Chapter 1

859 24 5
                                    


Suot ang camouflage short shorts na pinaresan ng brown tank top at black leather jacket at black combat shoes, sumakay ng jeep si Carmi. As usual, pinagtitinginan siya ng iba pang mga pasahero kasama ang driver at barker nito.

"Tsk. Ang ganda ko talaga." Mantra niya sa isip.

Isinuot niya ang headset na nakasabit sa leeg niya matapos niyang magbayad ng pamasahe. Papunta siya sa headquarters kung saan naghihintay ang kanyang Baby Partner.

Habang tumutugtog ang Fantastic Baby ay hindi niya maiwasang mapaindak. Inspired ang steps niya sa steps ni Yaya Dub, pero sa isip lang niya. Aba! Masyado siyang maganda para ipagmukhang tanga ang sarili niya.

Habang umiindak nang kaunti ay napansin niya ang pasimpleng pagdukot ng isang lalaki sa bag ng katabi nitong babae. Tulog kasi ang babae at mukhang mahimbing ang tulog nito kasi nauuntug-untog na sa lalaking dumudukot sa bag niya. May nakapasak ding earphone sa tenga nito.

Nang mapansin niya na hawak na ng lalaki ang wallet ng babae ay kaagad niya itong sinipa sa mukha. Nagulat ang lahat ng nasa loob ng jeep sa ginawa niya. Nagising din ang babaeng kanina ay tulog at nagulantan din sa nangyari. Nang akmang gagantihan siya ng lalaki ay mabilis niyang sinangga ang kamay nito at isinuksok sa hawakan sa bubungan ng jeep ang braso nito. Napasigaw ang lalaki sa sakit.

Isang pagsabunot sa buhok niya ang nagpangiwi sa kanya. May kasama pala ang lalaking mandurukot na iyon. At ang masaklap pa, wala man lang nag-abalang tulungan siya. Ibang klase talaga ang mga Pinoy. Hindi siya nagpatinag sa sabunot. Pilit niyang inaabot ang mukha ng isa pang lalaki. Nang maabot niya ay pinagana niya ang bago niyang manicure na kuko at kinalmot ang lalaking sumasabunot sa kanya. Umaandar pa rin ang jeep. Muli niyang pinagsisipa ang dalawa sa mga mukha nito. Saka niya kinuha ang posas sa bewang niya at pinosasan ang dalawa, habang nakasabit sa estribo ng jeep.

Naupo siya sa upuan at nagpunas ng sarili. Nakakahiya sa Baby Partner niya. Tsk. Wala pa man, amoy pawis na siya. Kinuha niya ang cellphone sa bulsa nang magvibrate iyon. Kinilig pa siya nang makita ang Baby Partner sa screen.

"Where are you?" Bungad na tanong nito.

"Namiss mo'ko?" Malandi at nakangiti niyang tanong pabalik.

"Tsk. Maiiwan na tayo ng serbis."

Napasimangot siya. Kailan ba siya gagraduate sa training nila? Gustong-gusto niya nang sumabak sa totoong labanan e. Iyong as in, tipong may huhulihin silang secret agent, mga ganoon. Tapos, barilan. Tapos, partner sila ni Baby Partner niya. Kakilig non, men!

"Malapit na. May ipinosas lang akong mandurukot sa jeep. Dadalhin ko riyan."

Ilang sandali lang ay huminto na ang jeep sa tapat ng presinto nila. Hinatak niya ang dalawang lupaypay, kaso nga nakaposas at nakalock iyon sa estribo ng jeep. "Aisht!" Amg bobo niya! Ba't wala sa kanya ang susi?

"Manong Pogi, sandali lang a? Tatawagan ko lang ang partner ko. Stay put lang," sabi niya sa driver. Malapad na ngumisi ang driver. Na-expose ang bungi-bungi nitong ngipin at maiitim nitong gilagid. Eiw.

Dinial niya ang number ni Baby Partner. Sikreto lang ang pagtawag niya ng Baby Partner, dahil ang tunay niyang pangalan ay Pierre Ian Castro. Pangalan pa lang, pwede nang ipalit kay Romeo. Kidding.

Nang sagutin ni Pierre ang tawag niya ay kaagad niyang sinabi rito ang problema. At sinabi naman nitong maghintay siya, kaya sinabi naman niya sa driver.

"Ano ba naman yan, Miss? Mahuhuli na kami sa opisina! Bakit kasi pinosasan mo pa yang dalawa e? E di ngayon 'di mo matanggal?" Naiinis na sambit ng babaeng kaharap niya ng upuan kanina.

