DMWNT 13

152 8 7
                                    

|This chapter is dedicated to Jaja9_018|

DMWNT 13: Ripples

[Trece]

Good Morning my
sweet gummy beary
Trece. Did u sleep
well? Did u dream of
me? Coz I did, I dream
of u. (♡ω♡ ) ~♪(•ө•)♡

Wala sa loob na napaabot ako ng isang box ng chuckie matapos makita ang message na iyon ni Caspian. Ala-sais na ala-sais pa lang ng umaga at sinusubok na agad ang pasensya ko. Huminga ako ng malalim, pinakalma ang sarili bago nagreply.

                                       I'm going to block
                                      you for real if you
                                       keep texting me
                                         like that.

Sjsjskskkansjw
ganto mag-chat
si Spencer kaya
akala ko ays lang.
sundo kita?

                                            Please don't.

Ouch.See u at
class?

                                                Yea.

( ˘ ³˘)♥

Saglit kong pinakatitigan ang huli niyang sinend. What is wrong with him? And what is wrong with me? Suddenly thinking so much into that stupid kissing emoticon.

Naisipan kong dumaan muna sa library para humiram ng kahit anong fiction book na matipuhan ko. Sinipat ko ang bawat shelf at napabuntung-hininga na lang ako nang sa wakas ay nakahanap ako ng mukhang interesante pero nasa pinakataas naman. 'Di ko abot.

I guess I'll just drag a chair or something.

"Ako na."

Mabilis akong napalingon sa gilid ko nang marinig ang boses na iyon. A tall guy is reaching for the book I'm looking at. He glanced at the cover and arched a brow. "Romance?" Ibinigay niya iyon habang nakatitig sa akin. "Interesting."

Prangka ko siyang pinasadahan ng tingin. He seemed amused by the direct scrutiny.

"You are the older Lazarus."

Bahagya lang tumaas ang kilay niya. "Hindi kami magkamukha, how'd you know?"

Ipinilig ko ang ulo ko. Tama siya, ni katiting ay wala silang pagkakapareha ni Caspian. But there's something about him, perhaps the way his eyes narrow ever so slightly, so calculatingly, that reminds me of his younger brother.

"Wild guess."

Binalik ko ang atensyon sa librong hawak ko habang pinapakiramdaman ang susunod na gagawin ng lalaki. Usap-usapan ito nitong nakaraang mga araw, at base sa mga naririnig ko ay sigurado akong maraming magbabago sa pagbabalik niyang 'to. The man is going to start something big. I call him a man because I can tell that he's older than the usual high schoolers.

"Rinig kong gagawin mong impiyerno ang St. Benedict," kaswal kong banggit. I have this nagging feeling that I need to know what the man is up to.

Pinanood ko kung paano mag-iba ang ekspresyon sa mukha nito. His lips thinned, and his eyes looked steely. "Impiyerno na ang St. Benedict, kung hindi mo iyon naramdaman, something must have gone very wrong while I was away."

Hindi ako nagsalita. Ngayon pa lang ay nakikinita ko nang lalong hihirap ang mga araw ko sa paaralang 'to.

"Or perhaps," he continued thoughtfully, "someone is protecting you well enough to keep your peace."

Don't Mess with Numero Trece (PDN Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon