It was past 3 am, and they were still in the middle of the forest. Parang naliligaw na nga sila. Wala pa ring signal sa mga cellular phones nila kaya alam nilang nasa pusod pa rin sila ng kagubatan. Dominic told her to rest for a while. Naupo naman siya sa isang malaking ugat ng isang puno, habang si Dominic ay nagmamasid pa sa paligid."Maupo ka na nga," utos niya rito. Paikot-ikot na kasi ito at siya ang lalong napapagod.
"Kailangan nating matiyak na walang kalaban sa paligid," sabi nito saka nagsimula muling mag-ikot-ikot.
"Kung may kalaban man, saka na natin problemahin. Magpahinga ka para may lakas kang makipagbarilan sa kanila," aniya rito. Sumunod naman ito saka naupo sa batong nasa tapat niya.
"I'm sure, Pierre is looking for us," maya-maya ay sabi nito.
"Bakit si Pierre?" tanong niya.
"Para legal?" sagot nito na parang sinasabing hindi ba obvious.
Napairap siya rito. Okay, may point ito. Walang kukuwestiyon kung bakit may mga pulis sa paligid dahil sa kotseng sumabog na nasa kalsada. Puwedeng sabihing aksidente lang ang nangyari kaya may mga pulis doon.
"Huwag kang kiligin kung hinahanap tayo ni Pierre, trabaho lang 'yon," sabi pa nito.
Binato niya ito ng isang maliit na sanga na napulot niya sa lupa. "Bakit ako kikiligin, aber?"
"Masyadong halatang patay na patay ka kay Pierre," sagot nito.
"Sino'ng may sabi?" Pagtanggi niya.
"Wala kang pag-asa r'on. Bata palang kami si Ate Alex na ang gusto n'on."
Alam niya, gusto niyang isigaw dito. Matagal niya nang napansin iyon. Doon palang sa event nang pagdating ni Alexandrite, alam niya na. At wala namang dahilan para hindi ito magustuhan ni Pierre. At never naman siya umasa. Sa totoo lang, matagal niya nang alam na wala siyang pag-asang mapansin ni Pierre.
"Tara na." Tumayo na siya at isinukbit ang M16 na nakuha niya sa kalaban kanina. "Nagugutom na ako kaya bilisan na nating maglakad papunta sa highway."
Nagpatiuna na siyang maglakad. Naramdaman din niya ang pagsunod ni Dominic sa kaniya. Wala na silang imik habang naglalakad patungo sa hindi nila alam. Tanging ang liwanag ng buwan lang ang kanilang nagsisilbing liwanag.
"Mukhang wala ngang mga kalaban." Basag ni Dominic sa katahimikang matagal na namayani sa pagitan nilang dalawa.
"Sa tingin mo ba, may kalaban ang mafia na kayang ipa-assassinate ang buong mafia sa isang magdamag lang?" tanong niya rito.
"I doubt it. Sa tingin ko, kung ibabase ito sa katayuan ng mga Hendersons, walang maglalakas-loob. Pero ---"
"Pero, posible ring may maglalakas-loob para mawala na ang matagal nang tinik sa mga negosyo nila," dugtong niya sa sagot nito. Napatango naman si Dominic sa tinuran niya. "Pero, pwede ring hindi kalaban sa negosyo ang dahilan nito."
"Ano'ng ibig mong sabihin?"
"Puwede kasing mga rebelde ito o mga fans ng ISIS, lamoyon?"
Napailing naman ito sa sinabi niya. Mukhang hindi ito naniniwala, pero posible pa rin naman. Nasa parte sila ng lugar kung saan malalago ang kagubatan. Maaaring teritoryo iyon ng mga rebelde.
"Pero, imposible ngang tirahin ang mafia ng mga rebelde, 'di ba, kayo nagfifinance sa kanila?" tanong niya pa.
"Tumigil ka nga, Carmela! Kakaltukan na kita e! Hindi kami nagfifinance sa kanila, 'no? Ano bang akala mo sa mafia ng mga Henderson?" Inis na inis na saad nito sa kaniya.
BINABASA MO ANG
The Legendary Red-Eyed Girl
ActionShe was a lone survivor. She came in the city to find justice. She became someone far from who she was. She's hungry for vengeance. She was Carmela Calida. And now, she's Carmela Marasigan. The legendary red-eyed girl.