Chapter 13

117 8 5
                                    

"You're dead, Marasigan."

Sa lahat ng mga text messages na natanggap ni Carmela, iyon ang pinakatumatak sa kaniya. She's dead. Lagot siya kay Giovanni, iyon ang ibig nitong sabihin. Wala pa man ay nakakaramdam na siya nang takot. Takot sa maaaring gawin sa kaniya ni Giovanni. Tila masyado siyang naging kampante dahil lang sa ipinakita nitong pag-aalala sa kaniya nang targetin siya ni Keito.

Nanghihina siyang napaupo sa kama. Ano ang gagawin niya? Makakatakas ba siya kapag umalis siya ngayon? Kung tatakas naman siya, saan siya pupunta? May lugar ba sa mundo ang hindi maaabot ng isang Giovanni Henderson? Nanlulumo siyang napabuntong-hininga. Katapusan niya na ba?

Subalit, kaagad ding naalis ang pag-aalala nang may maisip siya. Bakit naman siya pagagalitan, e umalis siya upang makipagkita sa kaniyang Tiya? Iyon ang rason niya hindi ba? Napatango siya sa sarili. Tama. Ang kailangan lang niya ay panindigan ang rason na iyon. Humigit siya nang hininga saka lakas loob na tumayo kahit nanginginig pa rin ang kaniyang tuhod. Nagtungo siya sa closet saka kinuha ang kaniyang uniform at nagbihis. Kailangan niyang magreport kay Giovanni.

Nang makaipon nang lakas ng loob, lumabas na siya ng silid upang magtungo sa opisina ni Giovanni. Huminga siya nang malalim bago marahang kumatok. She also prepared herself for the flying bullets Giovanni may fire. Walang sumagot mula sa loob kaya pinihit niya na ang doorknob. 

Naabutan niya si Dominic sa loob ng silid. Nag-aalalang nakatingin ito sa kaniya. It seemed like a signal for her to be prepared for what will happen. Giovanni, on his table, was staring at something he's holding on the table. Ni hindi ito nag-angat nang tingin sa kaniya. Bagay na lalong nagpapabilis ng tibok ng kaniyang puso.

"Iwan mo muna kami Dominic," Giovanni in his cold serious tone.

Napabuntong-hininga naman si Dominic bago tumayo at lumakad patungo sa kaniya. He stopped and gave her a pat on her shoulder. Parang sinasabi nitong goodluck.

She was standing at the door with her two hands on the back. She can not look straightly at Giovanni. She fixed her gaze at his name board in his table.

"Maupo ka," mahinahong utos nito na ikinabigla niya subalit nagdudulot pa rin nang hindi maipaliwanag na kaba. Puno nang awtoridad ang boses nito. Bihira niya itong naririnig sa ganoong boses kaya labis siyang nangangamba na baka bigla na lamang itong sumabog sa galit.

Sinunod niya ito at tahimik na naupo sa sofa. Giovanni stood up and walked to her direction. Naupo ito sa madalas nitong inuupuan, ang solong sofa. He placed an envelope in the table. Nagtataka siyang napatingin dito.

Kinuha niya ang envelope at tiningnan ang laman niyon. Mga litrato ng isang lalaking patay ang laman. Punong-puno ito ng dugo sa buong katawan. Halatang pinahirapan muna ito bago pinatay. Pinahintakutan siya sa nakita. Kung sino man ang gumawa niyon ay napakahayop na at demonyo sa kaniyang paningin. Nanginginig siya sa galit at takot habang isa-isang tinitingnan ang mga larawan.

"He's one of our butlers, Carmela."

Natigilan siya sa biglang pagsasalita ni Giovanni. It was a cold remark but not the same as the one earlier. May bahid na lungkot ang nangingibabaw sa boses nito ngayon. When she looked at him, his face was full of emotions. Subalit hindi nakaligtas sa kaniyang mga mata ang pagkuyom ng kanang kamay nito.

"A-ano ang nangyari sa kaniya? Sino ang gumawa nito sa kaniya?" tanong niya rito.

Giovanni let a heavy sigh out. "Nang umalis ka kahapon, inutusan ito ni Dominic na sundan ka."

Kumunot ang kaniyang noo. Pinasundan siya ni Dominic? Ni hindi man lang niya naramdaman ang presensiya nito.

"I was wrong when I accepted you here. Tinanggap kita dahil sa utos ni Isaac."

The Legendary Red-Eyed GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon