Chapter 22

77 9 0
                                    


"Carmela, paki-akyat ng case folder."

"Carmela, iyong order to explain naipareceive mo na ba?"

"Carmi, yung compliance sa Logistics, okay na?"

"Ugh!" Malakas na saad niya.

Napatingin sa kaniya ang mga tao sa loob nang maliit na opisina. If she could just raise her middle finger to these people, kanina niya pa ginawa. They have been like that since her first day. And she has been stressed out since forever.

"Sorry, Carmela," bulong sa kaniya ni Jenna. Inirapan lang niya ito.

Jenna was reassigned to the District. Nang makaalis siya sa Mafia, she was contacted by Isaac Henderson. Nagreport kaagad siya rito kinabukasan at inihayag niya rito na gusto niyang mareassign sa District. She was given a shoot order the next day. The old Henderson said it was the least he could help her after what had happened to her while she's in the mafia.

It has been six months since she left the Hacienda Alexandria. It's been six months that she never heard anything from the mafia, from Giovanni. Carmela has been deployed to different big events in the city, and during those times there's always a part of her that hopes she could see him there, even just a glimpse, even for a second.

But, none. There were no trace of him. She haven't heard anything about him even in the news. It was always Gareth and Alexandrite. She always wondered how was he? Was he doing great with his mission? She hoped so.

"O, natulala ka na diyan," untag sa kaniya ni Jenna.

Napabuntong-hininga nalang siya saka tumayo. "Tara, lunch out."

Mabilis na kinuha ni Jenna ang bag nito saka sumunod sa kaniya. They were just about to hit Jenna's car when their Chief of Office came.

"Marasigan, Vergara, sumunod muna kayo sa akin," bati nito saka deretsong pumasok ng opisina nito.

Nagkatinginan lang sila saka inihagis ang mga bags nila sa loob ng kotse bago sumunod sa Chief nila sa loob. Seryoso itong inilapag ang isang folder sa mesa nito saka sila sinabihang maupo sa magkabilang silya sa harap ng mesa.

"May event sa Gallant Hotel at kailangan nating magpadala ng mga idideploy natin doon via email. Kayong dalawa ang ipapadala ko," pahayag nito.

"Babae po kailangan?" tanong ni Jenna.

Being a uniformed personnel, they already embraced the fact that their tour of duty doesn't have a fix schedule. Minsan kapag may responde kahit hatinggabi, they have to get up, wear their uniform and respond. Minsan naman kahit kumakain, kapag may reklamo, kailangan nilang iwan iyon para estimahin ang nagrireklamo. It was always hard. The training was hard. Well, not to those who have connections from the upper.

Kaya hindi niya maintindihan kung bakit may mga kapwa pulis siyang naiinvolve sa mga hindi magandang gawain. Sure, they could be paid for a huge amount of money, but until when? Kapag siningil ka na nang iyong sariling buhay?

"Babae ang hinihingi nila mula sa unit natin," sagot ng hepe. Nagkatinginan nalang sila ni Jenna.

Kung siya lang ay wala naman kaso sa kaniya ang madeploy sa kahit saan. Mas mainam pa nga iyon dahil nayroon siyang napagkakaabalahan. At siyempre, isa na namang pagkakataon iyon na magbabakasakali siyang darating sa event si Giovanni Henderson.

Their Chief didn't tell them the other details about the upcoming event. Ibinigay lang nito ang email address na padadalhan ng order. They just have to send their full name and contact numbers. Pagkatapos, pwede na silang umuwi. Bagay na pinakamagandang narinig nila sa maghapon.

The Legendary Red-Eyed GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon