Chapter 30

61 4 0
                                    

Lulan ng sasakyan sina Carmela at Jenna patungo sa lugar na napagkasunduan nila ng Boss noong isang araw. Parehong tahimik ang dalawa nang tumunog ang message tone ni Jenna. Alanganin itong tumingin sa phone nito na nakakabit sa holder ng kotse.

"Hindi mo titingnan?" takang tanong niya rito nang mapansin niyang nagbabato-balani ito kung bubuksan ang phone o hindi.

Ngumiti ito saka tiningnan ang phone. "Galing sa office," ani lang nito na ikinatango niya.

"Baka yung order na natin," sagot naman niya. Hindi ito umimik.

Mabilis na pinaharurot ni Jenna ang kotse. Araw iyon ng linggo kaya wala halos sasakyan sa kalsada. Huminto sila sa isang dalawang palapag na lumang gusali. Napapalibutan ito ng mga halamang ligaw. Nagkatinginan sila ni Jenna bago bumaba ng sasakyan.

"Sigurado ka bang dito yun?" tanong niya rito.

Inilibot niya ang paningin sa paligid. Wala nang ibang kabahayan. Nagmistulang isolated area ang lugar.

"Oo, dito ang itinuturo ng map," sagot naman ni Jenna.

"Parang wala namang taong nakatira rito," aniya.

Nagsimula na silang humakbang papasok. May kalumaan na rin ang tarangkahan kaya umalangitngit ang tunog nito nang buksan nila. Kapwa nila pinakiliramdaman ang lugar. Walang anuman silang narinig mula sa loob. Nagtataka tuloy sila kung dito ba talaga ang tagpuan nila ng Boss.

Isang malaking pinto ang kanilang tinungo. Punong-puno na iyon ng alikabok. Sinubukan nilang kumatok subalit wala silang narinig na tugon mula sa loob. Sinubukan naman ni Jenna na pihitin ang door knob ngunit dala marahil nang kalumaan, hindi na iyon napipihit.

"Feeling ko, hindi dito yun," ani Jenna pagkaraan.

"Mainam pang tawagan na natin si -----," saad naman niya.

"Nandito na pala kayo."

Magkasabay nilang nilingon ang pamilyar na boses. Nakacasual attire ito na eksakto lang upang makita ang hindi nagbagong hugis ng katawan. Nakangiti ito nang malapad sa kanila.

"Madam," naiilang na bati ni Jenna. Siya naman ay bahagyang yumukod lang bilang pagbibigay-galang.

Hanggang ng mga sandaling iyon ay hindi pa rin makapaniwala si Carmela na ang kausap nilang Boss noon ay siyang kaharap nila ngayon. Tila magkaiba ang naging pagharap nito sa kanila. Puno nang awtoridad ang Ginang noon, samantalang ang kaharap nila ngayon ay isang ordinaryong maybahay lang na kadalasang nakikita sa komunidad.

"Sumunod kayo sa akin," ani nito na nagpatiuna nang maglakad patungo sa likod bahagi ng gusali.

"Kanino pong bahay ito? tanong ni Jenna. Maybe it was better when Jenna asked about their curiousities. Hindi halatang nakikiusyoso lang.

"Ito ang bahay namin bago ako nagpunta sa mga Hendersons noong araw." Mahihimigan ang pagngiti sa sagot ng Ginang. Walang bitterness o anuman sa boses nito.

Huminto ito sa isang maliit na pintuan sa pinakalikod na bahagi ng bahay. Sandali muna iyong tinitigan ng Ginang bago nagsimula itong buksan.

"Wala pa ring pinagbago ang lugar na ito," anito nang mabuksan ng tuluyan ang pinto.

Bumungad sa kanila ang isang makipot na hagdan pababa. It seemed like a way to underground. Nagkatinginan lang sila ni Jenna nang bumaba ang Ginang.

Isang malawak na silid ang nakita nila sa dulo ng hagdanan. May mga mesa roon na may mga nakalatag na mga computer sets. Iniisip ni Carmela kung gumagana pa ba ang mga iyon. May mga iba't-ibang baril na nakasabit sa mga dingding. May malaking salaming tokador din na naglalaman ng iba't-ibang collector's knives at daggers. Tila nasa pugon sila ng isang sniper o reaper.

The Legendary Red-Eyed GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon