Maayos na nagsimula ang pagtitipon. Binilinan sila ni Dominic na magbantay nang maigi sa paligid ng venue na kaagad naman nilang sinunod. Sa 'di kalayuan mula sa kaniyang puwesto, natatanaw niya ang dalawang magkasamang dumating kanina na halos pumukaw sa atensiyon ng lahat ng mga tao roon."Si Master Alexandrite na yata ang pinakasopistikadang babae sa Pilipinas. Walang sinabi ang mga artista," bulong ni Four sa kaniya.
Totoo naman. Walang hindi magagandahan kay Alexandrite, ngunit mayroon siyang ibang gustong malaman.
"Close sila ni Pierre?" Napakatangang tanong.
"Si Sir Pierre? Oo. Ang alam ko sabay silang nag-aral noon. Nagkahiwalay lang sila n'ong magpasyang mag-abroad si Master Alexandrite."
Napatango siya. Kaya pala si Pierre ang piniling escort ni Alexandrite nang dumating ito. Hindi niya inasahang makikita niya si Pierre rito pero mas lalong hindi niya inaasahang makikita niya ito kasama ang kapatid ng Boss niya. Saklap.
"CR lang ako," paalam niya.
Tinungo niya ang dulong bahagi ng hall at pumihit sa pasilyo kung nasaan ang comfort rooms. Nagbigay daan siya sa mga babaing nakakasalubong. Ang pagtitipon na iyon ay alam mong para lamang sa mga alta-sosyedad ng lipunan. At ang mga ganoong uri ng tao ay hindi mag-aabalang lingunin ka at tingnan. Kaagad siyang pumasok sa isang cubicle na bakante.
"Nakita mo ba ang target?"
"Oo, Alexandrite Henderson, tama?"
"Tama."
Naging alerto siya sa mga narinig. Gustuhin man niyang buksan ang pinto, hindi maaari dahil hindi pa siya tapos sa business niya. Naman, bakit ngayon pa?
Ngali-ngali niyang binuksan ang pinto saka nilinga ang paningin sa paligid. May isang babaing nagriretouch sa harap ng salamin at isang babaing kalalabas lang sa isang cubicle.
"May nakita kang dalawang babaing nag-uusap dito kanina?" tanong niya sa babaing nasa harap ng salamin.
"Huh? Wala," sagot nito.
Napa-tsk siya at nagmadaling lumabas baka sakaling maabutan niya ang dalawang iyon ngunit wala na siyang nakitang iba pa sa pasilyo bukod sa kaniya. Inilinga niya ang paningin sa paligid. Nakita niya ang isang 360° cctv sa dulong bahagi ng pasilyo. Naglakad na siya pabalik sa bulwagan habang nag-iisip.
Target daw si Alexandrite.
Maraming posibleng rason kung bakit tatargetin si Alexandrite. Pwedeng personal at pwedeng hindi. Pwedeng mapanganib o pwedeng dala lang nang inggit at may gagawin sila laban dito. Hindi ako puwedeng magpadalos-dalos at ipaalam kaagad sa iba pang security personnel sa paligid dahil baka maalarma ang lahat tapos mali naman pala ako. Pero hindi ko pwedeng baliwalain ang mga narinig ko. Pero sino ang mga babaing iyon? Kung ordinaryong babae lamang ang mga iyon, bakit ang bilis nilang mawala?
Bumalik lamang siya sa huwisyo nang mabunggo siya sa isang malapad na likuran. Pamilyar ang pabangong suot nito.
"Pierre," bati niya.
BINABASA MO ANG
The Legendary Red-Eyed Girl
ActionShe was a lone survivor. She came in the city to find justice. She became someone far from who she was. She's hungry for vengeance. She was Carmela Calida. And now, she's Carmela Marasigan. The legendary red-eyed girl.