"Aba! May gana ka pang magreklamo ngayon! Hoy, fyi, kung hindi dahil sa'kin, pulubi ka na ngayon! Walang utang na loob," bulalas niya rito. Uminit bigla ang ulo niya. Oo, pumalpak siya dahil hindi niya naisip na wala nga pala siyang susi. Pero, ano ba naman iyong maghintay lang ng saglit? Siya na nga ang tumulong, siya pa ang napagsasalitaan ng hindi maganda! Nasaan ang hustisya?

"At bakit? Paano ako nagka-utang na loob sa'yo?" Nanlilisik ang mga mata ng babae sa kanya. Sasagot na sana siya nang sumingit ang isa pang pasaherong babae.

"Ikaw kaya yung balak dukutan ng dalawang 'to, ate," sabi nito. Nanlaki ang mga mata ng babae kanina. Ngumisi siya rito. Ngising ano-ka-ngayon?.

Magsasalita pa sana ang babae nang may tumawag sa pangalan niya. "Carmi!" Nilingon at tinanaw niya ang tumatakbong si Pierre. At mula noon, nauso ang Greek Mythology Gods. "Ano'ng nagyari?" Agad na tanong nitong nang makalapit sa kanya.

"H-a? Me sheneshebe ke?" Pabebe niyang sagot.

Ngunit imbes na sumagot ay tinalikuran na siya ni Pierre at pumasok ng jeep. Pinusasan ni Pierre ang magkabilang kamay ng dalawa bago kinalagan iyong isang posas. Saka nito kinaladkad ang dalawa. Tumulong ang isang pulis kay Pierre na ipasok ang dalawang goons sa presinto. Naiwan siya.

Napa-tsk nalang siya bago bumaling sa driver habang inirapan ang babae kanina. "Salamat ho." Saka siya sumunod sa presinto.

Pulis siya? Hindi pa. Training as agent palang ang drama niya sa buhay. At si Pierre, her Baby Partner, na may mala-Adonis ang mukha at pangangatawan, ang kanyang dominant trainor. And, she is his submissive. Ay lande!

Iyon na nga. Ang misyon niya ay hanapin ang nawawalang dragon balls, upang makapagwish kay Shenron na mapansin na siya ni Pierre. Ang tagal na kayang nagpapapansin sa mokong. Tsk. Hindi, ang misyon niya talaga sa buhay ay maging may-bahay ni Pierre. Si Pierre na naman.

Haay, buhay, talo! Mga lalaki puro manloloko. Hmp!

Mag-isip-isip ng isa, dalawa, tatlo.
Puro ka i love you, i love you, i love you
Everyday nalang na naririnig ko
Ang inyong mga istilo
Pare-pareho

"Tulaley again, Carmi!" Bati sa kanya ni Jenna na nakaupo sa Information Desk.

Sumimangot siya. "Si Lola Nidora kasi basag-trip." Tumawa naman si Jenna sa isinagot niya.

"Sira ka talaga. O siya dalian mo na at kanina ka pa hinihintay ni Chief Isaac."

Tumalima siya. Naku, patay! Nasa paligid si Mamang Malaki ang Tyan. Iyon ang bansag niya sa Chief nila. Mapapagalitan na naman siya nito. Pumasok siya sa opisina nito at oa na nag-hand salute.

"Quit that, Carmela." Utos ng Chief nila. Nakita naman niya sa peripheral vision niya ang bahagyang pagtawa ni Pierre. Tsk. Gwapo sana.

"Bakit ba, Chief?" Bagot niyang tanong.

"Your name doesn't really suit you. Carmela sounds so virgin," anito.

Nanlaki ang mga mata niya. "Woah! Hindi bagay sakin ang pangalan ko, dahil tunog birhen ito? Wow! Mukha na ba akong laspag sa inyo? Aba, ser, wag ganoon. Masama ang manghusga. Don't judge a book, by it's movie! Huwag ganoon!"

Natawa si Pierre sa sinabi niya kaya sinamaan niya ito nang tingin. See? Gwapo lang siya, pero masama ugali niya. Para siyang si Hulk, gwapo kapag normal mode, masama na 'pag beast mode. Tse!

Naiiling naman si Chief Isaac sa kanya. Inabot nito ang isang badge. Nagtataka naman niyang kinuha iyon. "That would be yours, from now on. Alalahanin mo ang mga sinumpaan mong pangako, Carmela sa ating graduation. Serbisyo. Dapat maging matapat ka."

Sinumpaan? Wala siyang maalala. Pero ngumiti siya sa Chief at nag-hand salute muli. "Thank you, Sir Chief Isaac!

"You'll be called Agent 007 and, you'll be working as bodyguard of a VIP."

The Legendary Red-Eyed GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon