DMWNT 28: Foundations
[Caspian]
Hindi ko pa mandin naimulat ang mga mata ko ay sinalubong na ako ng samu't saring atake ng sakit sa iba't ibang parte ng katawan ko.
I groaned and forced my eyes open. Una kong namataan ang madilim na mukha ni Calyx. Nakatayo ito sa bandang pintuan, may kausap sa cellphone. Pangalawang umagaw sa atensyon ko ang silid na kinaroroonan ko, napipinturahan ito ng puti. It reeks of the smell of medicine. And I realized too late that my wrist is attached to an IV.
Walang ospital o kahit infirmary man lang ang St. Benedict. Ibig sabihin ba nito ay nasa labas ako ng skwelahan? Anong nangyari?
Huli kong naalala ang ginawang pambubugbog ng ibang leader sa'kin at ang desperado kong pagkapit kay Trece. Trece...
Nakaramdam ako ng pagkabahala nang huling maalala ang itsura nito.
Sa wakas ay natapos na din ang usapan ni Calyx. Lumapit ito sa kinahihigaan ko.
"What happened to Trece?! Where is she?!"
"What happens to her is none of your concern." Matigas na pahayag ni Calyx. "What I want to hear is why you went to see father."
"What I want to hear is about Trece," I replied stubbornly. "Wala kang ibang makukuha mula sa'kin hangga't 'di ko nalalaman ang lagay niya."
He looked like he'd want nothing more than punch the lights out of me.
"Fine," sa wakas ay aniya sa nagtitimping tono. "She's fine. Her friends are taking care of her. Now you answer my fucking question, Cas. Ano ang sinabi mo kay papa?!"
Nakahinga ako ng maluwag. Pigil ko ang pagsilay ng ngiti nang maalala kung paano tratuhin ni Trece ang mga estudyanteng 'yun. Friends huh?
"What did you tell him?" ulit ni Calyx, lalong nagdidilim ang itsura nito.
"Just what he needed to know," sagot ko sa mahinahon na boses.
"Why the fck do you have to do that?! I have it all sorted out. Why can't you just do what you're supposed to do?!"
Kalmado ko siyang tinignan. Ilang beses akong huminga ng malalim. After accepting the fact that I could not bear to see any harm done to Trece, and that I'd fck all rules just to keep her safe, it became easier for me to look at Calyx and acknowledge just how much I owe him.
I owe him my life. Ayokong magkautang pa ulit sa kan'ya.
"Ayokong muling magkautang pa sa'yo kaya hindi mo na ako kailangang pagtakpan, Calyx. Inako ko na ang mali ko. Let me take responsibility for my mistakes."
He looked taken aback. "What are you talking about?"
Nag-iwas ako ng tingin, itinuon nalang ang atensyon sa kisame. "I know all the things you have to do just to protect me from our father. I'm sorry I can't be grateful because everything you do just makes me feel like shit."
Naalala ko ang naging usapan namin ni papa. I shut my eyes, my head aching at the memory.
"You can stop covering for me. I can take care of myself, Cal." Sinulyapan ko siya. "Hindi na ako bata."
Ilang saglit na walang nagsalita sa aming dalawa. Nagliwaliw ang utak ko sa huling usapan namin ni Papa. Nang sabihin ko sa kan'yang ipinapaubaya ko na kay Calyx ang misyon ko kay Trece ay walang salita niya akong pinakulong at pinalatigo sa dalawa niyang tauhan.
He's a really bad conversationalist.
Akala niya ay mababago niya ang isip ko sa kaunting latigo at pagpapahirap.
BINABASA MO ANG
Don't Mess with Numero Trece (PDN Series #1)
Teen Fiction[PAMILYA DE NUMERO SERIES #1] "Did you know that when a dormant volcano erupts it's a hundred times deadlier?" -Trece ** Trece Cleverine is a calm, unassuming girl who only wants...