"Darating sina Travor at Marian mamaya. Kailangan na nating maghanda." Narinig ni Carmela na wika ni Dominic sa mga butlers na nasa sala.
"Busy si Four dahil may secret mission silang ginagawa, kaya kailangan ko ng manpower na papantay kay Four."
Lihim siyang napairap. Masyadong OA talaga itong si Dominic. Hindi nalang mag-enjoy sa buhay. Wala namang magtatangka sa mag-asawang Travor at Marian. Alam naman ng lahat ng tao kung gaano kabagsik ang tandem ng dalawang iyon. Kung ang Mafia Lord nga na si Travor, tumitiklop sa asawa nito, yung mga gunggong pa kayang magtatakang patayin ang mag-asawa? Naiiling nalang siya.
"Ikaw, Carmela." Napaigtad siya nang tawagin siya nito. Pababa na kasi siya ng engrandeng hagdanan at napahinto lang nang makitang nagmimeeting pala ang mga ito sa ibaba.
Ngumiti siya rito. "Paalis na talaga ako. Tuloy n'yo lang. Don't mind me."
Nahuli ng kaniyang mga mata ang pag-irap nina Mystie at Zenna. "Go, I hope you can find your brain there." aniya sa sarili.
"Bakit magkasama kayo ni Master Travor, Carmela?" Ito namang si Silvanna, hindi rin marunong magtimpi nang curiousity. Bakit kailangang sa harap pa ng lahat ito nagtatanong?
"Err....," Alanganin niyang tugon.
"Aalis ka na, Carmela?" tanong sa kaniya ni Dominic.
"Oo, kukunin ko lang yung gamit ko sa kotse ni Master Giovanni ta's aalis na ako," sagot niya. Ngumiti lang siya bago niya ito tuluyang tinalikuran.
"Carmela, sandali!" tawag sa kaniya ni Dominic. Nagtataka siyang nilingon ito.
Dominic dismissed the butlers and told them to return to their respective work. Nilapitan siya nito matapos isa-isang nag-alisan ang butlers.
"Alam kong suspended ka pero kailangan ko ng tao ngayong darating sina Travor at Marian."
"Ayan ka na naman. Nagdidesisyon ka naman nang hindi kumukunsulta kay Giovanni, tapos sisisihin mo ako kapag pumalpak. Ayaw ko. No way!"
"Wala kasi si Four. Kukulangin ako ng tao," pakiusap nito.
"Alam mo Dominic, sobrang daming butlers sa paligid, paano ka kukulangin?" Naiinis niyang sagot dito. Napakatigas ng ulo nang isang ito.
"Makinig ka nga kasi muna. Hindi lang sina Travor at Marian ang darating, pati sina Marianita at Francesca. Anim ang idideploy ko upang masundo silang apat, may dalawang convoy at siyempre ang magbabantay dito kasama ni Alessa. Sa tingin mo, sasapat sila?"
"Si Giovanni?" tanong niya.
"May trangkaso. Hindi nga siya makabangon e. Maiiwan din si Alessa rito kaya kailangan nang magbabantay. Babalik naman si Alexandrite sa ospital."
"Ganito ba ka-OA 'pag sinasalubong sila?" sarkastiko niyang tanong.
"Hindi namin kailangang bantayan sina Travor at Marian pero ibang usapan sina Marianita at Francesca. Walang kamalay-malay ang dalawang bata sa negosyo ng pamilya nila, sa tingin mo may nakapaligid na baril sa mag-asawa?"
Hindi siya umimik. So, the Mafia Bosses can't fire guns in front of their children. Pero darating din naman ang panahon na ilalahad din sa dalawang batang iyon ang negosyo ng pamilya nila.
"Kapag nagalit si Giovanni, salo mo ako, ha? Kapag pinatay niya ako, mauuna ka," sabi niya kay Dominic pagkaraan. Ngumiti ito sa kaniya saka nakipagfist bump.
Sumunod siya kay Dominic sa opisina nito upang kunin ang mga binawi nitong gamit. Napakaayos din naman ng suspension niya. Wala pang kalahating-araw. Inakyat na din ni Aling Marilyn ang mga gamit niya sa silid nila ni Silvanna. Dumalo nalang siya sa meeting sa conference room upang paghandaan ang pagdating ng pamilya Henderson.
BINABASA MO ANG
The Legendary Red-Eyed Girl
ActionShe was a lone survivor. She came in the city to find justice. She became someone far from who she was. She's hungry for vengeance. She was Carmela Calida. And now, she's Carmela Marasigan. The legendary red-eyed girl.