DMWNT 32: Lily ft. Surprise
[Trece]
Maddilyn is one of the queens, ngunit saglit kong nakalimutan na nitong nakaraang mga araw ay naging kasa-kasama ito nina Terra at Markus. Nandoon siya no'ng bumisita ang dalawa sa hideout. She sat with the two during the tournament, and she cheered for me.
Halatang napalapit na si Terra dito, maski si Markus. Ako din naman ay nasasanay na sa presensiya nito, but I couldn't simply spare her. I wouldn't. Kahit na hindi ko maikakaila sa sarili kong nakaramdam ako ng kakaibang bigat habang pinapanood ang hirap sa inosente nitong mukha.
Halos dalawang oras na ang nakakalipas simula nang magkalat ang mga estudyante para hanapin si Maddilyn. News spread like wildfire, and everyone, willing and unwilling who do not want to cross the kings, helped.
Magkasama kaming dalawa ni Markus sa pagtitingin-tingin sa mga pasilyo. Iniisa-isa namin ang mga silid. I merely went along with the crowd, feeling a bit lightheaded because of lack of sleep.
"Tara sa pinakadulo, doon naghahanap si Terra," aya ni Markus sa akin.
Tumango lang ako at walang imik na sinundan siya.
"Nagising na daw si Cassidy," pabulong na sabi ni Markus, bahagyang binagalan ang paglalakad para magkasabay kami. "She kept muttering something about a clown. Mukhang may maskara ang umatake sa kan'ya."
"How is she?"
"Maayos na ang lagay niya at pinagpahinga nalang sa kanyang kwarto. Naaalarma na ang lahat sa serial attacker na 'to kaya bantay sarado ang kwarto niya, baka kasi siya ang isunod."
Tumango ulit ako. Nasa loob na kami ngayon ng silid kung saan naghahanap si Terra.
"This is the room..." bulong nito, naglilikot ang paningin bago itinutok sa isang parte ng sahig ang mga mata.
Her eyes were fixed on the spot where the candle that tortured Maddilyn barely ten hours ago stood.
The room don't really have any hiding place. Walang mapagtaguan ng katawan dito. Iisa lang ang mesang narito at may iilang silya. Markus said so, but Terra kept looking.
"She has to be here. Tangina, nandito siya!" There was a desperate tone to Terra's voice as she kept moving the chairs away.
"Terra..." A pained look crossed behind Markus' glasses. Nasa mukha nito ang kagustuhang matulungan ang kaibigan, ngunit hindi din yata nito alam kung paano.
"Teka... Rinig niyo 'yun?" Biglang bumaling si Terra sa aming dalawa. Alam ko kung ano ang narinig niya, but I kept a clueless expression on my face.
"Sa taas."
Pagkasabi niya niyon ay bahagyang lumakas ang tunog kaya naririnig na pati ni Markus. The three of us simultaneously looked up when we heard another dull thud.
"She's in the ceiling," Terra whispered in a horrified voice as she stared at the manhole above us. "The motherfucker put her in the fcking ceiling."
I took in a deep breath, bahagya akong nawala sa balanse ko dahil sa hilo. Buti nalang ay kaagad akong nahawakan sa braso ni Markus.
"Just dizzy," I whispered as a crowd headed by the Longmeth brothers entered.
Hinila ako sa isang gilid ni Markus para hindi mabangga ng mga nagmamadali at nagsisigawang estudyante. Pinag-aawayan ng mga ito kung paano ibababa sa kisame ang babaeng halos sampung oras nang nakatali at nakakulong sa madilim at mainit na espasyo sa taas.
It's time to let Maddilyn see the light. What can I say? It was creative of me to think of that.
But, if I may be honest (and I usually am) I'm not in the slightest bit proud of what I have done.
BINABASA MO ANG
Don't Mess with Numero Trece (PDN Series #1)
Teen Fiction[PAMILYA DE NUMERO SERIES #1] "Did you know that when a dormant volcano erupts it's a hundred times deadlier?" -Trece ** Trece Cleverine is a calm, unassuming girl who only wants...