Chapter 7

43 1 0
                                    

HUE'S

ANO bang ginagawa ko?
Hindi ko alam kung bakit bigla ko na lang naisip na yayain siyang magkape bukas.

(─.─||)

Pero bakit hindi man lang ako nakakaramdam ng pagsisisi? Natutuwa pa nga ako na ewan.

(-_-;)・・・

Hmm, saang coffee shop ko kaya siya magandang dalhin bukas?  Tanong ko pa sa sarili ko.

Mas lalo akong nahirapang makatulog kakaisip kung saang lugar masarap magkape.
Nagpa-ikot-ikot ako sa higaan ko ng ilang beses. Nag-search na ako ng mga coffee shop na malapit sa may school na maganda ang customer's review.
Ang kaso lang... Sisipot kaya siya? Sabi niya kase titignan niya pa kung free siya.

ಠ︵ಠ

Sa tuwing naalala ko ang sinabi niya kanina nag-aalala ako na baka indianin niya ako.

Sabi naman niya titignan niya kung pwede siya... Malay mo naman pumunta siya.
Pampalubag-loob kong sabi sa sarili ko bago ako tuluyang dalawin ng antok.

Kinaumagahan ay kaagad kong tinext si Mia ng oras at lugar kung saan kami magkikita. I don't wanna sound hopeful sa text ko kaya sinemplihan ko lang.

H: BlueVein's Café, 3:00 pm. Hanggang 3:30 ako maghihintay. ((•‿•)

Pagkatapos kong ma-text siya ay kaagad na akong nagtungo sa closet ko para humanap ng damit na masusuot.

Pilit kong inalis sa isip ko ang ideya na baka hindi ako siputin ni Mia. Ayoko din namang paasahin ang sarili ko, sabihin na nating ako yung tipo ng tao na sobrang takot sa mabalewa, siguro hindi lang ako sanay? At nung naranasan kong mabalewa ng mga taong tinuring kong kaibigan, siguro na-trauma ako nung mabigat na pakiramdam.

Staka... sobrang panget ng mga nauna naming pagkikita at gusto ko na mamaya...maayos yun.
Kung sisipot man si Mia, sana.

Habang hinihintay mag alas-tres ay tinulungan ko muna si mama sa bakery niya.

"Wala ka bang appointment ngayon kay Doc. Ivan?"  may bahid ng pag-aalalang tanong saken ni Mama.

"Wala Ma. Nag-text siya saken kahapon at sabi ko okay pa naman ang pakiramdam ko kaya nagpa-resched muna ako."

Basa ko ang lungkot at pag-aalala sa mukha ni mama sa naging sagot ko. Kapag nakikita ko siyang ganun nalulungkot at nasasaktan din ako.
Kaya naman pilit akong ngumiti para ipakita sa kaniyang okay talaga ako.

"Ano ba kayo Ma? Buhay naman ako ngayon eh. Smile na, sige ka papanget yang mga tinapay?" biro ko pa. Nakahinga ako ng maluwag nang mangiti na si Mama.

Minsan talaga may mga bagay na biglang dadating sa buhay mo at kung minsan, wala kang choice kundi ang magpatuloy sa buhay na meron ka...dahil yun lang din naman ang choice mo. Nakakalungkot ang ganon, pero, yun ang buhay na meron ko ngayon.

Nang pumatak na ang alas-dos ay nag-umpisa na akong maghanda.  Sinuot ko ang paborito kong white long sleeves at faded blue ripped-jeans. Naging paborito ko ang porma na ganito dahil malinis tignan at maaliwalas din.

Nang sumapit na ang alas-tres ay nag-motor na ako papunta sa Café.
Habang lumilipas ang bawat segundo ay mas kinakabahan ako, hindi ko alam kung bakit. Dati naman naranasan ko nang indianin ng babae pero ngayon...parang iba?

Wala siyang reply sa text ko kaya hindi ko alam kung makakapunta ba siya.
Pero gaya nga ng sabi ko, hanggang 3:30 ako maghihintay.


I Remember Hue (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon