Chapter 8

155 7 1
                                    


Carmela had to prepare early. Sisimulan niyang mangalap ng impormasyon tungkol sa tribu niya. Hindi niya alam pero parang blessing in disguise na rin itong misyon na binigay ni Giovanni sa kaniya. At least hindi niya na kailangang pumuslit pa para imbestigahan ang tungkol sa Meteumus. She got up with her backpack when Silvanna entered their room.

"Laman ka ng newsfeed sa buong mansion," bungad na sabi nito saka pabalasak na umupo sa kama nito.

"Lahat naman yata issue sa kanila. Ayaw ko nalang pansinin," tugon niya. "Aalis na ako."

"Ingat," nakangiting sabi nito. Ngumiti lang siya pabalik saka tuluyang lumabas ng pinto.

She can hear the mouths of people she passed by. Napahinto siya nang salubungin siya ni Dominic sa entrance ng mansion.

"Huwag mo nalang pansinin ang mga sinasabi nila." Binuksan nito ang pinto ng kotse na nakaparada sa harap. Kunot ang noong napatingin siya kay Dominic. "You can use this car while you're doing your mission." Iniabot nito ang susi sa kaniya.

Oo nga pala, they are allowed to use a car while they're on mission. It was a Honda City 2013 car. She uttered thanks, saka pumasok sa loob. Dominic leaned on the window saka bumulong, "Halos lahat nang matatagal na bodyguards, gustong makuha ang Meteumus case kaya ganoon nalang sila nainis when it was given to a newbie. Goodluck, Carmela."

Ngumiti siya rito. "Kahit ako ay nagtataka kung bakit sa akin lang binigay itong misyon at hindi man lang ako binigyan ng kabuddy."

She started the engine and drove the car away from the mansion. Magsisimula na ang totoong misyon ni Carmela Marasigan.

***

"Look who's here," bati sa kaniya ni Jenna nang dere-deretso siyang pumasok nang police station.

"Congrats! Balita ko imbestigadora ka na," nakangiting bati niya rito at naupo sa silyang nasa tapat ng mesa nito.

"Yea, and I'm enjoying it. Araw-araw akong nasa hearing."

"At least, nagkaroon ka ng rason magmalatuba," saad niya.

"Hindi a. Grabe naman," natatawa namang tugon nito. "Napadaan ka?"

"Right. Aayain lang kitang magdate." Kumindat siya rito.

"Naks. Totoo yata ang chismis na malaki ang sahod bilang bodyguard ni Giovanni Henderson."

They went to a samgyup place because it was Jenna's request. Sulitin na raw nito ang minsang panlilibre niya. And it is also a perfect place for her to ask Jenna's help regarding her mission.

Jenna ordered different varieties of meat. Beef at pork na iba't-iba ang klase ng timpla. She placed it at the grill pan habang siniserve naman ng crew ang iba't-ibang side dishes.

"Meteumus Tribe?" tanong nito matapos niyang ilahad ang misyon na nakaatang sa kaniya. They started eating when the meat was already cooked.

"Hindi masyadong kilala ang Meteumus, hindi kagaya sa ibang tribu na kilala natin," aniya.

Napatango ito. "Narinig ko na nga ang tungkol sa kanila. Police trainee palang ako sa Kampo, napag-usapan na ang tungkol doon. Ang pinakahuling case tungkol doon ay iyong subasta na nangyari tatlong dekada na ang nakakalipas. Hindi pa tayo tao."

"Subasta?"

Tumango muli ito. "My dad was a police officer back then. Siya at ang team niya ang may hawak tungkol sa nawawalang item sa subasta. May nakakita na isang babaing pula ang mata ang nakakuha ng item na iyon. Sabi pa ni Daddy, iyong item na iyon ang balak bilhin ng Henderson Mafia sa subastang iyon."

The Legendary Red-Eyed GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon