Gaya nang napag-usapan, umakyat si Carmela sa 14th floor para kunin ang attache na ipapalit niya sa case na makukuha ni Giovanni. After that incident with Giovanni, nagpaalam na siya na uuwi na. Dahil humupa na rin naman ang gulo sa hotel, hinayaan nalang siya ng ibang kasamang usherettes. Siyempre, hindi siya nagpaalam kay Major Castelan. Minsan lang naman siyang magmamalatuba.Kaagad siyang pumasok sa kuwartong tinukoy nang tumawag. Alam niyang may nagmamasid sa kaniya kaya maingat ang bawat paggalaw niya. Pagpasok sa loob, kaagad niyang nakita ang itim na case sa ibabaw ng kama. Sa laki n'on, parang napakaimposible sa kaniyang maipagpapalit niya iyon sa makukuha ni Giovanni. It was really a suicide mission.
She checked the case and realized that it was locked. Binuhat niya ito at may kabigatan. Hindi niya mapigilang mag-aalala. Inilinga niya ang paningin sa kabuuan ng silid to check. Just in case there were cameras in the area. Eksakto namang tumunog ang cellphone niya.
"Are you in the room?" bungad ng caller.
So, there's no camera in here, she thought.
"Oo."
"Good. May iniwan na paperbag sa labas. Get it and change."
Kumunot ang noo niya then she realized she's still in her uniform. "Okay."
"Don't do anything stupid again, Calida." Huling saad nito bago pinutol ang tawag.
Stupid deed. Naaalala na naman niya ang kabaliwang ginawa kanina. Ipinilig niya ang ulo saka tumayo at tinungo ang pinto. Kailangan nang matapos ang lahat.
Sandali niyang tinitigan ang damit na laman ng paperbag. It was a camouflage fitted pants, a loose black tee shirt and a cap. Then she looked at her shoes. Nakacombat shoes siya.
Mabilis siyang nagpalit at naghintay nang kaunting oras para mag-ipon ng lakas ng loob. Sa oras na lumabas siya ng silid na iyon, wala nang atrasan.
When the clock hits five minutes before the designated time, umalis na siya ng kuwarto dala ang case. Mabuti nalang walang ibang tao sa elevator. She clicked the top floor. Habang hinihintay na makarating siya sa dulong palapag, nag-iisip na siya ng estratehiya kung paano makukuha kay Giovanni ang case.
Ilang beses na siyang nananalangin sa mga dios, pero wala pa rin siyang maisip na paraan. She has been hesitated. Bukod sa wala siyang maisip na paraan, isa pang mafia boss ang iisahan niya.
The door reached the 20th floor. Sumilip muna siya sa hallway bago tuluyang lumabas ng elevator. The hallway was so quiet. May nakasalubong lang siyang bell boy at binati lang siya nito nang casual. Dumeretso siya sa hagdanan paakyat ng rooftop. Deretso naman ang elevator hanggang sa rooftop, kinailangan lang niyang huminto sa 20th upang 'di gaanong makakuha ng atensyon kapag nasa rooftop na siya.
Carmela didn't expect about the restaurant's view. It has a swanky, contemporary new makeover, and serves an above-average menu to its extremely well-heeled clientele in an atmosphere of velvet-lined chic. The whole place was an eye-pleasing. From the outdoor terrace to the window tables to swing-like chairs, it was awesome. The place looks like a fine dining and a restobar in one.
Kaagad siyang naghanap nang maayos na puwesto. Hindi siya sigurado kung saan pupuwesto sina Giovanni kaya pinili niyang maupo sa dulong bahagi sa gilid paharap sa entrance. From there she can see them nang hindi siya madaling mapansin. Nilapitan siya ng waiter. She ordered a pasta that says Creamy Truffled Mushroom Tagliatelle, na nung dumating ay mukha at lasa lang ring carbonara o, iisa lang talaga panlasa niya at hindi lang siya sanay sa panlasa ng mga mayayaman.
Unti-unting dumadami ang mga tao sa restaurant. She checked her watch. It's already 8:10pm. Naging alerto na siya dahil anumang oras darating na sina Giovanni. At nangyari na nga, wala pang limang minuto, dumating sa restaurant si Giovanni kasama si Dominic at dalawa pang lalaki na hindi niya kilala. Hindi siya pamilyar sa dalawang lalaking iyon.
BINABASA MO ANG
The Legendary Red-Eyed Girl
ActionShe was a lone survivor. She came in the city to find justice. She became someone far from who she was. She's hungry for vengeance. She was Carmela Calida. And now, she's Carmela Marasigan. The legendary red-eyed girl.