Chapter 19

88 9 6
                                    


It has been a week since the meeting happened when Giovanni dared his parents to take his life if he will be proven wrong about the incidents that took away the life of his butlers. Isang linggo na rin mula noong huling nag-usap sila ni Pierre. Kumusta na kaya ito? Did he even take her advice? Did he already tell Alexandrite about his heart?

Isang linggo na ring tahimik ang Henderson Mafia. Isang linggo na ring hindi niya nakikita si Giovanni. Nasa kuwarto lang ito at nagkukulong. May mga araw na umaalis ito ng mansion at pumupunta sa kung saan pero ni minsan hindi niya natiyempuhan. Dominic seemed busy too. Maski si Four, panagsa niya lang nakikita.

Ano ang ginagawa niya?

She's been there doing nothing. She has never given any orders, too, kaya sobrang naiinip na rin siya. Nakakaligtaan niya kasing suspended nga pala siya. May mga sandaling inuubos niya ang oras sa pag-iensayo sa pagputok sa firing range ng Hacienda, gaya ngayon. Isang butler ang nagsilbing Range Officer kapag may nagpapaputok sa Firing Range. Inayos nito ang plates at target boards. Nang makumpleto, isinuot niya ang ear muffs at pumwesto na. When the Range Officer turned the timer on, she fired.

"Hindi halatang inip na inip ka na."

Napalingon siya sa nagsalita nang matapos niya ang isang round. Alexandrite smiled at her. Napangiti rin siya rito saka inalis ang ear muffs sa kaniyang tenga.

"Puputok ka rin?" tanong niya nang mapasadahan niya nang tingin ang suot nito. Alexandrite looked like a heroine in an action movie wearing a sleeveless tank top, black leggings and brown boots.

"Yea," she answered.

Pumwesto si Alexandrite sa kabilang range. Pinanuod naman niya itong madaling tinapos ang isang round. Alexandrite got 3 misses. Siya naman ay may apat na bravo.

"I really hate that plates," inis na saad nito nang makita ang score niya. Siya naman ay favorite niya ang plates. One shot. One kill.

"Pasmado pa yata ako," tukoy niya sa apat niyang bravos.

"Totoo ngang champion ka sa marksmanship!" Natutuwang sabi naman nito.

"Dati pa yun." Natatawa niyang tugon.

Napagkasunduan nilang umisang round sa pistol at isang round sa M16. Pagkatapos ay niyaya siya ni Alexandrite na lumabas. Dahil wala naman siyang ginagawa pa, sumama siya rito. May schedule raw itong malaking operation next week kaya sinusulit na nito ang off na nakuha nito.

Sa isang mall sila nagpunta. Inaya siya nitong magshopping. Pakiramdam niya tuloy sinama lang siya nito para may magbitbit ng mga bibilhin nito.

But, Alexandrite has always been nice to her. Kahit ilang beses niyang lihim na kinasiselosan ang dalaga, sumusuko pa rin siya sa sobrang kabaitan nito.

Nang napagod itong mag-ikot at bumili ng mga damit na parang malabo naman din nitong masusuot, nagyaya itong kumain. They went to a fine dine restaurant. Mukhang madalas doon si Alexandrite dahil kilala na ito ng mga crews.

"Actually, this restaurant owns by Tita Maxene, asawa ni Tito Andrei. Kilala mo siya, 'di ba?" saad nito sa kaniya pagkaupo nila sa mesa.

"Oo, nameet ko siya sa auction." It was when she was stabbed.

Ngumiti ito. "So, kumusta ka naman, Carmela?" biglang tanong nito.

Napaangat siya nang tingin dito. "I'm....bored." Tumawa ito.

"Sorry. Mukha ngang hindi ka nag-enjoy magshopping."

"I enjoyed it naman, nakakapagod lang at nakakahilo."

Tumawa itong muli. "Well, I didn't ask you about today. I am asking of your well-being." Sumeryoso siya sa tinuran nito. "I don't exactly understand what's really going on because I am no expert when it comes to the mafia, but I can feel the danger sorrounding us. Kaya tinatanong kita kung kumusta ka na ba."

The Legendary Red-Eyed GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon