Chapter 14

99 9 3
                                    

It was a good timing na aalog-alog ang mansion dahil walang katao-tao sa paligid. Kahit mabigat ang loob niya dahil hindi man lang siya nakapagpaalam kina Silvanna at Nikki, sa tingin niya ay mas okay na rin yun kaysa makita siya ng iba pang butlers. Ang dami na nga nang sinasabi ng mga ito, dadagdagan niya pa.

She can't help but smile upon seeing the whole Hacienda. Masyadong maganda ang lugar para magsenti siya. It's green all over the place. Bagay na malayo sa siyudad. Napabuntong-hininga nalang siya saka nagsimulang maglakad palabas ng Hacienda.

"Tss. Sana nag-offer man lang si Dominic na ihatid siya hanggang labasan," inis niyang ungot nang maisip ang layo nang lalakaran mula sa mansion hanggang sa bukana ng Hacienda.

Muli siyang lumingon sa mansion saka muling napabuntong-hininga. Sayang ang misyon niya. Malaking bagay sana iyon sa mga pinaplano niya pero naging abo lang. Paano na ngayon?

She tried to console herself when she heard a car from the back. Napahinto siya at napangiti saka nilingon ito. Ngunit gayon na lamang ang panlulumo niya nang lagpasan siya nito. It was a Bugatti Galibier and she already knew who's driving it. Sinundan nalang niya iyon nang masamang tingin.

"Yabang-yabang," saad niya.

Inis niyang hinila ang maleta saka paduskal na naglakad muli. Mabuti nalang at nakarubber shoes siya. Mahaba-habang lakaran din ang gagawin niya.

Mapuno ang gilid ng kalsada na dinadaanan niya palabas, at mag-isa lang siya. Ang alam niya ay may mga naninirahan sa Haciendang iyon ng mga Hendersons, pero pinalikas nila ang mga ito upang hindi madamay sa kung anuman ang magiging problema ng Hacienda. It was decided by the Great Travor Henderson nang mamatay ang ama nito. Of course, the lipat baranggay was financed by the Hendersons. Initiative naman daw iyon ng maybahay nitong si Marian.

If she could judge the characters of Giovanni's parents, she can actually like them. Lalo na ang asawa nitong si Marian. She was known of being humble and soft-hearted. She was once a reaper, but she turned into a sweet loving wife and mother. Kung hindi nga lang siya insecure kay Alexandrite, magugustuhan din niya ito. She's sweet and nice. And Alessa, too. Ewan lang niya kung saan ipinaglihi si Giovanni.

But then, she couldn't easily judge him. Baka kaya ito ganito ay dahil ito ang namamalakad sa mafia ng pamilya. How nice would it be to become a Henderson?

"Huh?" Napahinto siya sa paglalakad nang makita niya ang pamilyar na sasakyan sa bukana ng Hacienda. Kinakabahan siyang nagpatuloy sa paglalakad.

Dere-deretso siyang naglakad hanggang lampasan niya ito. Deretso rin ang kaniyang tingin. Lumingon lang siya nang matantiya nang may ilang metrong layo na rin siya mula sa sasakyan ni Giovanni.

Nakahinto lang ito roon. Malamang ay tinitingnan lang siya ni Giovanni mula sa loob ng kotse nito. Talagang papanuorin siya nitong maglakad. Ano? Para siguraduhing aalis talaga siya ng Hacienda? Hindi na kailangan. Aalis siyang talaga at hindi na magpapakita pa.

Nagsimula siyang maglakad muli. Ang bukana ng Hacienda ay may kalayuan pa mula sa highway. Kailangan niya pang maglakad muli ng ilang metro mula roon. And she heard the engine of the car behind her. Huminto ito ilang metro sa unahan niya.

Lumabas si Giovanni ng sasakyan saka ito naglakad palapit sa kaniya. Walang sabi-sabi nitong kinuha ang maleta niya saka inilagay sa likurang bahagi ng sasakyan nito. Napatanga naman siyang napahinto.

"Get in the car," maawtoridad nitong saad. He was not really helping. It was like he's commanding. Sakay o bala? Ganoon.

Walang imik siyang nagtungo sa kabilang bahagi sa harapan. He offered, might as well accept it. Last naman na.

The Legendary Red-Eyed GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon