Nakarating kay Giovanni ang nangyari, sa hindi malaman kung kanino ni Carmela. Maraming taong posible maging whistle-blower niya. Subalit, hindi na iyon ang problema niya. Kababakasan kay Giovanni ang galit mula sa mga mata nito hanggang sa inilalabas niyang aura sa katawan."Don't be so hard on her." Naririnig niya pa ang bilin ni Pierre rito.
"Bakit mo ginawa iyon?" Halatang humigit ito nang malalim bago magtanong.
"Dapat ba hinayaan ko nalang siya?"
Nasa loob sila ng isang kuwarto. Silang dalawa lamang. Marangya ang loob ng kwartong iyon, ngunit nagmimistulang impyerno dahil sa aura ni Giovanni. Parang nasa loob siya ng kuwarto nang paghuhukom.
"Hindi ba malinaw sa iyo ang mga patakaran ko, Marasigan? O baka naman masyado kang nababaitan sa akin?"
"Malinaw sa akin ang lahat, Master Giovanni. Pero malinaw din ang tungkulin at trabaho ko. Nang marinig ko---"
Natigilan siya nang bigla nalang may lumipad na kung anong bagay. Halos mahagip nito ang kaliwang pisngi niya.
"Hindi mo trabahong iligtas si Rite! May mga sarili siyang bodyguards bukod pa sa trained siya sa iba't-ibang klase nang martial arts at shooting. Huwag kang tanga at feeling bayani!"
"Hindi ako tanga!" sigaw niya pabalik. "Kaysa insultuhin mo ako sa tuwing magkakamali ako dahil lang ipinagtanggol ko ang pamilya mo, maigi pang sesantehin mo nalang ako!"
Ngumisi ito. "Really? Puwedeng-puwede kitang sesantehin ngayon at siguraduhing hindi ka na makakabalik sa dati mong trabaho at sa dati mong buhay, Marasigan. Huwag mo akong susubukan. Bumalik ka na sa baba!"
Masamang tingin ang ipinukol niya kay Giovanni bago niya nilisan ang silid. Saka lang niya naramdaman ang pagtulo ng luha mula sa kaniyang mga mata.
Dali-dali siyang pumasok sa comfort room at tinanggal ang contact lenses na suot saka niya tinitigan ang mga pulang mata niya. Ano ba'ng ginagawa niya? Dapat ay hinahanap niya ang mga lumapastangan sa mga kalahi niya pero heto siya, sinasalo ang mga bawat pang-iinsulto ng mga tao sa paligid niya.
Mariin niyang tinitigan ang sarili sa harap ng salamin. Pinipilit na kalmahin ang sarili. Ang mga mata niyang nagnanangis na sumasabay sa kaniyang nararamdaman. Mariin niyang ipinikit ang mga mata. Nang maramdaman niyang may paparating ay nagmadali siyang pumasok sa cubicle.
---
Walang imik silang apat sa loob ng sasakyan. Si Four ang nagmamaneho ng sasakyan habang nasa tabi nito si Dominic. Nasa likod naman siya katabi si Giovanni. Pasado alas tres na ng madaling-araw natapos ang pagtitipon.
"Sino ang nanalo sa auction?" basag ni Giovanni sa katahimikan.
"Si Mr. Tyronne Ortega, nakuha niya ang limang items sa auction. Halos limang bilyon ang nagastos niya," sagot ni Dominic.
Napasinghap si Four, habang bahagyang tumaas ang kilay niya. Mga walang magawa sa pera kaya kung anu-ano nalang binibili. Wala namang mga katuturan.
"Noon pa ay kalaban na ni Dad ang mga Ortega pagdating sa mga auction," ani Giovanni.
"Ang pagkakatanda ko, may isang bagay ang gustong makuha ng mga Ortega, kaya hindi ito nawawala sa mga subasta," pahayag naman ni Four.
"Matagal nang wala sa mga auctions ang hinahanap ni Ortega," sagot naman ni Dominic.
Napahikab siya. Kaya naman sabay na lumingon sa gawi niya sina Four at Dominic.
"Sige lang, mag-usap lang kayo," aniya.
BINABASA MO ANG
The Legendary Red-Eyed Girl
ActionShe was a lone survivor. She came in the city to find justice. She became someone far from who she was. She's hungry for vengeance. She was Carmela Calida. And now, she's Carmela Marasigan. The legendary red-eyed girl.