DMWNT 2

302 17 16
                                    

DMWNT 2: Welcome to St. Benedict High

[Trece]

Kasalukuyan akong lulan ng bus na magdadala sakin sa bago kong eskwelahan.

Doce was singing praises about this school when I asked him the details. And that really bothered me.

Ako lang ang nakasakay sa bus. Ayon sa konduktor ay bihirang may nagpupunta sa destinasyon ko kapag ganitong buwan. Classes have already opened last two months ago, noon lang din napuno ang bus na sinasakyan ko. Iyon ang mga panahon na balik eskwela ang mga estudyante kaya talaga daw'ng bibo.

Apparently, the school does not allow students to go out as they please. Nakakalabas lamang sila kapag katapusan na ng taon. I find it weird. I also find it weird that the school is practically built in the middle of a forest.

Tinanong ko ito kay Doce at ang sagot lang nito ay sadya iyon para makapokos ang mga estudyante sa pag-aaral, malayo sa magulong ingay at distraksyon ng siyudad.

Works fine for me.

Nakaubos na ako ng dalawang chuckie habang bumibiyahe. Halos dalawang oras na din akong nakaupo dito at nananakit na ang batok ko.

Maya-maya ay nakaramdam ako ng antok.

Nagising na lamang ako nang mapansin kong tumigil na ang bus. Mukhang nandito na kami.

"Idederetso nalang kita sa dorm room mo iha, pagabi na kaya bukas mo pa mabibisita ang bago mong principal." Sinulyapan ng lalaki ang mga gamit ko at napakamot siya. "Ang dami mo namang gamit."

Tipid akong ngumiti. "Gusto niyo ako nalang po ang magbuhat?"

He looked flustered. "H-Hindi naman sa ganoon-"

I specifically told Doce about how much I hate leaving my books behind and that he should make sure I get a dorm room to my liking. Sinabi naman nito na inasikaso na nito ang lahat, enrollment, requirements, and all that minutiae.

Nakakapagtaka. Masyadong hands-on ang kapatid ko sa paglilipat kong ito. Sana naman ay wala itong pinaplanong kalokohan. They had left me alone for two years, it would be best if they continue leaving me alone now.

Hindi ko na pinagtuunan ng pansin ang estruktura na nadadaanan namin. It's already too dark to see anything anyway.

Kumunot ang noo ko nang mapansin na isang makipot na pasilyo ang dinadaanan namin. Mukhang bihira itong magamit dahil pansin kong pinanahanan na ng ilang gagamba ang bubong nito.

"Is this the main entrance?" Tanong ko sa lalaking sinusundan ko.

"Hindi, miss. Pero mas maiging dito tayo dumaan."

"Why?" What's up with the sudden suspense?

"Magulo doon. Baka di tayo makadaan." Tanging sagot nito. Hindi na ulit ako nagtanong.

As long as they have an excellent academic system and peaceful classroom setting, I'll be okay here.

Matapos umakyat sa isang hagdan ay narating na namin ang mas malaking pasilyo. Mukhang ito na ang main hallway. There were doors lining up in each sides, and there are bronze plates where the room numbers are printed.

The man I was following visibly breathed in relief when he saw the empty hallway.

"Miss, ngayon nalang natin bisitahin ang principal. Maaga pa naman, para makadiretso ka na sa klase mo bukas."

I sighed. Maaga pa nga pero pagod na ako sa byahe. But still, I want to go straight to my class tomorrow.

Diniposito lang namin ang mga gamit ko sa room 576 pagkatapos ay sumunod na naman ulit ako sa lalaki tungo sa opisina daw ng principal.

Don't Mess with Numero Trece (PDN Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon