Mahabang katahimikan ang namayani sa silid kung saan naroroon si Carmela. Pagkarating niya ay naupo lang siya kaagad sa mahabang sofa. Isang beses lang niyang inilibot ang paningin sa kabuuan ng silid. Isa iyong Deluxe Room, kung hindi siya nagkakamali.
Ilang sandali lang ay pumasok sa silid na iyon ang lalaking ilang buwan din niyang hindi nakita, na nagpakita na nga sa kaniya, kanina lang.
"Nasaan iyong babae?" Bungad na tanong niya rito nang makapasok. Hindi siya nito sinagot bagkus ay deretso lamang itong nagtungo sa kitchen sa bandang kanan ng silid.
Kumuha ito ng isang bottled water mula sa isang maliit na ref saka ibinigay sa kaniya. Naupo ito sa katapat niyang sofa.
"What do you think you're doing, Marasigan?" malamig na tanong nito.
She was surprise on the way he addressed her. Marasigan. Lihim siyang napabuntong-hininga. Hindi niya inasahang magiging ganito kalamig ang kanilang mini-reunion.
"I have my reasons. Nasaan ang babae?" Matigas na tanong niya rito. Kung kaya nitong maging malamig, kaya rin niya.
"Why don't you just do your job? Bakit kailangan mo pang mag-excapade?" May bahid nang pagkainis ang boses nito. Napairap siya.
"Saan mo dinala ang babae?" Ulit niyang tanong.
"Bumalik ka na at magfocus sa pag-a-usher," utos naman nito.
Mukhang walang patutunguhan ang usapan nila kaya minabuti niya nang tumayo. "Kung ayaw mong sabihin, hahanapin ko nalang siya," aniya saka akmang aalis na nang marahas siya nitong pigilan sa braso.
"Bakit ba hindi ka marunong sumunod?" Malakas na tanong nito sa kaniya kasabay nang paghigpit nang hawak nito sa braso niya.
"Bakit ako susunod sa mga sinasabi mo? Boss ba kita?" Deretso niya itong tiningnan. Pilit na iniignora ang mahigpit pa ring hawak nito at ang bilis na pagkabog ng kaniyang dibdib.
Sandali silang nagsukatan nang tingin. Walang nais na bumitaw. Carmela was nervous when his gaze deepened. She can now clearly see him. Hindi ba't ilang beses din siyang nag-asam na sana makita niya itong muli? It happened. Bakit tila nininerbyos siya?
Isang pagkatok ang nagpahiwalay sa kanilang dalawa.
"Master ---" Natigilan si Four nang makita siya nito. She just greeted him with a smile.
"Ano'ng nangyari?" tanong ni Giovanni rito.
Hindi umimik si Four at nanatili lang na nakatingin sa kaniya. Parang hindi ito makapaniwalang nakikita siya nito sa mga sandaling iyon.
Tila naman natauhan si Giovanni nang hindi magsalita si Four. Niyaya nalang nito si Four sa isang sulok ng silid habang naupo siyang muli sa sofa.
Ilang sandali niyang pinagmasdan ang dalawa habang maingat na nag-uusap sa sulok. It was like Giovanni was giving Four some instructions. Four was intently listening. Hanggang sabay na napalingon ang dalawa sa kaniya.
"Samahan mo na si Marasigan sa ibaba, Four," utos ni Giovanni kay Four. Ni hindi siya nito tinapunan nang tingin.
"Carmela." Nakangiting bati sa kaniya ni Four.
"Hi, Jackson!" She greeted him. Ngumiti naman itong tila nahihiyang binati niya ito sa pangalan nito.
She was about to ask about Dominic, but Giovanni cut her and told them to just get out. Inirapan niya ito saka hinatak na si Four palabas ng silid when her walkie-talkie alarmed. It was from their Team Leader.
"Marshalls and Base Securities, close the entrance and exits. Huwag magpapalabas nang kahit sino. Usherettes, keep everyone safe inside the Function Hall. No one is allowed to leave. There is a dead body of a VIP at the 10th floor. Investigators are there and investigating the scene."
BINABASA MO ANG
The Legendary Red-Eyed Girl
ActionShe was a lone survivor. She came in the city to find justice. She became someone far from who she was. She's hungry for vengeance. She was Carmela Calida. And now, she's Carmela Marasigan. The legendary red-eyed girl.