawak ko.

Nakita ko ang paggalaw ng mga lalamunan nila at halos sabay sabay na pagkilos ng mga paa. Nagtakbuhan ang mga ito palayo.

I continued walking towards the men's bathroom. No one seems to be inside yet. Nang makapasok ay agad akong nagsalin ng tubig sa balde.  It was a medium sized pail, magaan lang buhatin. Palabas na ako nang makasalubong ko si Spencer.

Una nitong tinignan ang mukha ko, tapos ang suot ko, at sa wakas ay ang bitbit kong balde. He looked at me seriously. "Dude, I don't even want to ask." Tinapik niya ako sa balikat at nilampasan.

Hindi mabigat ang balde pero malayo layo din ang nilakad ko kaya talagang tagaktak na ang pawis ko nang makabalik sa hideout.

And only to see Trece comfortably sitting on the sofa, all fresh and reading. She looked up when she heard me come in.

"I thought..." I was fuming with anger as I muttered slowly, "... there's no water."

"It came back a couple of minutes after you went out," was her answer, said in her usual cool voice. Like she doesn't care at all that I was sweating drums, and feeling like all the dirt in the world had clung to my skin.

Ilang beses na gumalaw ang panga ko bago ako ulit nagsalita. "And this?" I indicated the pail of water I'm still holding.

"I-" Mukhang ngayon niya pa lang napansin ang napakadungis kong sitwasyon. She looked guilty. Oh hell, she should be. "I'll use that tomorrow."

"I'm going to take a bath," halata pa rin ang ngitngit sa boses ko nang sabihin ko 'yun.

Ten minutes later, I came out of the bedroom feeling fresher and calmer. Mukhang kaya ko nang harapin at ipagluto si Trece ng almusal.

I didn't realized the calmness was short-lived.

Halos malaglag ang panga ko nang madaanan ang sitwasyon sa kusina. Nagkalat ang mga egg shells sa lababo, nagkalat ang iba't ibang pinggan sa island counter, pati ang kutsara't tinidor na may mga dilaw na likido ay pakalat-kalat din sa kusina. Worst of all, tambaw sa isang pinggan ang halos limang itlog na pawang nagkulay uling.

Sa gitna ng gulong iyon ay si Trece, nakatalikod sa akin, pero kita kong may hawak na sandok.

That's it. I'm fcking done. I'm-

Bigla na lamang itong lumingon sa akin. And I found myself staring, my anger cooling off.

Bahagyang nakakunot ang noo niya, kita ang maliliit na butil ng pawis sa sintido, at iilang hibla ng buhok ang nakatakas mula sa mahigpit na pagkakatali sa likod. She looks very confused. But she has never looked that... Napailing ako at nagpasyang lapitan siya.

"What are you trying to cook?" I asked, grabbing the tissue at the side and giving it to her. She dabbed her face with it, still with that confused expression.

"Scrambled eggs."

I gave the kitchen another sweeping look before staring back at her. "Wala kang ideya kung ano ang ginagawa mo 'no?"

"I'm rich, I'm not supposed to do these things," she declared without falter.

Napailing ako, she's really shameless. Then I raised my brow, "Then why are you doing this?"

"I want to..." She furrowed her brows, as if collecting her thoughts, "...I want to help you, I guess. I realized I'm giving you all sorts of trouble when you're just looking out for me."

Hindi ako kaagad sumagot. Binawi ko ang hawak niyang sandok at inilagay iyon sa lababo.

I heard her small gasp when, without warning, I placed both of my hands on her waist and lifted her, making her sit on the counter. She blinked and I smirked.

"You stay there and learn from the master."

"Your cooking is barely eatable."

Weirdly enough, I didn't mind her saying that. "Still, better than yours."

I busied myself with putting things in order, dumping used plates and spoons on the sink, wiping the tile, and replacing the pan.

Nakangisi na ako nang magsimulang magluto.

It's time to put on my game face.

A/N: Paminsan-minsan na lang ako maka-online kasi walang signal sa amin kaya dinamihan ko na ang update hshshs.

I'm already done plotting DMWNT, konting kembot pa, hang in there folks. XD

~ACmiks

Don't Mess with Numero Trece (PDN Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon