DMWNT 1

479 18 13
                                    

DMWNT 1: The Day it all started

[Trece]

A rational function is one that can be written as a polynomial divided by a polynomial. Since polynomials are defined everywhere, the domain of a rational function is the set of all numbers except the zeros of the denominator. Example 1...

Napakagat labi ako habang nagmememorya ng mga aralin. 15 minutes nalang at matatapos na ang lunch break namin at doon na din magsisimula ang Math Subject. Mrs. Madrigal has already briefed us that we will have a fifty item short quiz.

Short pa talaga ‘yun a? Jeez.

Kagabi pa ako nag-aral hanggang alas-onse. Pero pakiramdam ko ay hindi pa rin ‘yun sapat. I was really tempted to study ‘til twelve but I can’t break the practice that I religiously followed ever since; that I should always get eight hours of comfortable, undisturbed sleep.

Napaangat ako ng tingin nang biglang may kumuha sa mga notebook na nakalatag sa mesang inuukupa ko.

“Eating table ‘to, hindi study table. Kaya pwede ba Cleverine, you shoo shoo somewhere down there?” maarteng turan ng babaeng may mahabang buhok at ‘di pantay na bangs.

Our school is really child-friendly. I’d like to believe that we have been thoroughly filtered before we are accepted in this institution, but then again, bacteria is microscopic.

Tumayo ako at isa-isang pinulot ang mga notebook ko. Nakakaisang hakbang pa lang ako nang patirin ako ng babae kaya agad akong bumagsak sa semento. Tanging minions lang ng babae ang nagsitawanan.

The other students in the cafeteria looked displeased. Like I said, these girls are  the only bacteria around here.

Tila walang nangyari na tumayo ako at muling pinulot ang mga gamit ko. Muli akong humakbang nang bigla ko namang maramdaman ang pagtama ng kung ano sa likod ng ulo ko. Aw. Masakit.

“Huwag kang mag-iwan ng basura! Yucky chuckie!” Halatang napapahiya na ito dahil sa kawalan ng suporta sa mga nanonood pero pilit pa rin itong nagtatapang-tapangan.

Huminga ako ng malalim at nagpasalamat nalang na wala ng laman ang chuckie na itinapon niya sakin. Sayang naman kasi.

Tuluyan na akong umalis. Nasayang ang ilang minuto na sana ay naigugol ko sa pag-aaral. Still, the result of my short quiz is satisfying. Makakatulog ako ng mahimbing ngayong gabi.

I am literally a nobody here in Arrelle Academy. Pangalawang taon ko na ngayon dito mula sa pagho-homeschool pero wala pa ako no'ng tinatawag nilang circle of friends. I guess I’ve perfectly projected the aura of a girl who would rather be left alone. Maraming nagtangkang kaibiganin ako but they were all abnormal and I can't understand them at all.

Pagkatapos ng panghapong klase ay diretso agad ako sa boarding house na tinutuluyan ko. Solo ko ang malaking kwarto na may maliit na espasyo dahil sa dami ng mga gamit, mostly malaki ang inukupang space ng mini-library, computer set, at fridge na puno lang ng paborito kong inumin, chocolatey chuckie. My all-time pampakalma.

I made sure my phone is in airplane mode to block any unwanted disturbances; mainly from my least favorite brother.

I read ‘til eleven, sleep for eight hours and woke up at exactly seven am. This is how perfectly I am living my life.
And I have no idea that all that is going to change after today.

I critically inspected myself in the whole-body mirror at the side of my door. Gawain ko na ito bago pumasok sa paaralan. I always made sure my blond shoulder length hair is carefully braided, my uniform is neat, and my school shoes are shined to perfection.

Don't Mess with Numero Trece (PDN Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon