DMWNT 16: His Hell days (1)
[Caspian]
Impiyerno.
Napagtanto kong 'yan ang papel ni Trece Cleverine sa buhay ko.
I came to realize that the girl is a frank, perfectionist, outspoken brat. I kidnapped her, but now I'm the one who's suffering. I thought this was a perfect plan, kidnap her, get closer to her, then break her, mission accomplished.
Hindi kasama sa plano ang pasakitin niya ang ulo at ang pantog ko dahil kanina pa ako kumakatok sa labas ng kwarto niya para sana makibanyo.
Pwede akong lumabas pero sigurado akong mas mahihirapan ako doon dahil simula na ng training at rambulan ang madadaanan ko sa mga hallway, kung makakadaan nga ako.
"Trece!" Muli akong kumatok nang malakas.
Ilang beses akong huminga ng malalim. Hindi maganda ang tulog ko, sumasakit din ang batok ko dahil masyado akong matangkad para sa sofa. Wala rin akong extra sheets para sana sa sahig nalang ako matutulog.
What a nightmare.
Kakatok na sana ulit ako nang sa wakas ay buksan na nito ang pinto. There she is, bagong ligo, bagong bihis, at preskong presko, samantalang ako kanina pa naninigas dito sa labas kakahintay na matapos sa kung ano mang orasyon niya.
"Natatae ka ba?"
God, I want to strangle her.
Pilit akong ngumiti, "Papunta na doon."
Mabilis akong pumasok sa banyo. I took several deep breaths after relieving myself. Kailangan kong ikondisyon ang utak ko para sa panibagong araw at problemang kakaharapin ko. Bumabagabag pa rin sakin ang paparating na tournament, ang presensiya ni Calyx at higit sa lahat si Trece.
Si Trece. Si Trece. At si Trece ulit.
Naghilamos lang ako at nagsipilyo bago lumabas ng banyo, iniisip na kung ano ang lulutuin sa almusal.
Buti nalang nakakuha ng stock si Spencer no'ng isang araw kaya 'di kami magkakaproblema sa pagkain. Mga miyembro lang ng TOCE ang patagong nakakalabas at nakakapasok sa St. Benedict kahit anong oras o araw man naming gustuhin. Dahil doon nabibili at nadadala namin ang kahit na ano mula sa labas.
Trip to the city takes about four hours back and fort, that's why we choose to do it on weekends. Minsan si Spencer ang pumupunta, minsan naman ay ako. We can't trust Harry to do these things, bibili lang ito ng walang kwentang mga bagay.
I had told Spencer my plan and he wasn't happy. Mamimiss niya daw ang malaki niyang panda kaya nga pinabaon ko na sa kanya nang sipain ko siya palabas dito kahapon.
"How does egg and bacon sound?" Tanong ko kay Trece nang makapwesto ako sa kusina, I started pulling out pans and ladles.
"Good," aniya na hindi man lang inaalis ang tingin sa librong hawak. She's already curling comfortably in the sofa, her toes wiggling occasionally at the end of her sweat pants. Cute. Sa 'di maipaliwanag na dahilan ay natutuwa akong nakikita siyang ganoon.
Hindi ako natutuwa.
That's what I thought about fifteen minutes later. Nakahain na ang almusal at nasa hapag na din si Trece, nagpapalipat-lipat ang tingin niya sa pagkain at sa mukha ko.
Nagtagis ang mga bagang ko. Ilang beses akong napaso sa pagluto niyan at ito lang ang makukuha ko pabalik? Ang reaksyon niya na mukang 'di pa siya sigurado kung pagkain ba ang nasa harapan niya o ano.
"The egg..." She began slowly, "looks inedible."
Hindi ako umimik. Sinaksak ko sa isip ko ang misyon ko. Humigit ako ng lakas mula roon para manatiling kalmado.
BINABASA MO ANG
Don't Mess with Numero Trece (PDN Series #1)
Teen Fiction[PAMILYA DE NUMERO SERIES #1] "Did you know that when a dormant volcano erupts it's a hundred times deadlier?" -Trece ** Trece Cleverine is a calm, unassuming girl who only wants...