Chapter 2

568 18 1
                                    


Carmela Marasigan. Wala siyang ibang hangad kundi ang tuparin ang nag-iisang pangarap ng kanyang Tiya Candelaria. Iyon ay walang iba kundi ang matupad ang nag-iisa niyang layunin. Siya ang tipo ng babaeng kabaliktaran ng lahat. If the rest wanted to become a beauty queen, she was the opposite. Her friends Stacey and Karen dreamed to become a model and flight stewardess, respectively, she took Criminology. Or, maybe because she knew she would never become any of those. The evident was on her face.

Matagal niyang tinitigan ang peklat na nasa kaliwang pisngi niya. She got the scar when she was younger. Hinding-hindi niya malilimutan ang kaganapang iyon na naging sanhi nang pagkawala ng lahat sa kanya. Ang pahaba at kulay kayumangging peklat na mula sa ilalim ng kanyang mata hanggang sa ilalim ng kanyang tenga ang magpapatunay ng isang hindi magandang karanasan ng kanyang kabataan.

Bumalik siya sa wisyo nang marinig ang pagtunog ng kanyang cellphone. Huminga siya nang malalim bago sinagot ang tawag mula kay Pierre.

"Kailangan kita sa office at exactly 20. Hurry up," puno ng awtoridad at kaseryosohan ang boses nito. Tila nagsasabing bawal siyang mang-asar.

"Aye aye," sagot niya. Narinig niya ang end tone sa kabilang linya hudyat na pinutol na ni Pierre ang linya. Napasimangot siya. When will senpai notice me?

Magmula ng kanyang training days sa camping hanggang sa pagiging saling-pusa sa mga real cases, si Pierre ang katuwang niya. Kaya nga binansagan niya iyon ng lihim na Baby Partner. Kapartner niya ito at amoy baby ito, kaya Baby partner.

Pierre was one hell of those perfect leading man of those fairytales and novels. Kung tutuusin, walang-walang sinabi ang pagiging matiyaga at matapat na mangingibig ni Romeo, ang pagiging perpektong prinsipe ni Prince Charming, o maski ang punong-puno ng determinasyong katauhan ni Alden sa Kalyeserye kay Pierre. Sina Romeo, Prince Charming, maski ang Sergio ni Marimar o si Angelo ni Ynna, ay pawang mga karakter lang sa mga kwentong latha ng mga malalawak na imahinasyon ng mga manunulat, samantalang si Pierre, ang kanyang Pierre ay totoong tao. Totoo na nalalanghap niya, nahahawakan, at...

"Okay, Carmi! Back to work na. Tama nang daydream!" Paalala niya sa sarili bago isinukbit ang backpack sa balikat at akma nang tutunguhin ang pintuan, nang huminto siya sa harap ng kanyang full length mirror. Her eyes stared on her scar. "As if, mapapansin ka ni Pierre. Bago pa man niya makita ang kagandahan sa loob mo, unang niyang makikita ang pangit sa pisngi mo na magsisilbing hadlang sa kung anuman ang posible niyang maramdaman sa'yo. In short, wala ka pa man ding pangit na nagawa, turn off na siya."

***

"Heto ang files nang pagsisilbihan mo, Carmela." Iniabot ni Pierre sa kaniya ang isang folder na naglalaman ng lahat ng impormasyon tungkol sa pamilya Henderson.

"Henderson," anas niya.

"Sila ang isa sa mga prominenteng pamilya ng bansa, pero hindi mo pagsisilbihan ang buong Pamilya Henderson, kay Giovanni Henderson ka lang magtatrabaho."

"Kaanu-ano ni Chief 'to?"

"Lahat ng curiousities mo, malalaman mo kapag nandoon ka na."

Ang suplado naman. Binuklat niya ang pahina kung saan tumambad sa kaniya ang profile information ni Giovanni Henderson. Ang ikalawang anak nina Travor at Marian Henderson. Ang namamalakad sa halos pitumpong porsyento ng mga negosyo ng pamilya.

