Chapter 9

173 8 0
                                    


Halos kalahating oras ang nakalipas bago narating ni Carmela ang hotel at ang eksaktong kuwarto na sinabi ni Giovanni sa text message nito. Dominic was waiting for her at the sala. Iniabot nito sa kaniya ang tatlong paper bag kung saan naglalaman ang damit na susuotin niya para sa subasta na gaganapin sa grand hall. Nagpasalamat siya kay Dominic bago nagtungo sa bedroom upang magbihis.

She placed the dresses in the bed. Napabuntong-hininga siya nang matitigan ang mga ito. Why does she have to wear those dresses? Bakit hindi suit ang binigay sa kaniya gaya nang mga madalas niyang isinusuot?

Iyong isa ay plunging V-neck white dress overlaid with a sheer, embellished layer, pulled together with jeweled ornamental detailing around her midriff. Ang isa naman ay isang blush pink 'Rumbo' cocktail dress at isang black evening gown dress. Thoses dresses were beautiful at pakiramdam niya, hindi babagay sa kaniya ang mga iyon.

She didn't try it yet, she chose the black dress. Alam niya kasing basta itim, madaling pakabagayan. Inayos niya ang sarili at nilagyan ng concealer ang peklat niya sa pisngi. Inilugay din niya ang buhok, saka siya lumabas ng silid.

She thought it was only Dominic waiting her at the sala. Lumutang ang kaguwapuhan ni Giovanni sa black turtle neck with white styled shirt, na pinatungan nito ng blue suit at pinaresan ng itim na pants. He actually knows how to dress himself.

"Hindi ba sobra naman itong suot ko?" She asked breaking the silence filled in the room.

Giovanni handed her a white pouch matching her black dress. "Let's go."

Tiningnan niya si Dominic na nakangiti lang sa kaniya. "Kayo lang ni Gio ang papasok, but don't worry, nasa area lang kami." Napatango nalang siya rito saka niya sinundan si Giovanni na nasa labas na ng kuwarto.

They were both silent inside the elevator. Hindi naman siya talagang nangangati pero pakiramdam niya makati ang buong katawan niya sa suot. Marahil ay naiilang siya dahil dalawa lamang sila ni Giovanni sa loob.

"You look beautiful," basag nito sa katahimikan.

Napamaang naman siya sa tinuran nito. "Parang hindi naman," tugon niya. Nagkibit-balikat lang ito saka muling nanahimik.

Carmela could reluctantly say that she's beautiful pero hindi sa ibang tao. She can actually praise herself, but not in front of other people. She has been very opinionated about herself and she always keeps it only herself.

Giovanni grabbed her hand at inilagay iyon sa braso nito pagkalabas nila ng elevator. Bahagya siyang nakaramdam ng kuryente sa katawan at pinalis din iyon nang makita ang seryosong mukha ni Giovanni.

Binuksan nang dalawang lalaking nakasuit ang malaking pinto ng grand hall kung saan gaganapin ang subasta. Isang malawak na silid ang napasukan nila. Parang doble o triple ng isang cinema. May malawak na stage naman sa ibaba mula sa kanilang kinaroroonan.

Inakay siya ni Giovanni patungo sa kanilang designated seats. Eyes were glued on them. Naiilang siya, hanggang isang pares ang lumapit at binati si Giovanni.

"Giovanni!"

"Tito Andrei!" Ganting bati ni Giovanni na inabot ang kamay ng lalaking kasing-edad marahil ng ama nitong si Travor Henderson.

"Naks naman itong binata ni Tray. Noong nakaraang auction, iba yung muse mo, ngayon iba naman," natatawang biro nito kay Giovanni. Napataas naman ang kilay niya.

"Ikaw din, Tito, alam ba ni Tita Maxene na may muse kang kasama rito?" ganting biro ni Giovanni na ikinatawa naman ng babaing kasama nito.

"Secret lang," sagot nito na lalong nagpataas ng kilay niya.

The Legendary Red-Eyed GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon