DMWNT 22

127 7 0
                                    

DMWNT 22:
Caspian's War of Hormones

[Caspian]

Nakaramdam na naman ako ng balisa nang magpaalam na ang mga kaibigan ni Trece. I even asked them for a sleep over with us but they declined, magiging busy daw dahil ilang araw na lang at araw na ng tournament.

Tatlong araw na rin akong umiiwas kay Trece. Hindi ko naman kasalanan na bawat pagsulyap ko sa kanya ay kaagad sa labi niya napupunta ang atensyon ko. I am a healthy male with hormones. Ano bang magagawa ko laban doon?

"Caspian, can we talk?"

Mabilis akong nag-isip ng pwedeng palusot. Alas-otso pa lang ng gabi, pwede kong sabihin na lalabas ako kasama ang tropa tapos uuwi nalang ako kapag sigurado akong tulog na si Trece sa kwarto niya.

Napakurap-kurap ako nang biglang lumipat sa harapan ko si Trece. Napaatras ako. Masyadong malapit. Seryoso niya akong tinignan. Kanina ko pa 'to napapansin pero ilang beses siyang nagsungit sa araw na 'to, madalas cool lang ito, walang gaanong reaksyon pero kanina malinaw pa sa bukol sa baba ko ang iritasyon niya.

"Don't even think of a lame excuse just to avoid me. Ano bang problema? Is this about the kiss?"

Napasuklay ako sa buhok ko sabay hinga ng malalim. Ito ang problema eh, hindi takot sa komprontasyon si Trece. Even if it's embarrassing confrontations like this.

"Wala lang ako sa mood. Pagod ako," sagot ko. Hinagod ko ang batok ko. Hindi naman talaga kasinungalingan ang isinagot ko. Totoong ilang gabi na akong hirap matulog dahil hindi kasya ang tangkad ko sa sofa. Nakakapagod, at kung wala lang akong kailangan tapusin ay baka nagwala na ako dahil sa inis. Putol na siguro ang ulo ng panda ni Spencer.

"Yun lang ba?" Paniniguro niya. "I was sure it was about the kiss. Didn't you like it?"

I smiled wryly. To hell with this. "That's my problem, Trece. I liked it too much."

Kapag hindi ko siya iniwasan ay baka muli ko siyang mahalikan. I can't let that happen. Hindi 'yan kasama sa plano. Sa totoo lang, ang daming nangyayari na hindi kasama sa plano.

She looked confused. Marahil iniisip niya na kung nagustuhan ko nga ang halikan siya ay bakit ako iiwas sa kan'ya na para siyang may dengue?

I smiled and pat her head. "Huwag ka nang mainis. Bukas, 'di na kita iiwasan, aasarin ulit kita, iistorbuhin ulit kita, hindi ka na naman ulit matatahimik." Lumawak ang ngisi ko nang yumuko ako para lalong mapagmasdan ang namumula niyang mukha.

"Namimiss mo lang ako 'no?"

She slapped my hand away and went inside her room, slamming the door behind her.

Natawa nalang ako. Seems like I got her exactly where I want her.

Bumuntunghininga ako at naupo sa sofa. Apat na araw na lang bago ang tournament. Papalapit na ang deadline ni Calyx. Ilang araw nalang ay matatapos na ang lahat ng kasinungalingang 'to at matatapos na rin ang bahay bahayan namin na set-up ni Trece.

Hindi ko pa rin alam kung bakit interesadong-interesado ang TOCE kay Trece. I'm sure Calyx is merely acting upon father's orders. Why is father interested in Trece? Kagaya ng laging bilin, hindi namin pwedeng kwestiyonin ang inuutos sa amin. I'm sure he has his reasons, and those reasons involve the usual business.

Mahihiga na sana ako nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ni Trece. Nakapantulog na ito, matching pink PJs. Cute.

"Do you want to sleep with me?"

Not cute.

"Ha?" My mouth slackened. Saglit na nagloading ang utak ko.

"I noticed you seem to hurt your back with your sleeping position. The bed is big enough for us both."

Don't Mess with Numero Trece (PDN Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon