Chapter 24

83 9 0
                                    

Hindi mapakali si Carmela sa loob ng Function Hall. May ilang VIPs pa rin na naiiwan at isa-isang hinahatid ng ilang security personnel at usherettes. Discreet ang information tungkol sa lalaking namaril sa ground floor upang hindi mag-alala ang mga delegates.

"Kulmama ka nga," saad sa kaniya ni Jenna.

Masamang tingin ang ipinukol niya rito. Hindi pa nito ipinapaliwanag ang tungkol dito at kay Four. Hindi na rin naman siya nag-usisa. Malaki na ito.

"Kailangan nating alamin kung sino ang lalaking namaril sa atin kanina," mahinang saad niya rito.

"Paano? E nakakulong tayo rito sa Function Hall," sagot naman ni Jenna.

Major Castelan ordered them to stay in the Function Hall and keep the place safe, hangga't wala pang ibang instruction from higher superiors. Pero hindi pa rin siya mapakali. She's not the type to just stay just because she was told to.

Kinuha niya ang phone sa bulsa ng suot na uniporme saka tinawagan ang isang taong makakatulong sa kaniya.

"Carmela?" tugon ng babae sa kabilang linya.

"Sil, I need you help," deretsong saad niya.

"Ano'ng klaseng tulong? Actually, Carmela, we're so busy."

"Alam ko. It's about the event, right? Nandito ako mismo sa venue. Nakadeploy ako. I even met Dominic and some from the mafia. Gusto ko lang ng impormasyon tungkol sa namaril sa parking."

Sandaling hindi nakaimik si Silvanna. Tila may kung anong inaasikaso ito, which is naiintindihan naman niya.

"Sorry, Carmela. We can't give out informations. Kung gusto mo, kina Master Dominic ka nalang humingi ng info. I'm so sorry. It's the Mafia's rules."

Napabuntong-hininga siya. She forgot the Mafia's rules and regulations.

"I understand. I'm sorry, if I was so selfish asking about it. Say my regards to Nikki," aniya bago pinutol ang tawag.

"That was so dumb of you for asking informations from the mafia."

Lumingon siya sa nagsalita. Nang makilala ito, muli siyang tumalikod. She doesn't need his insults at that moment.

"Sir Henderson." Lumapit si Major Castelan sa gawi nila. "May maitutulong po ba kami?"

Giovanni smiled to the Commissioned Officer. "Well, your safety would be enough."

Ngumiti ang Major. Tumaas naman nang bahagya ang kilay niya. This old maid really knew how to flirt. Nagtataka tuloy siya kung bakit dalaga pa rin ito. Of course, she knew Castelan is old.

"If you need anything, just tell me," Major Castelan said.

"I'm fine. I'll just tell Marasigan if I need something."

Nilingon niya ito. Mukhang nagulat pa si Major Castelan na kilaka siya ng isang Henderson. Sinasadya ba nitong isali siya sa usapan nila?

"Of course, Sir. Puwede mong utusan si Marasigan," nakangiting tugon naman ni Major Castelan.

Aalis na rin sana siya nang makaalis si Major Castelan, nang pigilan siya ni Giovanni. "I heard it from Four."

Inalis niya ang kamay nitong nakahawak sa braso niya. "I'm fine, if that's what you want to hear."

"You need to be vigilant. Hindi lahat nang nakikita mo o nakikilala mo rito ay mapagkakatiwalaan."

Tumango siya saka hinarap ito at deretsong tiningnan. "Yea right. Hindi lahat nang nakikita ko at nakikilala ay mapagkakatiwalaan."

The Legendary Red-Eyed GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon