Nagkaroon ng meeting ang mga bodyguards ni Giovanni sa pangunguna ni Dominic. Ipinaliwanag nito nang maayos ang misyon na kailangang gawin nila paukol sa napag-usapan nila kahapon. Dahil wala si Carmela, kinailangang ipaliwanag nang buo ni Dominic ang napag-usapan."Igugrupo ko kayo at bibigyan ng kani-kaniyang misyon," ani Dominic.
Si Dominic ang nag-assign ng grupo. Kahit ang mga nasa IT Department may kani-kaniyang grupo rin na mag-aasist sa mga nasa field. Habang silang mga bodyguards, hinati rin ni Dominic. Limang grupo na may tig-anim na myembro. May ipapadala abroad, mayroon din sa ibang probinsya sa Pilipinas. Mainam na pagkakataon para maimbestigahan ni Carmela ang nangyari sa tribu niya.
"Si Four, Mystie, Carmela at ako ang maiiwan para protektahan si Master Giovanni," pagtatapos ni Dominic.
"Ha? Si Carmela?!" bulalas ni Zenna. Isang datihan nang bodyguard ni Giovanni. Parehas nang reaksyon nito ang reaksyon niya. Dominic ended the meeting. Nagkaroon ng bulungan mula sa mga datihang bodyguards. May mga kumukuwestiyon nang pagkakasama niya sa grupo nina Dominic. Bagay na hindi niya nauunawaan.
Naghahanda na silang lahat para sa pananghalian nang lumapit sa kaniya si Zenna.
"Sabi ni Mystie si Chief Isaac Henderson ang nagrekomenda sa 'yo kay Master Giovanni," sabi nito pagkalapit.
"Oo, magkasama kami sa Central," sagot niya.
Napatango naman ito. "No doubt at ikaw ang napili nilang isama sa grupo nila."
Napakunot naman siya ng noo. "Ano'ng gusto mong palabasin?"
"Wala naman." Umismid ito.
"Nagsiselos ka lang, Zen," sabat ni Mystie na nasa gawing likuran ni Zenna.
"Me? No way." Sabay alis na sagot nito.
Napangiti naman si Mystie saka siya hinarap na may seryosong mukha. "Naiintindihan ko rin si Zenna at some point. Baguhan ka palang pero nakuha mo kaagad ang grupong gustong makuha ng mga mas matatagal nang bodyguards."
Napabuga siya ng hangin saka seryosong hinarap din si Mystie. "As if, ako ang nagpilit na mapasama sa grupo ninyo. Talk to Dominic." Tinalikuran niya si Mystie at nagtungo sa likurang bakuran ng mansyon. May maliit na hardin doon at maliit na tulay dala ng ilog. Napasandal siya sa rail ng tulay. Iyon yata ang pinakamaganda parte ng kabuuan ng Hacienda Alexandria.
"Hindi ka pa kumakain 'no? Nakita kong nagwalk out ka kanina," ani Silvanna kasama nito ang isa ring baguhan na si Nikki, kasama sa isang grupo sa field.
"Nainis kasi ako," matapat niyang tugon.
Napatango naman si Nikki. "Nagalit si Zenna kasi bago ka palang pero napasama ka na sa grupo nina Sir Dominic. Balita ko, sila ang grupong pinakapinagkakatiwalaan ni Master Giovanni. Napakasuwerte mo, Carmela."
Napabuntong-hininga siya. Sino ba'ng humiling na gawin siyang masuwerte?
"Pero nakakapagtaka rin na ikaw ang napili nila at hindi si Zenna," sabi ulit ni Nikki kaya napatingin silang dalawa ni Silvanna rito. Napansin naman nito ang tingin nila kaya humingi rin ito ng dispensa. "Wala akong ibig sabihin, Carmela. Sorry kung naoffend kita."
"Okay lang, naintindihan ko. Kahit ako ay nagtataka rin. Puro kapalpakan nga ako nitong mga nakaraang araw e," pag-amin niya.
"It's good to know that you are aware of your flaws, Marasigan."
Napaayos sila nang tayo nang marinig ang boses sa kabilang bahagi ng tulay. The mafia boss was sternly looking at her. Lumapit ito sa kanila saka nakangiting tiningnan sila Silvanna at Nikki. "Can you give us some moment?"
BINABASA MO ANG
The Legendary Red-Eyed Girl
ActionShe was a lone survivor. She came in the city to find justice. She became someone far from who she was. She's hungry for vengeance. She was Carmela Calida. And now, she's Carmela Marasigan. The legendary red-eyed girl.