DMWNT 10

164 8 7
                                    

DMWNT 10: Ambagan

[Trece]

Nagmamadali akong pumasok sa classroom ko. Kahit na alam kong malaki ang posibilidad na 'di na naman kami sisiputin ng mga gurong takot sa estudyante dito. Force of habit, I guess.

Pumwesto na ako sa likurang bahagi dahil alam kong ang sampung upuan sa unahan ay nakareserba sa mga hari-harian dito na sa kasamaang palad ay kaklase ko pa talaga.

I glanced at my side and saw the four-eyes dude who offered me his seat on my first day here. I caught him stealing a glance at me.

"Yes?" I prompted.

Lumunok siya, siniguradong hindi pa dumarating ang mga kinatatakutan niya at bahagyang inusog ang upuan sa gawi ko.

"A-Ayos ka lang?" aniya.

Tumango ako, pansin ang mga pasa sa braso niya. He is in no position to worry about others in his current state.

"Buti naman." Bahagya siyang tumawa. "Ako kasi pagkatapos ng welcome party ng mga Kings sa akin ay hindi ako nakabangon ng dalawang araw." Nginitian niya ako. "Sabihan mo lang ako 'pag kailangan mo ng tulong. We're all in the same boat here, right? Scholar ka din, hindi ba?"

Hindi ako kaagad nakasagot dahil nagsipasok na ang mga Kings. They entered with the usual 'Kings in the house!' announcement. Four-eyes looked like he wants to become one with his armchair.

Naupo ang mga bagong dating sa pinakaunahan pero nanatiling nakatayo ang lalaking may pulang buhok. The leader, Wry Alcondrio. The one rumored to be the son of a drug tycoon according to what Terra told me.

"Yo, mga kutong lupa! Katapusan na naman ng buwan ng Agusto, alam niyo kung ano ang ibig sabihin niyan diba?" Malawak ang ngisi nito sa mga estudyanteng isa-isang nagsiiwas ng tingin.

He slammed his palm at the teacher's table, making half of the students flinch in fright. "Panahon na para sa ating buwanang kontribusyon. Kagaya ng nakasanayan, tig dalawang daan bawat estudyante, klaro?" He clapped his hands like a coach urging his players on. "Let's start collecting! Chop chop!" Pagkasabi niyon ay nakapamulsa itong lumabas.

Sa puntong iyon nagsitayuan ang ibang mga Kings at isa-isang nilapitan ang mga estudyante. Pinapalampas nila ang may mga ambag, iyong mga wala ay kinakaladkad ng mga ito palabas.

"Dalawang daan." The guy who I remembered was called Castor slammed his palms on my chair's desk.

I knew I said I'd like to lie low. Ngunit hindi ko rin ugali ang magbigay ng kahit ano nang hindi man lang nalalaman kung para saan ang binibigay ko.

"Bakit?" Tanong ko.

Kumunot ang noo niya. "Anong bakit?"

"Bakit kailangan kong magbigay?" I looked at him in a manner of polite inquiry.

"Dahil sinabi namin. Huwag kang maraming dada at maglabas ka na lang ng dalawang daan," nanggagalaiti sa inis nitong usal.

"Cast! Di ka pa ba tapos d'yan?" One of the Kings called from outside, apparently he had just beat up a student who failed to provide the two hundred pesos.

"Hindi pa!" Bugnot na sagot nang tinanong. "Eh siraulo kasi 'to eh."

"Baka walang pera, kaladkarin mo nalang dito sa labas!"

Castor looked at me. "May pera 'to, mukhang mayaman eh."

"Tangina bilisan mo! Baka mainip si Wry!"

Aburidong ibinalik no'ng Castor ang atensyon sa akin. "Just give me the money, bitch."

"Wala akong pera." Hindi ako nagsisinungaling, wala talaga akong pera. Iniwan ko lahat sa kwarto, wala din naman akong mabibili dito.

Don't Mess with Numero Trece (PDN Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon