Mainit.Maingay.
Magulo.
Maraming tumatakbo sa kung saan. May inang tumatangis habang yakap ang isang walang buhay na sanggol. May amang nakikipagtunggali upang protektahan ang kaniyang mag-iina. May mga batang umiiyak habang tinatawag ang kaniyang mga magulang.
"Carmela! Carmela! Shit!" Dinig niyang sigaw mula sa kung saan. Nais niyang buksan ang mata. Pinipilit niyang iangat ang talukap ng kaniyang mga mata, ngunit tila sobra siyang pagod kaya kaunting liwanag at malabong anino lamang ang kaniyang nasilayan. Hanggang tuluyan na siyang nakatulog.
***
"We need to find who the fuck that hurt Carmela!"
Ilang beses na nagpabalik-balik sa nilalakaran sa loob ng VIP room sa hospital na pinagdalhan kay Carmela si Giovanni.
"Kumalma ka nga at baka magising si Carmela," ani Dominic. Masamang tingin lang ang iginanti niya rito. "Chinicheck na ni Pierre yung cctv ng restaurant, sinusundan na rin niya yung lalaki, kaya kumalma ka."
"Ngayon ko lang yata nakitang nag-alala nang ganito ang baby brother ko," nakangiting bati ni Alexandrite.
Magkasabay nilang nilingon ni Dominic ang dalaga. "Don't call me that," inis niyang tugon dito.
Nagkibit-balikat lang si Alexandrite. "She's fine, Gio. It didn't hit any vitals. Hindi ko alam kung nag-alangan yung nanaksak kay Carmela o sadyang tanga lang."
Nilingon ni Giovanni ang natutulog na si Carmela. She looked peaceful. Nang marinig nila ang pagsigaw ng babaeng crew ng restaurant, ngali-ngali siyang napatakbo. Ganoon nalang din ang gulat at pagkataranta niya nang makitang nakahandusay si Carmela sa sahig. She already lost her conciousness. Nakita nalang niyang umaagos na ang dugo nito sa sahig.
"Pierre."
Lumingon si Giovanni sa gawing pinto nang tawagin ni Alexandrite si Pierce na kararating lang. Pierre kissed Alexandrite's cheek saka nakipagfist bump kay Dominic. Tinapik naman siya nito sa balikat.
"Have you found that unfortunate guy?" tanong ni Alexandrite.
"Yea, dito nalang ba tayo mag-uusap? It's somewhat confidential. Baka marinig niya," ani Pierce. Lumingon silang tatlo kay Carmela na mahimbing pa ring natutulog.
"Don't worry, she's asleep," ani Alexandrite.
"Doctora na ang nagsabi," ani naman ni Dominic.
The VIP room has a visitor's area. May isang mahabang couch at dalawang single sofa na nakapaikot sa isang coffee table. They sat there. Pierre placed the envelope at the table na binuklat naman ni Giovanni.
"Keito Valero. Isa sa mga guards ni Dwayne. He's one of his best men kaya nagtataka ako kung bakit hindi nito napuruhan si Carmela. And he has guts to did it in a public place," ani Pierce.
"Hindi mo siya nasundan?" tanong ni Dominic.
"Hindi. Magaling ang isang 'to. He went to the streets na walang nakainstall na cctvs kaya hindi siya nalocate ng mga IT. Nalaman din niyang sinusundan ko siya," sagot ni Pierre.
"Mukhang kinakalawang ka na, Castro," tudyo ni Dominic dito. Alexandrite tried to defend Pierce kaya nagkaroon nang kaunting pagtatalo sa pagitan nito at Dominic habang tinititigan naman ni Giovanni ang larawan ng lalaking nagngangalang Keito.
"Masyado kang seryoso, Gio. Ligtas si Carmela, at nakakasiguro akong hindi na ito mauulit," ani Pierce kaya sandaling natahimik sina Dominic at Alexandrite.
BINABASA MO ANG
The Legendary Red-Eyed Girl
ActionShe was a lone survivor. She came in the city to find justice. She became someone far from who she was. She's hungry for vengeance. She was Carmela Calida. And now, she's Carmela Marasigan. The legendary red-eyed girl.