DMWNT 30

132 7 0
                                    

DMWNT 30: Numero Trece's Ways

[Trece]

"Not yet..." I muttered for the nth time as my eyes strayed once again on the note in the table. Iyon ang sulat na galing kay Caspian. Hindi ko maintindihan kung bakit dinadaan niya pa sa sulat ang gusto niyang sabihin gayong alam niya naman ang number ko.

"Let's wash up before reading it..." I murmured again. Mabilis akong lumabas at nagtungo sa banyo.

I ran my hand over my back as I step into the shower. The mark on my back is one of the glaring reminders of who I am supposed to be. A numero. The thirteenth numero. I wasn't just born into this number, I labored to earn this number.

Ever since I was old enough to remember, all my memories were endless lessons and trainings. Ngunit hindi ko alam kung bakit ako nagsasanay. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng markang inukit nila sa likod ko nang tumuntong ako sa edad na labing-dalawa. It seems like they taught me everything and nothing.

Pagkabalik sa kwarto ay mabilis akong nagbihis at sa wakas ay naupo sa harap ng mesa ko, mariing tinititigan ang nakatuping papel na nakalagay roon.

I carefully lifted it and opened it slowly. I exhaled. Muli ay binasa ko ang nakasulat roon. It was short, but it was enough to make me feel like I've just free-falled from a flying plane; exhilarated, and breathless.

_

Hey, blondie. I'm not gonna die, in case you're wondering. The first thing I'm gonna do once I'm out of this damn hospital is run to you.

I miss you.

P.S. Mas romantic daw ang sulat, replayan mo nalang ako sa text.
(♡ω♡ ) ~♪

_

Maingat kong tinupi ang papel at nilakip sa isa sa mga paborito kong libro. Inabot ko ang cellphone ko, pinatay ang airplane mode at nagtipa ng mensahe para kay Caspian.

To Caspian:

I miss you, too.

Buti nalang tig-isang buwan ang budget ko ng pagpapaload kaya nagagawa kong makapagtext ano mang oras na gustuhin ko. Napansin kong may natanggap din akong text mula kay Terra. We exchanged numbers earlier in case we needed to contact each other. Pumayag na ako kaysa naman dito sila manatiling dalawa para mabantayan ako.

From Terra:

Siguraduhing naka-lock mga pinto niyo okay?

#gm

What's gm supposed to mean? Napailing nalang ako. Ayokong ibalik sa airplane mode ang cell ko dahil sa mga bago kong contacts. I thought about it for another second then decided to block Doce's number. Siya lang naman ang ayaw kong makausap eh.

Time to get down to business. After all, it's better to strike the iron while it's still hot. Hindi ko pwedeng bigyan ng panahon ang mga Benedictians na makapagrelax. I want to finish this little show as soon as possible and make sure everyone is keeping their fingers crossed for the grand finale.

I opened the notepad in my phone while patting my hair dry with a towel. Muli ay ni-review ko sa utak ko ang mga gagawin ko ngayong gabi. Hindi pa gaanong sineseryoso ng mga queens at kings ang nangyari kina Midas at Rami, for all they care, what happened was just part of St. Benedict's usual violent parties, kaya sigurado ako na mapapadali ang susunod kong gagawin.

Alam ko na kung saan ang kwarto ni Maddilyn, nasa parehong palapag lang iyon ng kwarto ko, bagama't may kalayuan dahil nasa bandang dulo 'yun. Muli ay isinuot ko ang itim na hoodie at ang mask. Naupo ako at pinanood ang paggalaw ng kamay ng orasan. Matagal nang nasira ang nakasanayan kong schedule. I'm getting used to my new schedule which includes staying up late and barely having a wink of sleep.

Don't Mess with Numero Trece (PDN Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon