"Carmela," tawag sa kaniya ni Giovanni. Napatingin siya rito. Hindi niya mabasa kung ano ang ipinahihiwatig nang malamlam nitong tingin. Ngumiti nalang siya rito nang matipid, bago binalingan ang ama nitong si Travor."Ang trabaho ko naman po talaga sana ay maging Agent ng mafia, pero......" Tumingin siyang muli kay Giovanni bago nagpatuloy. "pero, ginawa niya po akong bodyguard niya. So, kung aalis po siya ng mafia, wala na ho akong lugar pa para manatili."
She wasn't sure if she was saying the right words. Ang tanging malinaw lang sa kaniya ng mga sandaling iyon ay ang bilis na pagtibok ng kaniyang puso.
"Sure ka na ba diyan, Carmela?" tanong ni Dominic.
Nilingon niya ito saka pinandilatan ng mata. Ang lakas nang loob nitong sumabat. Tiningnan din niya si Four nang tumayo ito.
"Mawalang-galang na po, pero mukhang hindi lang kami ang magriresign sa nangyayari," wika naman ni Four na ikinabigla niya. Wait, so, ibig sabihin, are they resigning, too?
"Geez. Huwag n'yo namang iparamdam sa amin na ayaw ninyong magtrabaho sa amin ni Ace," reklamo ni Gareth. Ace just tsked.
Hindi pa rin niya magamayan ang mga ugali ng mga bagong mafia boss. They're just look like an ordinary boys.
"Still, my decision is final." Lahat ng atensiyon nila ay napunta na kay Travor nang magsalita ito. Seryoso itong napaangat nang tingin sa kanila saka prenteng sumandal sa swivel chair. Bakit napakatikas pa rin nito?
"But since naging mapilit si Giovanni about Ford, I'm giving Giovanni a second chance. A mission. About Ford." Mataman silang nakikinig dito. Muli itong nagpatuloy.
"Now Gio, you can choose your team. Of course, you can choose anyone except Pierre. Alam kong naiintindihan mong kailangan siya sa mafia," mahabang saad ni Travor na ikinunot ng kaniyang noo.
"Kung ganoon ay, sasama kami ni Dominic kay Giovanni sa misyon," ani Four na tinanguan naman ni Travor. They just agreed without any single thought. Without giving any consideration about themselves, about their own safety.
Binalingan naman siya ni Travor. "And as for you, Carmela," Kinuha nito ang sobreng ipinatong niya sa ibabaw ng mesa. "I'll take this. Don't worry, you can still go back to your prof---"
"Wait lang po!" Maagap niyang sagot saka mabilis na binawi ang sobre. "Puwedeng bawiin? Joke lang po. It's a prank. Ha-ha-ha-ha."
***
Tahimik silang magkakaharap na nakaupo sa couch. Giovanni is sitting at the single sofa. Iniisip niya pa rin kung bakit parang ang haba nang araw na iyon para sa kanilang lahat.
"Akala ko talaga ako lang ang magriresign," basag ni Four sa namayaning katahimikan.
She let a sly smile. Akala niya rin iyon kanina. Ngayon, kahit papaano, panatag na ang loob niya. Giovanni has his group that is loyal to him.
"You're smiling," puna ni Giovanni.
Bahagya naman siyang natigilan. Parang biglang uminit yata ang kaniyang mukha. Napatingin din sa kaniya sina Pierre, Dominic at Four. Pang-asar na napangiti si Dominic sa kaniya. Her eyes landed on Pierre. He smiled at her. Maya-maya ay napatayo ito.
"I'll go ahead," paalam nito. "Gio, alam kong alam mong kahit ano pa man ang mangyari, ikaw lang ang nag-iisang Mafia Boss."
Giovanni smiled. This time, it was a genuine smile. "The title doesn't really
matter to me. The most important to me now is to find the bastard who did that to us. Para kina Saber at iba pa. At sana....." Napahinto ito. "Sana wala nang mawawala ulit."
BINABASA MO ANG
The Legendary Red-Eyed Girl
AksiShe was a lone survivor. She came in the city to find justice. She became someone far from who she was. She's hungry for vengeance. She was Carmela Calida. And now, she's Carmela Marasigan. The legendary red-eyed girl.