Chapter 27

102 8 0
                                    


Carmela together with Giovanni, Pierre, Four and three other men kept running towards the forest. Nakikipagpalitan pa rin sila nang putok sa mga tauhan ni Ford. They ran to the forest to who-knows-where. They can still hear gunshots from different part of the forest. Wala silang ideya kung nasaan na ang iba pa nilang kasamahan.

"Gio, mauna na kayo ni Carmela. Magkita nalang tayo sa kabilang bahagi ng bundok. May sasakyan d'on mula sa back up na kinausap ko," ani Pierre sa gitna nang kanilang pagtakbo.

Naunang huminto si Giovanni at napahinto na rin sila. Ang tatlong kasama pa nila ay nagmatyag sa paligid.

"Hindi ka puwedeng magpaiwan, Pierre," tutol ni Giovanni.

Ngumiti ito. "You still have things to handle, Giovanni."

Tiningnan siya ng dalawa, maski si Four ay napatingin din sa kaniya.

"Ako ba?" tanong niyang itinuturo rin ang sarili.

"Pero hindi ka puwedeng magpaiwan kung pwede ka namang sumama nalang sa amin," tutol pa rin ni Giovanni.

Umiling si Pierre. "Hindi ko puwedeng iwan ang mga tao ko, Gio. Isa pa, ako ang may pakana nang pagsugod na ito. I should take accountability."

Isang putok ng baril ang tumama sa gawi nila kaya mabilis silang napayuko. Four immediately covered them up kaya kinalabit niya ito.

"Huwag kang feeling cyborg," aniya rito.

"It's your fault." Giovanni hissed on her side. Natameme siya. Ipininid nalang niya ang mga labi saka nagmatiyag sa paligid.

"Mauna na kayo, Gio. Susunod din ako," ani muli ni Pierre. Sandaling nagsukatan ng tingin ang dalawa. Maya-maya lang ay pumalatak si Giovanni saka siya hinawakan sa kamay.

"Four, samahan mo si Pierre. Siguraduhin n'yong dalawa na makakasunod kayo." Iyon lang saka marahang tumango ang dalawa. Hinila naman siya ni Giovanni saka nagsimula muling tumakbo habang makacover up naman sa kanila sina Pierre.

They ran again. Ang kaibahan lang, silang dalawa nalang ang tumatakbo. Nilingon niya pa sina Pierre na nagtungo sa ibang direksiyon. Hindi siya sigurado kung tama ba ang desisyon ni Pierre na magpaiwan habang sila ni Giovanni ay tumatakas.

"Giovanni, tama bang iniwan natin sila?" Hindi niya napigilang itanong.

Bumitaw ito saka hinarap siya. "Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo, Carmela?" May bahid nang pagkainis ang boses nito. Napasuklay pa ito sa sariling buhok.

"Ano?" tanong niya pabalik.

"Ano? Alam mo ba kung gaano kalaking gulo ang ginawa mo?" tanong nito sa kaniya.

At dito pa talaga sila nagtatalo, sa gitna ng kakahuyan at sa background na may nagbabarilan. Sweet.

She let out a heavy sigh. Walang saysay ang pagtatalo dahil wala namang maidudulot na maganda iyon sa kanila pareho. Besides, she already made a decision and that was to betray them. She already betrayed the Henderson Mafia. Kahit maghapon pa silang magtalo tungkol doon, wala nang magbabago. Nangyari na.

It was then when she saw in her peripheral vision an approaching guy with a gun that was pointed to Giovanni. Mabilis niyang kinuha ang baril na binigay ni Giovanni kanina at pinaputukan ang lalaki. Mabilis namang nakailag ang lalaki.

"Pwede bang mamaya mo na ako pagalitan?" aniya rito saka ibinaling ang buong atensiyon sa paparating na kalaban.

Giovanni also shifted his attention to their enemies. It was the guy from the Ford mansion he barely know. Mukhang isa sa mga importanteng butlers ni Dwayne. May kasama itong isang babae.

The Legendary Red-Eyed GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon