DMWNT 25: The Joker
[Trece]
"Nagbibiro ka lang diba?" Nanlalaki ang mga matang tanong ni Markus.
Umiling ako.
"Nasisiraan ka na ba ng bait, Trece?! Sasali ka?!" Singhal ni Terra. Kung wala lang itong iniindang sakit ay baka binatukan na ako nito.
I smiled faintly. Nakakatuwa ang concern nila sa isang katulad ko na kailan lang naman nilang nakilala.
"Don't worry, I'm used to getting hit. Plano ko rin namang magpatay-patayan sa oras na tamaan ako ng isang beses."
Bakas pa rin ang pag-aalala sa mga mukha nila nang tumalikod ako at nagsimulang bumaba. Sa gilid ng mga mata ko ay nakita kong sinusundan ako ng tingin ni Calyx. Muli ay naalala ko ang huli naming usapan.
"I have a proposition," he said.
"I'm not interested." I started to walk away.
"Sumali ka sa tournament."
"I said I'm not--"
"That's not an option Trece." The tone of his voice was casual. "If you don't show up I will personally make sure that the rest of your school year would be very entertaining. And I promise you Trece Cleverine, you won't die."
...but you will wish you're dead. That was the hidden threat.
Nice try, Calyx. Kagaya ng nais niya ay sasali ako pero kung iniisip niya na lalaban ako, doon siya nagkakamali. Even if they beat me to a pulp, they will never get what they want from me.
Kailangan ko lang namang sumali diba? Wala siyang sinabi na kailangan kong manalo.
Dahil ito ang panghuling round pinakamarami ang pumasok sa loob ng ring. I am the only nerd in the group, and it didn't escape the notice of the students from outside the ring.
Kilala ako ng mga queens, kilala rin ako ng mga kings dahil ako naman ang palagi nilang pinag-iinitan lalo na nang mapalapit ako kay Caspian.
Terra and Markus are both looking at me worriedly, sa unahang bahagi ay puno rin ng pag-aalala ang mukha ni Maddilyn.
Bumuntunghininga ako. Sana may sumapak kaagad sa akin para matapos na ang round na 'to.
Nang magsimula ang away ay nanatili akong nakatayo, walang depensa at wala ring planong tumakbo.
Ngunit walang umaatake sa akin. Everyone were busy fighting everyone else except me. Hindi nila ako pinagtutuunan ng pansin.
My brow twitched. I approached two guys who are fighting tooth by tooth.
"Pwede mo ba akong sapakin?" I asked politely.
Nagkatinginan lang ang dalawa, parehong umigkas ang mga kamay para suntukin ang isa't isa. Both were down the next minute.
No one wants to fight me. I realized too late that they weren't doing this because they thought I'm not worth their time. Napasulyap ako sa stage at nakangising mukha ni Calyx ang sumalubong sa akin.
He wants to corner me. Good play. But not good enough.
To the crowd's dismay, I won the fourth round. Without lifting a single finger. The boos and the trash talks erupted from the students. Wala akong pakialam, masakit lang talaga sila sa tenga.
The three people who I sort of thought of as er- companions, looked shocked but relieved by my unexpected victory.
Pero hindi pa dito natatapos ang lahat. There's still the final round and I know that means I'm in trouble.
BINABASA MO ANG
Don't Mess with Numero Trece (PDN Series #1)
Teen Fiction[PAMILYA DE NUMERO SERIES #1] "Did you know that when a dormant volcano erupts it's a hundred times deadlier?" -Trece ** Trece Cleverine is a calm, unassuming girl who only wants...