DMWNT 19:
Trece's Background...Sort ofMaya-maya ay naramdaman kong tumalikod si Caspian. Nang lingunin ko ito ay nakita kong naupo ito sa kaisa-isang recliner na naroon.
"Gusto mong maupo?"
My brows twitched, the sole indication of me expressing disbelief. "Where exactly? Inokupa mo na 'yan."
He tapped his lap and gave me a playful grin. "Dito."
"I'd rather stand." Mas gugustuhin kong manigas sa pagtayo kaysa maupo sa kandungan niya. No proper lady would do such a thing!
"Sigurado kang ayaw mo? Matambok ang hita ko, hindi masakit sa pwet." Sabay taas-baba ng kilay.
"Please zip that filthy mouth of yours," I said in a disgusted tone, looking away. Paano bang nagustuhan ko ang lalaking 'to? Okay, first his interesting looks next is...
What? I have no explanation. Ganoon ba kababaw ang nararamdaman ko para sa lalaking 'to?
My heart becomes abnormal for no apparent reason other than his looks?
Unacceptable!
Bahagya pa ring nakakunot ang noo ko nang marinig ko ang malutong niyang halakhak bago sinabing, "Seryoso, sit here. I don't mind sitting on the floor."
I turned to him again, tempted by the offer. Ilang minuto na rin kasi akong nakatayo at mukhang naninigas na ang mga binti ko. "The tile is cold," I said, stating the obvious.
Tumayo siya. "Kukuha ako ng ekstrang kumot sa loob. Saglit lang." Mabilis itong kumilos, closing the door behind him. Inokupa ko ang iniwan niyang recliner, ramdam ang kaagad na ginhawa sa mga binti ko. Bahagya na rin akong nanginginig, nanunuot na ang lamig sa balat ko. Huminga ako ng malalim.
The night breeze feels cooler and brings more chill than an aircon.
"I'm back!" Anunsyo ni Caspian matapos buksan ang pinto. I raised a brow in inquiry when I saw him holding two set of blankets.
Nakangiti niya akong nilapitan at bago pa ako makapagtanong ay bigla siyang yumuko ng bahagya para magkalebel ang mga mukha namin. "Di kita pwedeng yakapin dahil nagpapakagoodboy pa ako, kaya sa ngayon ito na muna ang magpapainit sayo," aniya at binalabal sakin ang isa sa mga hawak na kumot.
Naramdaman ko na naman ang kakaibang kalabog ng dibdib ko. I really like him this much huh? This isn't just because of how he looks, this is because of something more than that. His smile, his laugh, his voice, his presence... lahat iyon ay tila nakaimprinta na sa utak ko. How is this possible?
Hindi ba't humigit kumulang isang buwan ko pa lang naman siya nakilala? What kind of witchery is this?
"Hindi ka na nagsalita diyan." Caspian smirked. "Fallen in love with me yet?"
Kumunot lang ang noo ko, hindi pa rin siya iniimik, pilit inaasimila ang mga impormasyong pumapasok sa utak ko.
Napailing siya at inilatag ang isa pang kumot sa bandang paanan ko. "Mahiga ka, tapos kukubabawan-"
"Will you shut it?" I immediately cut him off.
"Joke lang," mabilis niyang bawi. "Mahiga ka d'yan, ta's mahihiga ako dito, ta's stargazing tayo. Ang romantic eh 'no?"
Sinunod ko ang sinabi niya, sa loob loob ay hindi inaayunan na romantic ang star gazing. I could have been standing in a battle field with him and I would have felt the same way as now. Hindi naman siguro importante ang lugar, mas importante ay kung sino ang kasama mo.
BINABASA MO ANG
Don't Mess with Numero Trece (PDN Series #1)
Teen Fiction[PAMILYA DE NUMERO SERIES #1] "Did you know that when a dormant volcano erupts it's a hundred times deadlier?" -Trece ** Trece Cleverine is a calm, unassuming girl who only wants...