HUE's
KUNG mamalasin ka nga naman. Pinaka-ayaw ko ang nagko-commute. Bukod sa nakakatabi ka ng mga strangers, may instances pa na may makakatabi kang lampa na muntik pa ka pang halikan.
ರ_ರ
Maliit, bilugan ang mukha, maputi at kulay dark chocolate ang buhok nitong abot hanggang balikat. Nakasuot ng white long sleeves na napapatungan ng grey vest na kakulay din ng palda nito.
Same school pala kami. Tsk!
Napaisip tuloy ako kung senior na ba siya o freshman...pero sa itsura niya, masyado siyang bata para maging senior ko. Sana lang hindi kami magkita sa campus, pinaka-ayaw ko pa naman sa lahat ay yung lampa.
Nang makita ko sa di kalayuan ang gate ng school namin ay kaagad kong sinabihan yung driver.
"Kuya sa tabi lang po." Para ko dito. Bahagya na akong humarap sa may pintuan, senyas na bababa na ako.
Matapos tumigil nung van ay siya namang baba nung matandang lalake.
Kaso yung katabi ko...bakit hindi pa siya bumababa? Tsk, freshman nga siya.
"Hoy," tawag ko sa atensyon nito. Gulat naman itong tumingin saken, kita ko ang takot sa mga mata niya.
ರ__ರ
"Hindi ka pa ba bababa? Andito na tayo." Sabi ko pa dito sabay dutdot dun sa picture na kanina pa niya hawak-hawak at tinitignan.
"A-Ah... G-Ganon, s-sorry." Uutal-utal pa nitong sabi saka agad na tumayo at maingat na bumaba.
Dahil sa inis ko ngayong araw, sinadyang kong apakan yung paa nung matandamh babae na hindi man lang gumalaw sa kinauupuan niya para padaanin kami.
"Aray! Bulag ka bang bata ka?" Dinig kong sigaw nito pero nagtuloy-tuloy lang ako at nagkunwaring walang narinig. Bagay lang sa kaniya yun, kanina pa siya eh.
Siya din ang dahilan kung bakit muntik pang sumubsob saken yung... Asan na yun?
Lumingon-lingon ako sa paligid para hanapin yung babae kanina, pero hindi ko na ito nakita pa. Ang bilis naman? Kaliit-liit na tao ang bilis maglakad.
Pagpasok ko sa room ay wala pang masyadong tao. Block section kami kaya kung sino ang mga classmates ko noon, sila parin ngayon. Pero, dahil hindi ako pala-kaibigan, hanggang ngayon iilang tao pa lang ang kilala ko. May mga nagtatangkang kumausap saken, pero hindi talaga ako friendly.
Mabilis na lumipas ang oras, isang prof lang ang pumasok samin for the orientation sa subject niya.
Nang mag-lunch ay kaagad kong kinuha ang phone ko at tinawagan si mama, habang inaantay na sagutan ni mama ang tawag ko ay nagsimula na din akong bumaba ng hagdan.
"Hello Ma, pasabi kay papa papalitan na ng gulong yung motor ko...ayoko nang mag-commute eh." Nagpapa-awa kong sabi sa mama ko sa kabilang linya.
"Oh sige sige, ano? Pauwi ka na ba?" Agad akong napangiti sa lambot ng boses ng mama ko. Sobrang maalaga siyang mama at the best mom talaga sa mundo. Siya ang nagaasikaso ng bakery namin habang ang papa ko naman ay isang university professor dito din mismo sa Fin University.
"Hindi Ma, lunch pa lang namin kaya!" Natatawa kong sagot dito.
^_^
"Ay ganon ba? O sige, ingat ka pauwi mamaya ha? Wag mong kalimutang kumain ha."
"Opo ma! Kayo din wag masyadong magpaka-pagod ha? I love you Ma!"
"Ay naku, naglalambing na naman. O sige love ka din ni Mama, babye na."
BINABASA MO ANG
I Remember Hue (Completed)
RomanceWhat if your brain lose its ability to store memories? Mia had to live her life with constant memory loss, and the only thing she could remember were her memories before the accident. In her first day of school as a freshman, she met Hue, a second...