"Pwede ba akong magtanong nang isa pang tanong, Partner?" Napatingin sa kaniya si Pierre. "Bakit ako lang ang ipinadala sa Hendersons? Never pa kasi akong humawak ng mga malalaking kaso rito. Newbie palang ako, kung tutuusin."

"Ang tinatanong mo ba ay kung bakit hindi ako kasama?" Deretsong tanong nito sa kaniya.

Nag-init ang pisngi niya nang mataman at deretso siya nitong tiningnan. Bumilis din ang tahip ng kaniyang dibdib. Baby Partner naman, e.

"Mas kailangan ako rito sa field kaysa maging bodyguard ni Gio."

"Close kayo?" tanong niya.

"Dahil ba tinawag ko siyang Gio at hindi Master Giovanni, gaya nang tawag ng mga tauhan niya?" Tumawa ito. "Hindi kami close. Hindi ko gugustuhin na maging close kami."

Pinaningkitan niya ito ng mata. "Hindi ka talaga marunong sumagot nang maayos e, 'no?"

"Ayusin mo na ang mga gamit mo, Carmela. Ihahatid kita sa mansion."

"Ready na ako." Ipinakita niya rito ang backpack niyang dala.

Umiling ito. "Sa mansion ka titira, Carmi."

---

Walang imik silang nasa biyahe. Bahagya siyang kinilig kanina noong tawagin siya ni Pierre sa palayaw niya. Carmi. Sana laging ganoon.

Huminto lamang sila sa isang lugar na hindi pamilyar sa kaniya. Isa iyong lugar na pinalilibutan ng mga malalaking kapunuan. Sa di-kalayuan ay natatanaw niya ang isang napakalaking gate na may nakasulat na Hacienda Alexandria. Iyon na ba?

"May mga ilang bilin lamang ako bago tayo tuluyang makapasok."

Napalingon siya kay Pierre na deretso lamang na nakatingin sa gate. Kababakasan ang kaseryosohan sa boses nito.

"Kung anuman ang nakikita at nalalaman mo tungkol sa Pamilya Henderson, ay kailangang iwan mo sa loob ng mansion bago ka lumabas at pumunta sa kung saan. May mga sikretong hindi dapat mabunyag tungkol sa pamilya, at iyon ang isa sa mga magiging tungkulin mo bilang personal bodyguard. Ang pagsisilbihan mo ay si Giovanni Henderson, siya lang at walang iba."

"Matatakot na ba ako?" Tanong niya. Sa tono kasi nito parang nangangain ng tao ang mga nakatira sa mansion.

Nilingon siya ni Pierre at ganoon na lamang ang pagkabigla niya nang makitang seryoso ito. Ngayon lamang niya nakitang seryoso ito nang ganoon.

"Buhay, Carmela. Buhay ang kapalit kapag hindi mo nagampanan nang maayos ang trabaho mo." Napapikit ito. "Ikaw ang napili ni Chief para ipadala kay Gio. Tinutulan ko ito dahil alam kong hindi ka pa hinog. Wala ka pang malalaking achievements gaya noong ibang ipinadala rin kasabay mo."

"So, hindi lang ako ang ipinadala."

"May requirements kasing binigay si Dom, ang Head Butler ni Gio, kaya ikaw ang napili ni Isaac. Malalaman mo ito kapag nakausap mo na si Dom. Siya ang magpapaliwanag sa 'yo."

"Okay."

"Carmela, ipangako mo sa akin na magiging tapat ka kay Giovanni." Natigilan si Carmela sa biglang pagbabago nang ekspresyon ni Pierre. Agad din itong bumawi at napatingin muli sa harapan. "Wala akong tiwala kay Gio pero may tiwala ako sa 'yo. Matalino ka at alam kong kakayanin mo lahat."

Ano ba'ng pinagsasasabi nito?

Bago pa man niya maisatinig ang nais itanong, umandar nang muli ang sasakyan, papasok ng Hacienda.

The Legendary Red-Eyed GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon