DMWNT 27

157 8 11
                                    

DMWNT 27: Cracks

[Trece]

The moment I saw Caspian, I felt like a traveler in a desert who had stumbled upon an oasis after days of thirst.

Parang bigla ay gusto kong tumayo at salubungin ito ng yakap habang tumatakbo ito palapit sa akin. Parang bigla ay gusto kong magsumbong dito na parang bata kung ano ang ginawa nila sa'kin.

The feeling of helplessness turned into vulnerability. Pakiramdam ko ay ayos lang maging mahina kapag nasa tabi ko ang lalaking 'to.

Ngunit tila nabuhusan ako ng malamig na tubig nang makita ang itsura ni Caspian sa malapitan. May mga sugat ito sa mukha at braso, nangingitim ang ilalim ng mga mata, at tila pagod na pagod. Matapos tumakbo papunta sa direksyon ko ay kaagad itong bumagsak sa mga tuhod nito, puno ng pag-aalala ang mukha habang tinutulungan akong maiupo.

Ilang beses akong napakurap nang hinila ako nito at niyakap. Hinihingal ito, malakas ang kabog ng dibdib, at tila desperadong kumakapit sa'kin. Ininda ko ang sakit na dulot ng pagkakahawak nito sa'kin, kahit pakiramdam ko ay pinipiga ang mga sugat ko ay hindi ko ito magawang itulak palayo. The only thing I could think of was that Caspian was hurt, maybe more than I am.

What happened to him?

"Caspian..." I uttered in a choked voice.

"Why..." anito sa mahina at tila nahihirapang boses, "Why do you never fight back, Trece?"

Hindi ko nagawang sumagot dahil bigla na lamang na nagsalita si Alcondrio.

"Teka lang a, anong klaseng teleserye ba 'tong nasasaksihan namin ngayon?"

"Caspian," sabat ni Lily, "As respect for being a TOCE representative, I'm going to tell you this only once, lumayo ka sa babaeng 'yan."

"And what are you going to do if I don't?" Ang sagot ni Caspian habang nananatiling nakayakap sa akin.

Ramdam ko ang tensyon sa loob ng tahimik na gym. Tila lahat ay pigil ang hininga habang pinapanood kami sa gitna. Ngunit nangibabaw ang pag-aalala ko kay Caspian sa isipin na baka siya ang puntiryahin nina Alcondrio. He is outnumbered and he is not in a condition to fight. Alam 'to ni Alcondrio kaya ito nag-uumapaw sa kompyansa.

"Siguro nga ay kaya mo kaming patumbahin lahat dito, I wouldn't expect less from a Lazarus, but..." Kahit hindi ko nakikita ay alam kong gumuhit ang maladimunyung ngisi sa nga labi ni Alcondrio. "Can you fight us while protecting her?"

Hindi nagsalita si Caspian ngunit ramdam ko ang paghigpit ng yakap nito sa akin. Caspian would be in trouble because of me, I realized with a feeling of doom.

Kahit hindi nito sabihin ay alam ko kung ano ang pinaplano nitong gawin. Sa unang pagkakataon ay sinubukan kong kumalas sa pagkakayakap nito. Nagprotesta ang lahat ng parte ng katawan ko dahil sa ginawa kong pagkilos. The pain almost made me breathless but I know I have to endure it. Hindi pwedeng madamay si Caspian sa gulo ko.

"Don't..." Ang matigas na bulong nito. "Wag kang kikilos. 'Wag kang aalis. Dito ka lang. Ako ang bahala sa'yo." Then his voice softened. "I won't let them hurt you again...I promise."

Something seemed to crack inside me after hearing those words.

And something cold seeped unto those cracks the moment I saw Alcondrio attacking Caspian from the back.

"Representatives, watch. We're going to give you one heck of a show. Hindi araw-araw ay makikita niyong tila tangang basang sisiw ang isang Lazarus!"

And the crowd exploded.

Iyon ang hudyat ng sunod-sunod na pag-atake nila kay Caspian. Ngunit maski ilang tadyak na ang natamo nito ay hindi lumuwang ang pagkakahawak nito sa'kin. Lalo ako nitong isiniksik sa katawan nito, sinasangga nito ang bawat atake na sana ay sa akin pinapatama.

Don't Mess with Numero Trece (PDN Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon