Chapter 29

156 6 4
                                    

The VIP Floor which is located at the top floor of the building was different from the other floors of the hospital owned by the Hendersons. Parang nasa executive five star hotel ito. Paglabas ng elevator, may information desk silang nadaanan sa pinakagitna at tatlong hallways naman, isa sa kanan, sa kaliwa at deretsong parte. Carmela followed Giovanni as he walked at the right direction, sa dulong bahagi ay isang salaming pinto. Pumasok sila roon. Iba-ibang pinto ang nakita ni Carmela sa loob which she suspected as hospital rooms. May mga nameplate kasing nakadikit sa dingding sa tabi ng pinto.

Deretsong naglakad si Giovanni saka ito humito sa tapat ng isang pinto. May nakasulat na Pierre Ian Castro sa nameplate sa dingding. Huminga siya nang malalim nang buksan ni Giovanni ang pinto.

Bahagyang kumunot ang kaniyang noo nang makita ang kabuuan ng silid. Sandali niyang nakalimutan na nasa hospital sila. Mukha kasing nasa isang five star hotel siya. Pagkapasok ay bumungad ang king sized hospital bed sa kaliwang bahagi ng silid kung saan nakaupo roon si Pierre, isang L-shaped couch na nakadikit sa dingding, isang pantry sa kaliwa at may isang pinto na malamang ay ang banyo.

Sinalubong siya ng ngiti ni Marian Henderson habang mataman namang nakatingin si Travor sa kaniya. Pierre was also smiling at her. Nahihiya niyang binati ang mag-asawa saka lumapit kay Pierre. Giovanni sat beside his mother.

"Kumusta?" tanong niya rito.

"Okay na. Ikaw?" tanong naman nito.

Napabuntong-hininga siya. "Okay lang din. Akala ko kung ano na ang nangyari sa 'yo," aniya. Tipid itong ngumiti.

"Mabuti naman at nakaligtas ka, Carmela," Marian said.

"It was all because of Pierre," sabat naman ni Travor.

"Trabaho naman po ang ipinunta ko roon. Nagkataon lang na nakita ng mga tao ni Gio si Carmela," sagot naman ni Pierre.

"And of course, Giovanni," tugon pa rin ni Travor.

Marian got up saka lumapit sa kaniya at iginiya siya nito sa couch. "Mabuti nalang at walang gaanong napuruhan sa hanay natin. Iyon ang importante."

"At nakuha natin ang case," tugon muli ni Travor.

"Pero si Four ---" Hindi niya na natuloy ang nais sabihin nang sabay siyang nilingon ni Travor at Marian na tumabi sa asawa nito.

Tipid na ngumiti si Marian. Giovanni remained silent. Travor just laid his back on the backrest.

"Wala pa po bang balita kay Four?" tanong niya.

"Wala pa, Carmela," sagot ni Pierre. "Pero hinahanap pa rin siya ng mga tao ko sa bundok na iyon. Don't worry."

Hindi siya umimik. May isa pang tao ang nais niyang itanong sa mga ito pero hindi niya kayang isatinig. Nag-aalangan siyang baka biglang sumama ang timpla ng nakatatandang Henderson. Of course, she knew Travor's temper.

"Akala ko ay naipaliwanag mo nang maigi kay Carmela ang sitwasyon, Gio?" basag ni Travor sa katahimikan.

"Yes, Dad," malalim na sagot naman ni Giovanni na ikinakaba niya. Maliwanag sa kaniya ang lahat ng bagay.

"Kinukumusta ko lang po si Pierre. Pagkatapos po nito, hindi n'yo na ako makikita," maagap niyang tugon.

Nilingon siya ni Giovanni. Strangely, she couldn't read his thought. Tipid nalang siya ngumiti.

"Tray, akala ko ba nagkaintindihan na tayo?" saad naman ni Marian sa asawa.

"I'm sorry, love, but I know you understand this. Higit kanino man, ikaw ang nakakaalam sa pakiramdam na nasa ganitong sitwasyon," sagot ni Travor.

The Legendary Red-Eyed GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon