DMWNT 34: Pre-show preps
[Trece]
Markus:
Library daw. You coming?
Pagkatapos mabasa ang text ni Markus ay kaagad akong nagtipa ng reply.
Me:
Five minutes.
Ibinulsa ko ang cellphone ko at inayos ang pagkakatali ng aking buhok. Sabado ngayon kaya T-shirt at jogging pants lang ang suot ko, pinaresan ko lang ang ayos ko ng itim kong tsinelas. One of the many disappointments in this school is the lack of recreational sites or activities. Bukod sa mga TV sa lounge ay wala ng ibang normal na pagkaabalahan kapag ganitong walang pasok. Literal na pakikipagbuno lang yata ang pinagkakasiyahan ng mga estudyante dito. Kaya naman simula ng pumasok ako dito ay library na ang naging tambayan ko kada sabado at linggo.
After finding my appearance satisfactory, I turned to the door. Bago ko tuluyang isarado ang pintuan ay tinapunan ko muna ng tingin ang bago kong roommate na ngayo'y nakapiring, nakatali, at nakahandusay sa sahig na malapit sa aking kama. Rijjah Raniel looks uncomfortable, but there's really nothing I could do about that. Ikinandado ko ang pinto at mabilis na nagtungo sa main building, papunta sa library.
Tanging sina Markus at Terra lang ang nadaanan ko nang pumasok ako sa silid-aklatan. Ang una ay nakatutok sa isang libro, samantalang ang huli ay tila 'di mapakali sa inuupuan.
Pareho silang nag-angat ng tingin nang makalapit ako. Nakakunot ang noo ni Markus, tila naiirita.
"Something wrong?" I asked while pulling a chair under the table. Naupo ako sa duluhan, samantalang magkaharap naman ang dalawa.
"Ayaw niya akong samahan!"/ "Nangungulit 'tong babaeng 'to!"
They both glared at each other. Binalingan ako ni Terra, walang bakas ng tensyon sa huli naming pag-uusap ang kan'yang mukha. She looks irritated. At Markus.
"Sinabi ko sa kan'ya na bibisitahin namin si Maddie, pero ayaw niya!" Para siyang aping nagsusumbong sa kataas-taasan.
"Dahil siguradong sisipain tayo paalis ng dalawa niyang kapatid 'pag nagpunta tayo, kung gusto mong masipa magsolo ka," ang matigas na sambit naman ni Markus.
"Tara nga kasi! Kasama mo naman ako eh, wala kang dapat ikatakot." And then Terra did something greatly disturbing. "Please?" She pouted her lips.
Parehas kaming kumurap-kurap ni Markus habang nakatingin dito. I managed to keep my face neutral pero si Markus, tahasan niyang ipinakita na naaalibadbaran ang buong sistema niya.
"Mukha kang..." mabagal niyang sabi, nananatili ang tingin kay Terra na ngayo'y unti-onting napalis ang pagnguso, "... unidentified subclass ng pato."
"Tae ka. Tara nga kasi! 'Pag sumama ka, 'di kita bubulyawan ng isang linggo." Kabwisitan na may halong pagkapahiya ang nasa itsura ngayon ni Terra. Marahas niya pang sinabunutan ang maigsing buhok. I have a feeling she'd rather pull Markus' hair out than her own.
Matigas naman ang naging pagtanggi ni Markus. "Kahit ano pang sabihin mo 'di mo mababago ang desisyon ko."
"ETO 'YUNG kwarto ni Maddie."
Barely three minutes later, me, Terra, and a red-eared Markus stood in front of Maddie's dorm room. Matapos kasi ng matigas niyang pagtanggi kanina ay walang pagdadalawang-isip na hinawakan ni Terra ang kanyang tenga at walang kaabog-abog siyang kinaladkad. Sumama na din ako dahil sa loob-loob ay gusto ko ring personal na makita ang kalagayan ni Maddilyn.
BINABASA MO ANG
Don't Mess with Numero Trece (PDN Series #1)
Teen Fiction[PAMILYA DE NUMERO SERIES #1] "Did you know that when a dormant volcano erupts it's a hundred times deadlier?" -Trece ** Trece Cleverine is a calm, unassuming girl who only wants...