Chapter 12

102 6 2
                                    


Nahirapang magpaalam si Carmela kay Dominic. May usapan sila ni Arabella nang araw na iyon at katakot-takot na paalam ang ginawa niya bago siya pinayagan ni Dominic na lumakad nang mag-isa. She explained that she needed to go to her Aunt because it was her promise to her. Wala naman kasi siyang ibang mairarason na hindi magiging kahina-hinala kundi ang pamilya niya.

"Mag-uutos ako nang magiging driver mo," sabi pa sa kaniya ni Dominic kanina.

"Huwag na kasi. Alam mo na ngang mainit ako sa kanila tapos gagawin mo pang driver ko ang isa," tanggi niya.

Kaya wala na itong nagawa nang umalis siyang mag-isa. Wala si Giovanni kaya sinamantala na niya ang pagkakataon. Alam niya kasing hindi siya nito papayagan pagkatapos nang nangyari sa kaniya. Noon lang din niya napagtantong marunong din pala itong magpahalaga sa buhay ng mga tao niya. Medyo naging off kasi ito noong eksenang ipinagtanggol niya si Alexandrite.

Mahigit isang oras at kalahati ang naging byahe niya patungo sa napag-usapang mall nila ni Arabella. Masyado kasing traffic ang national road sa siyudad kumpara sa mga expressway sa labas.

Pagpasok niya sa isang coffee shop, namataan niya kaagad ang nakangiting kaibigan sa pinakadulong bahagi. Kumaway pa ito sa kaniya.

"Arabella!"

"Carmela!"

Magkapanabay pa nilang sambit.

"Ako na ang bibili," presinta nito.

Mabilis ngang lumipas ang panahon kung kaniyang iiisipin. Kahit masalimuot ang pinagdaanan niya dahil kinailangan niyang mag-adjust at makisama sa bagong lugar, hindi siya nawalan ng pag-asa. Hindi siya maaaring sumuko dahil kailangan niya pang pagbayarin ang mga gumawa niyon sa kaniyang mga katribu. Iyon ang naging pisi niya sa pagpapatuloy.

May dalang dalawang venti sized coffee si Arabella at dalawa ring pastries. Nakangiti itong iniabot sa kaniya ang isa.

"Gusto kong makipagkuwentuhan sa iyo tungkol sa nangyari noon pero parang hindi maganda ang napili nating lugar," anito.

"Oo nga. Naisip ko na rin iyan pero ayaw kong ipostpone ang pagkikita natin," sagot naman niya.

"May alam akong bar pero mamaya pang alas nuwebe ang bukas. Kilala ni Keito ang may-ari at mabibigyan tayo nang isang pribadong kuwarto. Lie low si Keito ngayon pero puwede siyang pumunta mamaya," saad nito.

Napangiti naman siya. "That's good."

"Pero, okay lang ba talagang nasa labas ka ngayon?" Nag-aalalang tanong nito.

"Oo naman. Kayo ba?"

"Nakaleave ako dahil sa nangyari kay Keito. I also turned off my butler phone at iniwan sa condo para hindi nila ako matrace," sagot nito. Pareho pala sila nang ginawa. Nasa drawer niya ang issued phone ng mafia at nakaoff iyon. Ang kotse namang gamit niya ay iniwan niya sa garahe ng Tiya niya.

Dahil marami pa silang oras, napagpasyahan nilang mag-ikot sa mall, maglaro sa mga games at namili. It was their first bonding as ladies. She wished it for the very long time. Ang magkaroon ng kaibigang magiging kasa-kasama niyang mamili ng damit, ng makeups, makakakwentuhan tungkol sa mga lalaki at kung paano silang nagiging sakit ng ulo.

Hindi kasi niya naranasan iyon. She was busy living her life to find those people who vanished her tribe. She barely had close friends when she was still in school. Kung may naging kaibigan man siya, hindi nito alam ang totoong pagkatao niya.

Kung saan-saan sila nakarating ni Arabella habang nagpapatay ng oras. They were like the others, namamasyal nang normal. Wala rin naman siyang nararamdamang kakaiba kaya kampante siya. At least the mafias still respect their personal time outside that dark world.

The Legendary Red-Eyed GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon