Nagsimula na sila sa mission na iniatang sa kanila ni Marian Henderson. Nangangalap si Jenna ng mga impormasyon tungkol kay Dwayne Ford gamit ang mga computer sets sa hideout ng mga Gonzalo, habang siya naman ang nagviverify ng mga impormasyong nakakalap ni Jenna sa labas. Walang imik si Jenna habang isa-isang tinitipa sa keyboard ang mga pangalan ng hotel na maaaring tinutuluyan ni Dwayne Ford, habang isa-isa rin niyang inaayos ang mga gamit na dadalhin niya.
"Mukhang hindi bukal sa loob mo ang magtrabaho sa mga Henderson," aniya rito.
Hindi siya nilingon nitong sumagot. "Ang hirap maging ordinaryong tao, wala kang choice."
Hinarap niya ito. "Jen ---"
"Alam ko, Carmi. Kahit ano namang sabihin ko hindi naman iyon magmamatter sa'yo kasi kinikilala mo ang mga Hendersons. At ako rin naman ang puno't-dulo ng lahat ng ito. Kung hindi ako nakuha ng mga ---"
"Jen," awat niya sa kung ano pa mang lalabas mula sa bibig nito. "Wala kang kasalanan sa mga nangyayari. Kung iniisip mong ikaw ang dahilan kung bakit natin ito ginagawa, hindi iyon totoo. Walang ibang maaaring gumawa nito kundi tayo lang. Naniniwala akong may malalim na dahilan si Marian kaya tayo ang kinuha niya."
Napabuntong-hininga si Jenna, habang muling tumutok sa ginagawa niya. Siya naman ay naplitan nalang na ngumiti. Kilala niya ang kaibigan. Kahit papaano, alam niyang hindi nito dinidibdib kung ano man ang mga masabi sa kanila ni Marian. At alam niyang alam nito na hindi naman niya ito sinisisi. Masaya rin naman kasi siyang nagtatrabaho sa mga Hendersons.
Isang email tone ang nagpabalik sa kaniyang huwisyo. Magkasabay nilang tiningnan iyon ni Jenna. It was an email from Silvanna.
Mandarin Oriental Hotels & Resorts. I will send the plane ticket later.
Kumunot ang noo niya sa nabasa. Pangalan lang iyon ng hotel.
"Sinasabi noong butler na Silvanna ang pangalan, maaaring nasa resort na iyan si Dwayne. Ewan ko ba sa mga nasa mafia, ang titipid magbigay ng impormasyon," reklamo nito sa kaniya.
"Hintayin lang natin ang plane ticket," aniya.
"Ano pa nga ba?" Pairap na sagot naman nito. Sasagot pa sana siya nang isng tawag naman ang dumating. It was Marian on the monitor.
"Nasa email na ni Jenna ang ticket. Siya lang ang bibyahe patungong Aklan. Siya lang din ang magbubook ng hotel room. Carmela, you will be sent via chopper."
"Hindi ba parang mas agaw pansin kung nakachopper ako?" tanong niya rito.
"Hindi kayo magsasabay na darating. Jenna will verify if totoong nasa hotel na iyon si Dwayne. Don't worry, may mga tao ring ipapadala roon ang mafia. You just have to be careful para hindi ka nila mapaghinalaan. One thing to remember, Fords own the whole resort."
"So, ako pala ang ipapain ninyo," sarkastikong saad ni Jenna sa Ginang.
They heard her chuckled. "Walang pagpapain na magaganap. Ikaw lang ang mauuna sa location upang magmanman. Si Carmela na ang bahala pagkatapos. Hindi rin maaaring si Carmela ang ipapadala roon dahil kilala na siya nang iba pang natitirang tauhan ni Ford."
Tiningnan siya ni Jenna. She can see the anxious in her eyes. Nag-aalangan. Natatakot ito. Binigyan niya ito nang ngiti bago nagsalita. "Ako nalang po, ma'am. Sisikapin ko nalang na hindi nila ako paghihinalaan."
Hindi umimik si Marian. Mayroon itong kung anong binasa sa phone bago sila nito binalingan. "Hindi maaari. May kailangan kang gawin kapag nakumpirma na nating nandoon nga si Dwayne."
"Pero---"
Magsasalita pa sana siya nang pigilan siya ni Jenna. "Okay lang. Ako nalang."
"Sigurado ka ba?" tanong niya rito na tinugunan naman nito ng tango.
BINABASA MO ANG
The Legendary Red-Eyed Girl
ActionShe was a lone survivor. She came in the city to find justice. She became someone far from who she was. She's hungry for vengeance. She was Carmela Calida. And now, she's Carmela Marasigan. The legendary red-eyed girl.