Chapter 20

80 8 0
                                    

"Hi, Carmela! Ano at nakabusangot ka? Hindi mo ba gusto ang ulam?"

Napairap siya.

Natawa lang ito.

Nabanggit niya na bang kinaiinisan niya si Alexandrite? At mas lalo niya itong kinaiinisan ngayon?

Nakarating na sila ng mansion ng mga Henderson at pinagtripan siya ni Alexandrite habang nasa biyahe. Pagkarating ay kaagad siyang dumeretso sa silid niya habang natatawang iniwan niya si Alexandrite. Hindi na siya lumabas pagkatapos. Nang maghapunan na ang mga butlers ay saka lang siya lumabas pero nakasalubong niya si Alexandrite pagkatapos.

She's still curious about them. Nagtapat ba si Pierre? Sinagot na ba ito ni Alexandrite? She badly needs to know, para naman alam niya kung magpapakatanga pa ba siyang maghihintay o magmu-move on na.

She was about to ask Alexandrite again when a tall familiar guy entered the mansion. Matikas itong tingnan sa suot na suit. Nakangiti habang papalapit sa kanila.

"Ate Alex!" bati nito sa lalaking parating.

"Gareth?"

Nakaramdam siya nang kakaibang kaba nang banggitin ni Alexandrite ang dumating. Gareth Henderson.

"Hey! Kumusta na? I haven't seen you for a while," masayang bati ni Alexandrite sa pinsan.

Gareth kissed Alexandrite's cheek. "I'm good, Ate Alex. Sorry kung ngayon lang ako nakadalaw."

"Nagkita lang kami ni Tita P kanina. Oh, by the way, she's Carmela, butler ni Gio. Carmela, he's Gareth, pinsan namin," pagpapakilala ni Alexandrite sa kanila ni Gareth. He just asked her how's she and she politely answered him. Nagpaalam na rin siya sa dalawa. She wondered if he's here because of the mafia.

Palabas siya ng mansion, nang isang humarurot na sportscar ang dumating. Lumabas si Giovanni sa sasakyan. Hindi niya maipaliwanag kung bakit biglang bumilis ang pagtahip ng kaniyang dibdib.

"Master Gio," bati niya saka bahagyang iniyuko ang kaniyang ulo. She also placed her two arms behind her.

Huminto ito saka tiningnan siya. "Dumating na si Gareth?" Nag-angat siya nang tingin saka nag-aalalang tumango. Giovanni flashed a smile saka hinawakan ang balikat niya. "Don't worry."

Sinundan nalang niya ito nang tingin. Huwag siyang mag-alala sabi nito. Ngunit, bakit hindi niya maiwasan?

"Alexandrite introduced you to Gareth. And now, Giovanni. Ibang klase ka rin, Carmela."

Napairap siya sa nagsalita. Napakunot siya ng noo nang makita ito. "Nakakahinga ka pa ba sa suot mo?" tanong niya nang pasadahan niya itong tingnan. Sobra kasi ang pagkakahapit ng palda nito. Halos lumuwa na rin ang dibdib nito sa blusang suot. Nagtataka nga siya kung para saan ang blazer dahil mukhang wala naman itong balak takpan ang mga dapat tinatakpan.

"I'm fine, so ano ang drama mo, Carmela? Why are you still here? Suspended ka 'diba? Why don't you just go?" Mataray na saad pa rin ni Dana.

Nagkibit-balikat siya. Wala siyang panahong patulan kung anuman ang problema ng babaing iyon. Lalagpasan na sana niya ito nang dumating din sina Mystie at Zenna. She almost rolled her eyes again.

"Sana all masarap ang buhay," parunggit ni Mystie.

"Sumakit nga yung likod ko sa rami ng mga pinaparesearch ni Master Gio e, samantalang yung isa diyan, palakad-lakad lang," wika naman ni Zenna.

Ngumiti siya sa mga ito. "Gustuhin ko mang tumulong, hindi pwede, kasi suspended ako. So, paano?" Tinapik niya ang balikat ng mga ito. "Keep up the good work."

The Legendary Red-Eyed GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon